Bianca King: “My heart beats for those that are grateful for my existence."

When asked to describe the current state of her heart, Bianca says, “My heart beats for those that are grateful for my existence. Di ba? No, but it’s true, parang you want to give your heart, you want to give your love to people who are grateful to have you around."


Busy year para kay Bianca King ang 2012, at dahil dito malaki ang pasasalamat niya.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, December 22, sa presscon ng Sosy Problems, natutuwa raw ito dahil "naipagpatuloy ko yung kagandahan ng mga roles na nakuha ko last year."

Aniya pa, "Di ba, last year I did Sinner Or Saint, and I did Legacy, and this year binigyan ulit ako ng break, twice pa, twice pa!

"I did Broken Vow and I did Luna Blanca. So iyon yung magagandang things na nangyari sa akin.

“So, I’m grateful. This year was better than last year, and next year will be better!”

Ano naman ang pangit na naganap sa buhay niya this year?

“Hindi naman siya talaga tungkol sa akin pero yung nagkasakit yung dad ko nang sobra, iyon yung medyo mabigat talaga.

"But sobrang blessed kami na nasa Canada siya nung nangyari, kasi buti na lang, may 911 dun.

“Kasi di ba, inoperahan yung dad ko two weeks ago? Nagka-complication siya, so sinugod siya sa hospital. Buti na lang may 911."

Mabilis at maagap daw ang hospital kung saan isinugod ang kanyang ama.

“So, my mom and I are so grateful na nangyari yung ganito sa buhay namin, na nandun yung dad ko, na hindi lang mabilis yung attention, hindi lang maganda yung health care, libre pa.

“Parang, kung nandito yata sila, hindi ko alam kung…

“Iyon yung sinabi ng mommy ko sa akin, e, na hindi na niya na-drive, buti na lang may 911, yung ganun.”


IS BEING SOSY A PROBLEM? Speaking of Sosy Problems na pinagbibidahan nila nina Heart Evangelista, Solenn Heussaff, at Rhian Ramos, tinanong namin si Bianca kung offensive ba para sa kanya (o sa ibang babae) kapag tinatawag silang pa-sosyal?

“Hindi naman, kasi depende sa context, depende sa context. Kung sinasabing pa-sosyal, baka may context iyon ng social climber, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pasosyal can also be said in jest, yung parang you make a joke out of it, yung ganun.

"But like, iyon nga, what all the girls always say, yung pagiging sosyal, wala naman yun sa kung gaano karaming pera meron ka, nasa poise mo yun bilang babae.

“Nasa taste level mo yun, puwede namang, like ako, medyo I work for myself, medyo average naman yung earnings ko bilang artista sa showbiz, pero siyempre I earn a little bit more than people my age.

"But I live within my means."

Ayon pa kay Bianca, hindi raw siya gastadora o maluho.

“Very, very modest ang lifestyle ko. Kung ano lang yung kaya kong gastusan, iyon lang yung gagastusan ko.

"At lahat ng kinikita ko, pumupunta siya sa mga makabuluhang bagay."

A HOME OF HER OWN. “Like my house, I’m still paying for [it], tapos yung savings ko, for my education pag mag-aaral ako ulit, yung mga ganun.”

Ano ang pinakamahal niyang nabili sa buong showbiz career niya?

“Bahay, bahay ko talaga. Kasi na-experience ko din naman when we, as a family, had to sell our house before, yung house that I grew up in.

“So nung nangyari yun sa amin, sabi ko sa sarili ko, ’Pag meron akong opportunity na maglagay ng malaking pera sa isang bahay, iyon ang unang-una kong gagawin.’

“Kasi maganda yung, bahay na inuuwian mo, nakatitulo sa iyo.

“Kasi na-experience ko rin mag-rent with my parents, mga ganun.”

Hindi ikinahihiya ni Bianca ang rason kung bakit sila nagbenta ng bahay dati.

“Times got hard. Just like kung anuman yung normal na nangyayari sa buhay ng tao, nangyari rin yun sa amin.”

At nang maging maayos naman ang income niya sa showbiz, tinupad niya ang pangako sa sarili.

“Condo muna kasi yung binili ko nung 2009, tapos bago ko pa malipatan yun, sinwap ko siya for a townhouse kasi parang faith lang in the Lord na, sige, merong opportunity for me to buy a house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit na hindi pa ganung kalaki yung TF [talent fee] ko noon.

“Sabi ko, e, nandito na, e. Baka ito ang talagang plano sa akin ni Lord.

“And you know, God willing, hindi ako nawalan ng work.

“Actually, mas naging okay pa nung nag-take ako ng chance, nag-take ako ng risk to invest in something for my future and for my family.

“Binigay din sa akin ni Lord lahat ng pambayad,” ang nakangiting pahayag pa ni Bianca.

Kaya naman, nagkaroon ng bakanteng room ang town house niya para sa mga kilala niyang kailangan ng matutuluyan.

"Ang sarap ng feeling talaga nung finally ay nasa akin na yung townhouse.

"Tapos pag umuuwi dito yung mom ko and my family, my friends from all over the world, even yung mga kaibigan ko dito ha na medyo nagkakaproblema sa family or natatapos yung lease nila, my guestroom is always open for them.”

At sinigurado raw niya na komportable ang guest room.

Ang kuwento pa ng Kapuso actress, “Ang dami nang nakitira na sa akin na kaibigan.

"Tapos, yun nga, yung family ko, maganda kapag umuuwi sila dito meron silang sariling kuwarto, may sariling CR, may closet.

"It’s such a nice feeling na they don’t have to sleep on my sofa, yung ganun. Nabibigyan ko sila ng comfort.”



WHO’S THE SOSIEST OF THEM ALL? Ang Sosy Problems na idinirehe ni Andoy Ranay ay entry ng GMA Films sa Metro Manila Film Festival 2012.

Sa kanilang apat, sino ang pinaka-sosy?

“Siyempre, si Heart! Si Heart talaga. She likes pricey things, nice things, yung ganun.

“Pero ganun kasi talaga yung taste level niya, ganun yung kinalakihan niya.

"Pero yung tototong pagkatao ni Heart talaga, so simple and so sincere, so compassionate.

“Kung anuman yung kamahalan ng itsura niya, ganun kasimple yung pagkatao niya.”



NAUGHTY OR NICE? Ngayong Christmas, bilang nag-iisa siya rito sa Pilipinas at nasa Canada ang mga magulang niya, ano ang plano niyang gawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iikot ako sa mga house ng mga friends. I bought gifts for all of them!”

Gaano ba siya ka-naughty this year?

“Naughty, I’m always naughty,” sabay tawa ni Bianca. “Ako, I’m the type of girl that likes to have fun. Hindi ako KJ [kill joy].

"Pag merong invitation na pumunta dito, gawin this, do that, game ako, game ako sa mga ganun.

"Parang yung very random invitation ni Solenn na mag-Paris, may shooting kami nun, pero pina-block off namin.

"Medyo naughty yun, pero it’s a once-in-a-lifetime opportunity na makapunta ng Paris with a friend at tumira sa bahay nila, so ginrab ko yun."

Ano ang naughtiest na bagay na ginawa niya sa buong buhay niya?

“To enter showbiz! Oo, naughty yun! Kasi sinabi ko sa mommy ko, sabi ko, ’Ayoko nang mag-aral. Gusto kong mag-showbiz.’

"Oo, so two years ako nag-stop, tapos kinukulit ako nang kinukulit ng mommy ko na mag-aral ulit hanggang sa dumating ang point na nagsawa na siya at ginulat ko na lang siya one day, ‘Mom, I’m enrolled again!’

“Nag-aral na ako ulit.”

Paano siya naging nice?

“I was a better person this year than I was my entire life.

“Ngayong taon ko masasabi na kung ano yung kaya kong ibigay sa mga tao sa paligid ko, ’binigay ko talaga.

“Love, friendship, blessings, even monetary blessings, kung kaya kong ibigay at i-share with people.

“As a daughter, mahirap namang magbuhat ng sariling bangko pero iyon nga, dahil only child naman ako, wala naman akong kapatid na magba-vouch for me.

"Hindi ninyo rin nakikita yung parents ko dito, pero sinabi na rin ng mom ko and ng dad ko... Before, my dad says that I’m his hero, iyon. Tsaka yung mom ko siyempre, ako yung pinakamalaking blessing na dumating sa life nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


STATE OF HER HEART. Paano ide-describe ni Bianca ang puso niya ngayon?

“Let me think of something smart to say, ganito yung mga times na magandang magpaka-deep, e.

“My heart beats for those that are grateful for my existence, di ba?

"No, but it’s true, parang you want to give your heart, you want to give your love to people who are grateful to have you around.

“Even to fans, pag nakikita mong they give you love, you want to give it back.

"Ako, I’m really all about, you know, love is a gift. I’m really all about giving love and kindness to everyone.

"Hindi ko alam kung kailan ako dumating sa stage na yun.

"We’re the same. I’m sure napapansin ninyo, Heart and I talk the same, ganun.

"Kaya yata kami nagkakasundo kasi pareho kami na ganun yung pananaw sa buhay.”

Kaya para kay Bianca, kahit wala siyang karelasyon na lalaki ngayon ay kaya niyang magbigay ng pagmamahal.

“Of course, no doubt about it!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN