Marian Rivera reveals what she would like to buy for herself this Christmas

Kung siya ang masusunod, paano ipagdiriwang ni Marian Rivera ang Kapaskuhan na siya lang mag-isa? Sagot ng Primetime Queen ng GMA-7, “Alam ninyo, sabi ko nga, thankful ako, ang dami kong trabaho. Ine-enjoy ko lang kasi iba itong Temptation of Wife, iba ang Extra Challenge, iba ang movie na gagawin kong isa pa, yung kay Richard [Gutierrez]. Kaya sabi ko, ‘Ay, dire-diretso na naman ako, wala na naman akong tulog.’ Ine


Ibang atake raw ang mapapanood kay Marian Rivera kapag iniwan na nito ang katauhan niya sa Temptation of Wife bilang Angeline.

Kinausap daw mismo ni Marian ang kanilang director na si Dominic Zapata at sinabi raw nitong ibang atake ang gagawin niya bilang Chantal.

Mas gusto ni Marian na mata pa lang niya ay parang naghihiganti na siya sa masasamang ginawa sa kanya noong bilang Angeline.

Dahil sa sinabing ito ni Marian, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kung ganoon din ba siya sa totoong buhay—na mata lang ang pinapagana niya kapag may nakagawa sa kanya ng kasalanan.

“Mata lang? Depende sa sitwasyon!” natatawang sabi niya.

Nagamit na ba niya ito sa ibang sitwasyon?

“Mata lang? Kilay lang? Alam naman ng mga tao yun.

“Hindi naman ako anong artista... napaka-transparent ko naman.

“Alam niyo na ‘yan, ang tagal n’yo nang alam ‘yan!” natatawa pa ring sabi pa ng Kapuso star.

Ano ang nakapagpa-endear sa kanya sa role na Angeline?

“Ang laki!” bulalas niya.

“Hindi ko rin kasi alam na magagawa ko nang tama si Angeline.

“Palagi kong ginagawa ang bait-baitan, pero first time ko kasi na gumanap ng may asawa na inaagawan.

“Parang feeling ko, naka-relate ako sa mga asawang may inaagawan.

“Inaarte ko pa lang, ang sakit-sakit na.

“Ang hirap din sa mga babae na nae-experience nila sa totoong buhay dahil nakakaloka talaga.”

Nagawa ba niyang sabihin at ipaalala sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes na masakit talaga ang agawan ng asawa?

“Ay, hindi! Confident ako kay Dong. Hindi talaga,” mabilis na sagot ni Marian nang nakangiti.

SEXY AND SOPHISTICATED. Malapit na ngang mapanood si Marian bilang Chantal sa mga susunod na episodes ng Temptation of Wife.

Ayon pa kay Marian, yun ang dapat abangan ng mga tagasubaybay ng kanilang programa.

“Basta siguro, ang masasabi ko lang, hintayin niyo kung paano ire-reveal si Chantal. Ite-taping na namin sa Friday, pero sa January siya ilalabas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Mas sexy, more skin, sophisticated.

“Imadyinin ninyo, ang magtuturo sa akin, si Ate Ayen [Munji-Laurel].

“So, alam n’yo naman, feminine. Alam n’yo na.”

Sino ang mas mahal niyang karakter—si Angeline o si Chantal?

“To be honest? Itong Angeline, para sa akin, mahirap gawin, mabigat.

"Pero feeling ko, mas mag-e-effort ako as Chantal.

“Why? Kung ano ang ginagawa ni Heidi kay Marcel, gagawin ko rin ngayon kay Marcel.”

Daring?

“Ay, kayo na ang mag-judge kung daring!” bulalas niya.

Mas hihigitan pa niya ang pagka-daring ni Glaiza de Castro bilang si Heidi?

“Ay, yun ang hindi ko masasagot, depende sa script at sa approach ni Direk [Dominic], at sa reaksiyon ko kung kakayanin ko.

“Kasi, sinasabi ko nga kay Direk, all the way ako sa Temptation, wala akong limitasyon."

Dagdag pa nito, “It’s about time.”

BUSIEST CHRISTMAS. Isa sa busiest Christmas ni Marian ang 2012, kahit wala siyang Metro Manila Film Festival entry, dahil tuluy-tuloy ang taping para sa Temptation of Wife.

Bukod pa rito ang Extra Challenge at mga pelikulang sisimulang gagawin.

Paano niya gustong i-spend ang Kapaskuhan kung sarili lang niya?

“Alam ninyo, sabi ko nga, thankful ako, ang dami kong trabaho.

“Ine-enjoy ko lang kasi iba itong Temptation of Wife, iba ang Extra Challenge, iba ang movie na gagawin kong isa pa, yung kay Richard [Gutierrez].

“Kaya sabi ko, ‘Ay, dire-diretso na naman ako, wala na naman akong tulog.’

“Ine-enjoy ko, pero sabi ko, kahit isang araw lang, ipa-pamper ko naman ang sarili ko.

“Pamasahe, pa-salon… lahat ng pagpapaganda gagawin ko.”

Ayon kay Marian, December 24 at December 25 lang daw talaga ang bakasyon niya.

Kulang pa ba ang pagbabakasyon nila ni Dingdong sa Las Vegas?

“Akala n’yo lang matagal. Dalawang araw?

“Nanood kami kay Kuya Manny [Pacquiao], gala, tapos umuwi na kami, wala na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi namin kay Marian na lumabas sa Internet ang picture nila ni Dingdong sa ringside na kuhang-kuha ang reaksiyon nila nang ma-knockout si Manny.

“Nakanganga?

“Sabi ko nga, ganoon pala ang pakiramdam.

“Partida ako, e, nakatrabaho ko lang si Kuya Manny sa Show Me Da Manny. Tapos, hindi ako masyadong attached sa kanya.

“Pinoy ako, oo.

“Pero noong nanonood ako at nangyari sa kanya, feeling ko, bumagsak ang langit at lupa.

“Tapos, pagtingin ko pa kay Ate Jinkee [Pacquiao, Manny’s wife], nag-hysterical pa siya na, siyempre, asawa niya yun. Ang sakit sa dibdib.”

Nilapitan daw ni Marian si Manny noong nasa eroplano sila.

“Pinuntahan ko siya sa eroplano at nag-hi ako sa kanya.

“Sabi ko, ‘Kuya Manny, kamusta?’

“Sabi niya, ‘O, buti naman pinuntahan mo ‘ko.’

“Sabi ko, ‘Kuya Manny, palagi akong nanonood ng laban mo. Hindi mo lang ako nakikita.’

“Tapos sabi niya, ‘Wala, e.’

“Sabi ko naman, ‘Okay lang yun, Kuya, bawi tayo next time.’”

Dugtong ni Marian, “At saka, ang ganda ng laban niya.

“Para sa akin, isa sa pinakamagaling na laban niya.”

MOST MEMORABLE GIFT. Noong bata si Marian, ano yung natatandaan niyang gustung-gusto niyang makuha o pinaka-hinihiling niyang regalo?

“Hinding-hindi ko makalimutan noon, si Papa kasi mahilig magpadala ng Barbie. Si Mama naman, bahay ng Barbie.

“Sabi ko noon, ‘Bakit ganoon, si Barbie, walang asawa?’

“Gusto ko may Ken. Sabi ko, complete family.

“Si Papa pa rin ang nagbigay ng Ken.

“Tapos, yung lola ko, ang ginawa niya, bilang may Barbie at Ken, binilhan niya ako ng manikang maliit para raw complete family.”

Nasa kanya pa rin ang mga yun?

“Oo, pero yung bahay ng manika, ewan ko kung nasaan na.

“E, ganoon naman yata ang mga bagets. Noong magkaisip na ako, Hello Kitty naman.

“After that, wala na.”

Nasaan ang mga Hello Kitty niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na kay Barbie [Forteza] at saka kay Louise delos Reyes. Kay Jillian [Ward], may ibinigay akong isa.”

Mula sa Barbie, Hello Kitty—ngayon ano na ang gusto niya?

“Ano ba?” nag-iisip niyang sagot.

Hermes?

“Hindi na, tama na ang mga expensive bag,” sabi niya.

Alahas?

“E, hilig ko naman yun dati pa—alahas pa rin.

“Pero may wish ako this Christmas na gusto kong bilhin para sa sarili ko.”

Ano naman yun?

“Basta!” nakangiti niyang sabi.

So, ano nga?

“Bagong kumportableng sasakyan.

“Kaya lang, baka nga hindi ko mabili kasi magpo-produce nga ako [ng pelikula].

“Basta, kapag nabili ko na, sasabihin ko sa inyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN