Solenn Heussaff’s Christmas gift to herself: a well-deserved grand vacation

Pagkatapos ng Pasko ay lilipad patungong Argentina si Solenn Heussaff para sa isang engrandeng bakasyon kasama ang boyfriend na si Nico Balzico. Aniya, “It’s time to have a break na wala akong iniisip na trabaho. I get to travel naman pero laging may kasamang trabaho. This time, no worries—talagang vacation to-the-max! I feel that I deserve it for working very hard this year. Kaya see you all in 2013!”


Sunud-sunod ang blessings na dumating sa showbiz career ni Solenn Heussaff ngayong 2012.

Hindi siya nawalan ng trabaho at parami nang parami ang endorsements niya.

Pagkatapos siyang makilala bilang isang castaway sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown noong 2010 ay nagtuluy-tuloy na ang career ng French-Pinay.

Nakasama si Solenn sa dalawang surprise box-office hits ng taon: Boy Pick-Up: The Movie na bida si Ogie Alcasid at D’Kilabot Brothers, Weh! Di Nga? na pinagbidahan nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Sa parehong pelikula ay nagpakaluka-luka si Solenn at game na game itong maging katawa-tawa sa mga eksena niya.

“Akala kasi nila maarte ako. They think na masyado akong sosyal.

“But really, hindi. Image ko lang ’yon!” sabay tawa ni Solenn nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng 2012 Metro Manila Film Festival entry ng GMA Films na Sosy Problems.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Center last December 22.

Patuloy pa ng actress/singer/TV host, “I love making fun of myself.

“Kaya when they asked me to do those two movies, I said yes right away.

“Iba kasi, and they will see a different side of me na hindi nila alam.

“Feeling ko kasi, I am more of a comedienne than a dramatic actress.

“Mas gusto kong pagtawanan ako kesa sa mapanood nila akong mag-drama.

“Plus, I enjoyed playing leading lady to the country’s funny men na sina Ogie at sila Jose and Wally.

“Si Ogie, I’ve known him for a long time na, plus we have the same manager [Leo Dominguez]. Nag-work na rin kami sa Bubble Gang.

“Naging close din ako kina Jose and Wally who I’ve gotten to work with sa Eat Bulaga!.

“They are so funny. At ang gagaling nila talaga. I wish to work with them more next year.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DRAMA MOVIES. Pero open pa rin naman daw si Solenn sa paggawa ng drama movies.

Nagkaroon pa nga siya ng acting nomination para sa drama film na Yesterday Today Tomorrow, na entry sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Sabi ni Solenn, “Okey lang for me to do drama movies. Iba naman kasi iyon. I get to learn a lot from doing it.

“But I can express myself more sa comedy.

“Sabi nga nila, luka-luka ako—which is kinda true.

“I can get crazy when I feel like it!” tawa pa niya.

SOSY PROBLEMS. Sunud-sunod ang naging TV shows ni Solenn nitong 2012, tulad ng Eat Bulaga!, Legacy, Bubble Gang, Fashbook, at Taste Buddies.

Ngayon ay kasama siya sa Metro Manila Film Festival entry ng GMA Films na Sosy Problems.

Sa naturang pelikula ay gaganap siyang anak ng isang former beauty queen at isang French ambassador.

Sa pelikula, magiging karibal niya kay Aljur Abrenica si Heart Evangelista.

Kuwento pa ni Solenn, “Magkaaway kami ni Heart sa movie. We like one man and that is Aljur.

“In the movie, para kaming frenemies—friends pero enemies.

“We complement one another, pero behind our backs, nagsisiraan kami.

“That’s where our friends get involved.

“It’s a girlie kind of movie which talks about boys, fashion, and everything sugar and spice.

“They will enjoy the movie kasi it’s light and tama lang for Christmas.”

Bukod kina Solenn at Heart, kasama rin sa pelikula sina Rhian Ramos at Bianca King.

FRIENDS IN REAL LIFE. Sa totoong buhay naman daw ay matagal nang magkaibigan sina Solenn at Heart noong wala pa sila pareho sa showbiz.

Sabi ni Solenn, “Good friends kami ni Heart in real life.

“We went to the same school noong high school. And we’ve been friends ever since.

“Pareho naming hindi inakala that we would both be in showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Heart has been very supportive sa akin because nauna siyang nag-artista sa akin. And I return the favor.

“Nagtutulungan kami. We have each other’s back.

“We’ve worked na together before in the drama series Legacy and the movie Temptation Island.

“Ngayon lang ulit kami nagkasama after a long time.”

Binibigyan ba niya ng advice si Heart tungkol sa lovelife nito bilang kaibigan?

“When it comes to personal matters like that, I rarely give advice unless humingi sila sa akin.

“Knowing Heart, she knows how to handle it. Kaya nga her name is Love, di ba?”

Love Marie Ongpauco ang tunay na pangalan ni Heart Evangelista.

Patuloy ni Solenn, “She embodies love through her name kaya she doesn’t need any advice.

“But if she asks me, dun lang ako magbibigay.

“Mukhang okey naman si Heart sa personal life niya ngayon.”

SOLENN IN 2013. Kasama si Solenn sa epic-serye ng GMA-7 na Indio na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla.

Natapos na rin niya ang pelikulang The Seduction with Richard Gutierrez and Sarah Lahbati under the direction of Peque Gallaga.

Parehong sa January 2013 ipalalabas ang dalawang proyektong ito kaya maganda ang pasok ng bagong taon para kay Solenn.

Kaya naman sa sobrang sipag nito ay nagplano na siya ng bakasyon with her non-showbiz boyfriend na si Nico Balzico sa Argentina.

“We will spend Christmas here kasi nga I have a movie. Aalis kami after the first day showing on Christmas Day [December 25].

“Gusto ko rin malaman ang maging resulta ng first day namin and how people will react to the movie,” sabi niya.

Sa kalagitnaan na raw ng January 2013 ang balik ni Solenn sa Pilipinas.

Isang well-deserved vacation daw kasi ang Christmas gift ni Solenn para sa sarili dahil walang tigil ang pagtrabaho niya ngayong 2012.

“It’s time to have a break na wala akong iniisip na trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I get to travel naman pero laging may kasamang trabaho.

“This time, no worries—talagang vacation to-the-max!

“I feel that I deserve it for working very hard this year. Kaya see you all in 2013!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN