LJ Reyes on rumors claiming Paulo Avelino has gay benefactor: "...pag meron na, tatawagan ko kayo, ’Hello, nangyari na! Bibigyan ko kayo ng komisyon!’"

LJ Reyes on her wedding plans: "Hindi ko pa alam, e. Pero gusto ko, wala, may feeling ako, gusto ko sa beach. Pero minsan iniisip ko, gusto ko ng old church, ganyan, yung traditional wedding."


Hindi naniniwala si LJ Reyes na hindi kayang pagsabayin ang pag-ibig at trabaho.

Siya nga naman mismo ang best example nito, dahil bukod sa maayos ang takbo kanyang career, maganda rin ang kalagayan ng kanyang lovelife at relasyon sa pamilya.

Nakausap si LJ ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Thursday, December 20, sa Sir Boy’s Food Republique sa Panay Avenue, Quezon City.

“Wow! Oo naman, ano lang naman ’yan, e, depende rin sa tao ’yan kung paano mo tatrabahuhin lahat.”

May one year and a half pang contract si LJ sa GMA-7 at sa PPL ni Perry Lansigan.

Ang nakangiting sabad ni LJ, “Kay Kuya Perry—lifetime, magsa-sign up na ako ng lifetime."

Si Perry din ang manager nina Dingdong Dantes, Rochelle Pangilinan, Gabby Eigenmann, Carla Abellana at iba pa.



WEDDING BELLS? Samantala, kahit ilang beses na napabalitang nagkakalabuan sila ni Paulo Avelino, sinisiguro ni LJ na walang problema ang kanyang lovelife.

Ano ang sikreto ng maganda nilang pagsasama?

“Si God!”

Napag-uusapan ba nila ang kasal?

“Well, oo, napag-uusapan pero hindi yun something that will happen anytime soon.

“Hindi pa kasi iyon ang priority namin ngayon, kasi mas priority namin ang magtrabaho muna nang maayos.

“Lalo na ngayon, ang dami-daming dumadating sa aming blessings.

"Siguro we’re taking one step at a time kasi ang hirap naman na magpaplano ka ng ganyan, e, ang dami-daming trabaho.”

Kung ikakasal sila, may dream wedding ba si LJ?

“Hindi ko pa alam, e. Pero gusto ko, wala, may feeling ako, gusto ko sa beach. Pero minsan iniisip ko, gusto ko ng old church, ganyan, yung traditional wedding.”

Ang anak nilang si Aki ba ang magiging ring bearer?

“Yes!” mabilis niyang sagot.

Dalawang taon na si Aki, turning three sa July next year.

Nasasaktan o nagseselos ba siya kapag may mga babae at bading na nagkakagusto kay Paulo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi! Bakit ako magseselos, nakakatuwa nga yun. Oo, natutuwa ako.

"Ako, okay ako dun kasi hindi naman maiiwasan yun, e, lalo sa trabaho namin. Pero siyempre, depende na rin yun sa aming dalawa or sa kanya.”

Kahit raw kay Julia Montes na nakapareha ni Paulo sa Walang Hanggan ay hindi nagselos si LJ.

“Hindi, mabait si Julia.”

Balak nila ni Paulo na magsimula nang mag-ipon para sa bagong bahay next year.

“Basta siyempre, meron pa din kaming sariling pera, meron ding para sa bata—iyon.”

Nagkikita pa sila kahit na pareho silang busy?

“Oo naman. May oras, oo, especially may bata, e.”

Pero kung silang dalawa lang?

“Oo, meron naman.”

Inusisa ng PEP kung ano ang pakiramdam ni LJ sa tuwing umiiwas si Paulo na sagutin ang anumang tanong ng press na related sa kanila.

Sa katunayan, sa tuwing magpapa-interview ang binata, agad na sinasabi ng handler nito na huwag pag-usapan ang lovelife nito.

Ang sabi naman ni LJ, “Okay lang naman kasi, siyempre, pag kunwari pinag-uusapan sa TV o kung saan man, siyempre hindi maiiwasan ang daming opinyon ng mga tao, kung anu-ano pa ang sasabihin na hindi naman nakakatulong, di ba?

“Kung kayo naman, okay naman kayo, hindi naman na … di ba?”

Advantage rin ba?

“Career-wise siguro, oo...

"Pero gusto ko ring maniwala na mature na yung audience natin, na hindi naman kailangang kung ano yung nasa TV o sa pelikula, iyon din ang nasa totoong buhay.

“Gusto kong matutunan yun ng audience natin at saka ako naman lagi kong sinasabi kung magaling ka naman talagang artista, kung kunwari may i-partner sa ’yo, kaya mong pakiligin yung mga tao.

“Hindi naman kailangan na totohanin para kiligin yung mga tao.”

Pag may nali-link kay Paulo, tinatanong ba niya ito?

“Hindi. Parang wala naman.”


GAY BENEFACTOR RUMORS. Ilang beses na ring naintriga si Paulo tungkol sa pagkakaroon ng gay financier o backer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatawa naman. Gay benefactor? Sabi ko nga, ‘Nasaan? Nasaan yung mga gamit? Nasaan ba?’”

Baka pera lang?

“O, nasaan? Hinanap muna! Asan ba ’yan?’ Joke lang,” ang tawa nang tawang reaksyon ni LJ.

“Papayag lang ako pag si Kuya Perry, usapan na namin ’yan! Ipamigay ba?” at tumawa nang tumawa muli si LJ.

“Hindi, wala, natatawa lang ako.”

Tinanong ba niya si Paulo tungkol sa isyu?

“Hindi. Hindi ba lahat naman ng lalaki sa showbiz, naiintriga na pag hindi bading, may dyowang bading.

“Nakakatawa lang.”

Halimbawang madiskubre niyang meron ngang gay lover si Paulo, ano ang gagawin niya?

“’Pengeng share!’ Hindi, joke lang. Nanghingi...” at muling humalakhak si LJ.

“Hindi ko alam, parang ang hirap namang humarap sa ganyang sitwasyon, hindi ko alam.”

Pero never daw ito pumasok sa isip niya.

“Hindi pa. ’Tsaka na lang pag meron na, tatawagan ko kayo, ’Hello, nangyari na! Bibigyan ko kayo ng komisyon!’” ang tawa pa rin ng tawang pagtatapos ni LJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN