Lani Mercado dismisses rumor that son Jolo Revilla and his girlfriend Jodi Sta. Maria are now planning to get married

Proud na proud si Lani Mercado sa kanyang mga anak, partikular na kay Jolo na abala ngayon sa kanyang pagtakbo bilang vice governor ng Cavite; kay Gianna na pumasok na rin sa mundo ng showbiz; at kay Inah na nagbabalak kumuha ng Law.


Marami raw dapat ipagpasalamat ang actress-politician na si Lani Mercado ngayong 2012.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Si Senator Bong [Revilla, her husband], may movie, tapos may show pa siya, yung Indio.

“Tapos tayo, hindi naman tayo nawawalan ng television show.

“At yung pagpasok naman ni Gianna sa Teen Gen. Plus si Jolo has evolved into a politician.

“So, maraming dapat ipagpasalamat at dapat, marami rin i-share.”

Ngayong Bagong Taon, ang pinakaplano raw ni Lani ay magpahinga muna.

Nakangiti niyang sabi, “Magpahinga muna. Kasi nga, medyo nagkasakit tayo a few days ago.

“Tapos si Senator Bong, bugbog sa taping ng Indio. Tapos nasa Senado rin siya.

“So, it’s more on for family.

“Kumbaga, the three R—rest, recreation... kailangan mag-unwind, ganyan.”



TIME FOR FAMILY. Ngayong Kapaskuhan, wala naman daw partikular na bagay na gustong hilingin si Lani mula sa asawa.

Kung meron man daw, ito ay oras.

“Ang hihingin ko lang sa kanya ay panahon na magkakasama kami.

“Kasi lately talaga, sabi nga niya, ‘O, baligtad na ang buhay natin ngayon. Ako na ang nagte-taping na madalas.’

“So, at least, alam niya ngayon na yung nangyayari sa akin noon.

“Na bakit maaga umaalis, bakit naglalagare mula taping papuntang Kongreso.

“At least now, he understands the craft ng telebisyon at nagugustuhan niya. Ipinagmamalaki niya nang husto ang Indio.”

Kapag Pasko daw, lahat sila sa pamilya ay sama-sama at present lahat.

Pero kapag Bagong Taon, doon naman daw toka ang father-in-law niyang si former Senator Ramon Revilla Sr. Dito rin daw nagaganap ang exchange gift nila.

Sa isang banda, looking forward si Lani sa gagawin niyang pelikula ngayong 2013, ang Sugo, na tungkol sa buhay ng Iglesia Ni Cristo founder na si Ka Felix Manalo.



GIANNA REVILLA. Naitanong din ng PEP kay Lani ang pagpasok sa showbiz ng isa sa mga anak niyang babae na si Gianna Revilla, na nasa cast ng teen-oriented show ng GMA-7 na Teen Gen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Lani, “At first, talagang nag-decide kami na after college.

“Kaya lang, may mga nag-a-advice sa atin na young stars at older stars din ngayon na sinasabing, ‘Tita Lani, papasukin mo kapag teenager. Para mapagdaanan niya yung stage na yun.’

“Kasi, once she graduated from college, adult role kaagad ang isasabak niya. Parang hindi na niya mapagdadaanan yung stage na yun. She might not enjoy it. She might feel pressured kaagad.

“So, tutal naman, ang Teen Gen, e, weekends lang naman ang taping and it’s handled by Direk Mark [Reyes].

“So, kampante ako sa pag-aalaga ng GMA-7 at ni Direk Mark.”

Sabi naman ni Senator Bong, dapat daw ay hindi muna magbo-boyfriend.

Pahayag ni Lani, “Palagi naman yun ipinapayo sa kanya at saka she’s graduating high school, then next year, college na siya.

“Basta ang rules namin, huwag pababayaan ang school.”

Ang panganay nilang babae na si Inah Revilla ay sumubok din na mag-artista noon, pero maaga lang itong nag-asawa.

Pagbabalita ni Lani, “But Inah is taking her time in entering Law school.

“Mag-e-exam siya and, hopefully, if she passes, ipu-pursue niya ang Law.”

Sa mga anak niya ngayon, si Gianna talaga ang may hilig mag-artista?

“Mukhang si Gianna talaga ang artistahin. Mahilig mag-artista.

“Sinasabi naman niya, nag-e-enjoy siya. Nakakapagod pero nag-e-enjoy siya.

“Performer talaga yun. Nakitaan na namin even when she was small.

“She’s enjoying the company of Teen Gen, yung exposure niya ngayon.

“Pero sabi ko nga, ‘Try to manage your time properly kasi mahirap ipagsabay ang pag-aaral at pag-aartista.’”

JOLO REVILLA. Pagdating naman sa isa pa nilang anak na si Jolo Revilla, humahanga raw si Lani sa nakikita nitong dedikasyon sa pinapasok na larangan sa pulitika.

Tatakbo bilang vice governor ng Cavite si Jolo sa May 2013 elections.

Pagmamalaki ni Lani sa anak, “Bising-busy si Jolo sa pag-iikot sa lalawigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naa-amaze ako sa kanya on how he handles things in the province lalo na ngayon na board member din siya at pangulo siya ng Liga ng Barangay sa Cavite, plus executive vice president pa ng Liga ng Barangay ng buong Pilipinas… he’s managing his time well.”

Masaya ba siya na tuluy-tuloy na si Jolo sa pagpasok sa pulitika?

“Pangarap na niya ‘yan, noon pa.

“Kahit na noong nangangampanya siya for my brother-in-law, Strike [Revilla], kay Bong, kay Daddy, meron siyang kakaibang diskarte.

“Meron siyang sariling gimmick pagdating sa pangangampanya sa ibang tao. Ano pa kaya ngayon na siya na mismo?

“Plus, iba ang karisma niya talaga sa tao. Siguro, ‘yan ang namana niya kay Senator Bong.”

Nagulat naman si Lani sa usap-usapang may balak na raw magpakasal si Jolo at ang kasintahan nitong si Jodi Sta. Maria.

“May ganun?” natawang reaksiyon niya.

“Wala pa namang ganoong nagaganap.

“Naano ko, Christmas gift ba ‘yan? Pero wala pa namang ganoong nababalita o nangyayari.

“Sa tingin ko, pinu-pursue pa rin niya ang kanyang dream na maging public servant.

“Siguro, career rin muna ang iisipin nila for the meantime.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Jolo, sinabi nitong handa na siya kung sakaling dumating ang oras na kailangan niyang magpakasal, pero meron lang hadlang.

Hindi naman lingid sa karamihan na hindi pa naaayos ang annulment ni Jodi sa nakahiwalayang asawa na si Pampi Lacson.

Sabi ni Lani tungkol dito, “May hinihintay pa sila. At alam mo naman ang pagse-settle down, timing din ’yan.”

Boto ba siya kay Jodi para kay Jolo?

Sagot ng actress-politician, “Alam ninyo, basta mahal ng anak ko at nagkakasundo, nagkakatulungan sila, wala naman akong hadlang basta they compliment each other. Basta nakikita kong masaya ang anak ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN