PEP EXCLUSIVE: John Lloyd Cruz wants to prioritize "health and wellness" in 2013

Ito ang paliwanag ni John Lloyd Cruz kung bakit mas gusto niyang gawing pribado, hangga’t maaari, ang relasyon nila ng kasintahang si Angelica Panganiban: “We’re not denying anything. Nakikita ninyo naman, nakikita ninyo naman kami. Yun lang ang sa amin. Hindi naman naming kailangang magbigay pa ng detalye about our relationship. As it is, grabe na ngang makapagbiday ng komento ang iba sa relasyon namin. Na parang alam nila... so what more kung magbibigay pa


“Roller-coaster ride” ang paglalarawan ni John Lloyd Cruz sa taong 2012.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertaintment Portal) ang isa sa pinakamalaking artista sa Philippine showbiz sa taping ng kanyang primetime series sa ABS-CBN, ang A Beautiful Affair, sa Binondo, Manila ilang araw bago ang Kapaskuhan.

Sabi ni John Lloyd, nang kumustahin namin ang papatapos nang taon, “It’s quite a roller-coaster ride—both professional and personal.”

Napatanong kami agad nang sabihin niya ang aspetong “professional.”

“Well, okay naman. Unofficially Yours did very well, yung The Mistress,” pagbanggit ng Kapamilya actor sa dalawang pelikulang ginawa niya ngayong taon.

Dagdag niya, “Pero siyempre, ako, personally… nandiyan na kasi yung outcome na lang ang tinitingnan natin.

“Pero kung ia-assess ko yung pinagdaanan ko, like early part of the year, after ng first movie, yun...

“Nararamdaman ko rin naman yung, ‘What’s your next move?’ Hindi tayo puwedeng makampante.”

Naniniwala siyang an actor is only good as his last movie or TV series?

“Oo naman,” sagot ni John Lloyd.

“Pero siyempre, kailangan mo rin namang ihanda ang sarili mo na hindi lahat ng gagawing project mo is going to be a hit.”

Pero siya ang artista na kapag may pelikulang ipalalabas o teleserye man ay tipong kinaiilagan o kinatatakutan na tapatan.

Ayaw naman itong tanggapin ni John Lloyd.

Sabi niya, “Bakit naman? Bakit naman sila matatakot? Baka hindi ako, baka yung project.

“At saka, mahirap yata yung akuin. Kasi, puwede kasing magsabi ang kung sinong tao kung ano ang opinyon nila.

“Pero kasi, kung ikaw yung sinasabi, medyo mahirap akuin yun dahil unang-una, lahat ng ginagawa kong project is a collaborative effort.

“Hindi puwedeng akuin ni Direk Cathy [Garcia] yung success ng pelikula niya.”



PEAK OF HIS CAREER. Ano ba ang pakiramdam na naabot niya ang ganitong kataas na estado sa propesyong pinasok niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay John Lloyd, “Hindi ganoon ang pakiramdam.

“Kapag nasa proseso ka ng may ginagawa ka, hindi naman ganoon ang pakiramdam.

“Iba po kasi yung sa perception ng tao at iba rin po yung kami, yung alam namin, yung pakiramdam namin—iba yun, e.

“May sariling perception ang public, ang mga kasama natin sa industriya. Pero I’m telling you na hindi ganoon ang pakiramdam.”

Kung para kay John Lloyd ay may pagka-roller coaster ang taong 2012, ang sigurado naman daw ay magtatapos ang taong ito sa buhay niya nang masaya at may pasasalamat sa Diyos.

Sabi niya, “Ah, yes, yes… at palagi naman.

“Siguro ngayon, mas may extra pa nga.

“Sa family ko rin, kung ano ang na-achieve namin para sa family namin.

“So, more stable. Nakakapag-establish na kami ng sarili namin at malaking bagay yun.

“And definitely, I have ABS-CBN and Star Cinema to be grateful for.

“Kasi, totoo naman, kung paano binago ng trabaho namin ang buhay namin.”

JOHN LLOYD IN 2013. Tinanong din ng PEP si John Lloyd kung ano naman ang mga inaasahan niyang mangyari sa taong 2013.

“Ang hirap kasi… well, project-wise, ang naka-set sa akin, ginagawa na namin ni Sarah [Geronimo] ang movie namin.

“Meron din a possible Juday [Judy Ann Santos] movie.”

It Takes A Man and A Woman ang third installment ng pelikula nina John Lloyd at Sarah.

“Third and last,” sabi ni John Lloyd.

Binanggit namin kay John Lloyd na tila excited din si Judy Ann na makasama siya sa pelikula na may tentative title na Undo.

Sabi ng aktor, “Talaga? Kinakabahan ako.

“Kasi, hindi pa siya buo, nasa process pa lang na pinapabasa sa akin ang script.

“At sabi nga nila, it’s not a typical Chito Roño film.

“Tapos, sabi nila, meron din another soap after this [A Beautiful Affair].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, parang gusto ko rin i-prioritize ang health ko sa paparating na taon.

“I’d like to last longer... longer than two years in the business.”

Bakit “two years” lang?

“Kasi, yun na lang ang kontrata ko—two years,” nakangiting biro niya.

NETWORK OFFER. Dahil nabanggit na rin lang ni John Lloyd ang tungkol sa kontrata, naitanong namin sa kanya ang tungkol sa ibang networks na nag-o-offer daw sa kanya.

Isa na rito ang TV5 na sinasabing nakapakataas ng halaga ang alok sa kanya.

Totoo nga ba ito?

Sagot ni John Lloyd, “Well, I don’t think I should comment on that.

“Siyempre, may strict confidentiality. At saka, matagal na yun.

“Hindi ko rin alam, kasi wala namang dumarating sa akin.”

Makakaasa ba ang ABS-CBN sa kanya na magiging loyal siya kahit matapos na ang kontrata niya?

“Oo naman, oo naman,” sagot niya.

“At saka nag-renew ako ng contract a year ago and hindi ko naman nakikitang magbabago.

“Kasi, I’m very much enjoying kung anuman ang nakukuha ko creatively sa ABS.

“And nandoon yung mas nakikita kong nag-e-excel ako sa craft na napili ko with ABS.”

CHRISTMAS. Nitong katatapos na Kapaskuhan ay kasama raw ni John Lloyd ang kanyang pamilya.

“Pangatlo sana namin ngayon kung mag-a-out-of-the country. Pero, hindi kami maka-decide.

“Si Mommy kasi, kagagaling lang niya sa States, kakabiyahe niya lang.

“Tapos mga tita ko, tito ko, matatanda na rin… parents ko. Baka mahirapan sila.

“Pero, may possibility pa rin, Asian countries lang naman.

“Kung hindi man, baka dito lang kami sa Manila, palagi lang magkakasama.”

Ang orihinal na plano naman daw nila ng kasintahang si Angelica Panganiban ay magpunta ng Palawan kasama ang pamilya, pero nang makausap ng PEP si John Lloyd ay hindi pa raw sigurado kung matutuloy ito.

DISCOMFORT IN SHARING. Diretsahang tinanong ng PEP si John Lloyd kung mas masaya, mas peaceful ba ang lovelife niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti ito at saka sinabing, “Well, meron lang talaga akong discomfort, giving out, sharing. Kasi before, masyado akong naging open.”

Mas gusto niya bang gawing pribado ang lovelife niya sa pagkakataong ito?

“We’re not denying anything. Nakikita ninyo naman, nakikita ninyo naman kami.

“Yun lang ang sa amin. Hindi naman namin kailangang magbigay pa ng detalye about our relationship.

“As it is, grabe na ngang makapagbigay ng komento ang iba sa relasyon namin. Na parang alam nila... so what more kung magbibigay pa kami ng detalye?”

Sa kanilang dalawa, si Angelica ang mas bukas sa kanilang relasyon dahil sa pagpapahayag nito ng damdamin sa Twitter at Instagram.

Kaugnay ng pagiging aktibo ni Angelica sa social media ay may ilang tinatawag na bashers ang aktres. Paano ipinapakita ni John Lloyd ang suporta sa kasintahan pagdating sa aspetong ito?

“Sinasabi ko nga sa kanya, when you allow yourself to be a part of social networking, like Twitter, kailangan open-minded ka, di ba?

“Dapat kaya mong i-filter o i-screen mo kung ano ang magpapaapekto sa ‘yo o hindi.

“Mahirap din talaga, pero kung hindi mo matutunan yun, ikaw rin ang mahihirapan.”

Hindi naman niya pinapayuhan si Angelica na tumigil na lang sa Twitter?

Sabi ni John Lloyd, “Hindi, e.

“Sa tingin ko, she finds entertainment in it.

“Doon siya masaya, e. Happy siya doon. So, suportahan mo lang.”

Siya ba ay hindi nate-tempt na magbukas din ng sarili niyang Twitter account?

“Meron ako, pero nagpa-follow lang ako, hindi ako nagtu-tweet.

“Doon ako kumukuha ng mga balita—mostly news,” banggit niya.



PERFECT SUNDAY. Nang makausap namin si John Lloyd, kapansin-pansin ang maganda at positibong aura niya.

Nakangiti naman niyang sabi, “Actually, ang ganda-ganda ng buhay.

“Mahirap ang trabaho kasi, every day, I work six days a week. Sunday lang ang pahinga ko.”

Biro naman namin, may “perfect Sunday” na rin pala siya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, lagi,” nakangiting sagot ng aktor.

Nakiusap na rin daw siyang mag-leave muna sa Sunday musical-variety show na ASAP.

“Wala na rin kasing Kanto Boys," pagtukoy ni John Lloyd sa grupo nila nina Vhong Navarro, Billy Crawford, at Luis Manzano.

Ayaw na rin ni Vhong [Navarro] na mag-live ng Sunday kasi every day na siyang live [sa It’s Showtime].

“Other than Kanto Boys, hindi naman ako kumakanta nang live, hindi naman ako sumsayaw. So, nakiusap ako.”

Napauso na talaga ang salitang “perfect Sunday” na naging caption ni Angelica sa isang Instragram photo niya noong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila ni John Lloyd.

“Hindi lang naman kami!” natatawang reaksiyon dito ng aktor.

“Sunday talaga is best spent with family.

“Kaming dalawa, minsan nasa pamilya ko. Minsan, nasa bahay naman nila.

“Basta, we make it a point na every Sunday, nagkakasama, nagkikita-kita, nagkakabalitaan.

“Kumbaga, yung tradisyon namin noon sa pamilya namin, nata-try namin sa pamilya namin.”



HEALTH AND WELLNESS. May New Years’s Resolution ba siya?

“Well, next year, gusto ko talagang i-incorporate sa schedules ko, sa daily schedule ko, gusto kong mag-dedicate, makiusap sa mga projects na ginagawa ko, mabigyan ko ng panahon ang health and wellness.

“Makapag-exercise ka, makapag-workout ka kahit dalawang oras sa umaga before going to work.”

Ang normal daw kasi na schedule ni John Lloyd, 8 a.m. hanggang 2 a.m. kinabukasan ang taping niya.

Minsan, out-of-town pa siya kaya ilang oras din daw siya sa biyahe pa lang pauwi.

Magkasabay rin niyang ginagawa ang teleserye niya at ang shooting ng movie niya.

“Siguro yun lang, gusto ko lang mai-incorporate sa schedule ko—na makapag-stretch ako by exercising,” asam ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN