TV host Arnell Ignacio wants to focus on acting in 2013

Naging maganda ang karanasan ni Arnell Ignacio sa paglabas sa stageplay na Sayaw ng Mga SENIORitakaya naman gusto niyang makagawa pa ng maraming acting projects. Aniya, "Naging excited lang ako na masarap palang gawin ‘yon—masarap palang umarte. Kasi yung napansin ka, nabigyan ka ng ganoong recognition, nakaka-motivate… nakaka-inspire, plus ang sarap ng experience, e."


Para sa TV host-comedian na si Arnell Ignacio, naging maganda sa kanya ang taong 2012.

Maganda ang naging takbo ng kanyang negosyo at ng kanyang trabaho sa showbiz.

Maliban sa hosting job niya sa Game ‘N Go ng TV5, nakasama rin siya sa stageplay na Sayaw Ng Mga SENIORita ng Gantimpala Theater, at sa indie film na Melodrama Negra.

“We’re very blessed that tuluy-tuloy yung kita sa business, and kahit ang tagal ko na sa showbiz, parang hindi rin ako nawawalan ng trabaho,” pahayag ni Arnell nang makausap namin ito sa kanyang condo unit sa Greenhills, San Juan, noong December 23.

AN ACTOR. Pero ang pinaka-inspiring daw kay Arnell ay ang Sayaw Ng Mga SENIORita.

Aniya, “Ang pinakamasaya kong nagawa yung Sayaw Ng Mga SENIORita with Direk Joel Lamangan, Soxy Topacio, Manny Castañeda… si BB Gandanghari.

“Tuwang-tuwa ako dahil inilagay ako as honorable mention as Best Stage Actor.

“Tuwang-tuwa ako dahil, biruin mo naman, ang kasabayan mo, hindi naman mga nag-uumpisa na mga pangalan.

“Direktor na nga sina Joel… yung iba ko pang mga kasama doon sa listahan puro giants pagdating sa pag-arte.

“Na-inspire ako na lalo pang mag-aral na umarte, kaya nag-aral na ako sa Stella Adler. And I heard na may acting studio dito ngayon na itinayo ni Celeste Legaspi.

“So, it’s going to be a year-long studying of acting. Parang gusto kong gawin ‘yon… gusto kong maging artista.

“Nadiskubre ko na napaka-pleasurable na meron kang ginagampanang role.

“At ang sinasabi sa ‘yo ng tao ay hindi siya tungkol doon sa Arnell Ignacio, kundi tungkol doon sa role na ginampanan mo—how affective I was sa SENIORita.

“Doon din sa Melodrama Negra ng PETA [Philippine Educational Theater Association], kahit ako, nung napanood ko, tuwang-tuwa ako kasi… basta, it’s a very different experience sa akin.

“Kasi, doon sa ilang taon na mapapanood mo na ako… na nakakatawa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ‘yon, ang sarap pala ng meron kang role and naide-deliver mo effectively, yung katotohanan na ikaw na ‘yon."

Patuloy ni Arnell, “Excited ako sa 2013, kasi pakiramdam ko… na artista naman.

“Yung kasing paghu-host, pagpapatawa, nandoon na, e.

“Tsaka ibigay na natin ‘yan sa mga bata. Nakakahiya naman kung hanggang ngayon e ganoon pa rin ang gagawin mo.”

CHOOSY. Mas magiging mapili na rin daw si Arnell kung may acting job na io-offer sa kanya.

Paliwanag niya, “Ayoko na nung role na bading, tapos nakakatawa ka na naman. Ayoko na nung ganoon.

“Yung magmamarka naman.

“Kung comedy man, kagaya ng Sayaw Ng Mga SENIORita.

“Kasi yung form nun, yung katatawanan, hindi yung sing-along humor. It’s very far from who I am.

“It gave me a very different sense of fulfillment na magawa ko ‘yon na ang mga kasabayan ko nga ay talagang mga sanay na sa pag-arte.

“I’m really looking forward to doing more acting kesa hosting.

“Kumbaga, graduate na ako doon. Gusto ko namang makita yung kakaibang anggulo ng kakayanan ko.

“And excited ako doon.”

Iiwan niya na ba ang paghu-host kung saan siya mas nakilala?

“Hindi naman. Naging excited lang ako na masarap palang gawin ‘yon—masarap palang umarte.

“Kasi yung napansin ka, nabigyan ka ng ganoong recognition, nakaka-motivate… nakaka-inspire, plus ang sarap ng experience, e.

“Lalo pa ngayon na mas nali-link ako with PETA na napaka-active ngayon.

“In fact, they invaded the indie film industry,” ani Arnell.

STABLE LOVELIFE. Kumusta naman kaya ang kanyang lovelife this 2012?

“Stable lang siya. Dati pa rin,” nangingiting sabi ni Arnell.

May ilan ding pagkakataon na na-link ang pangalan ni Arnell sa ilang model-actors. Tila naging tahimik ‘yon this year.

“Walang sumusulpot, e! ‘Yan ang dapat na maging goal natin sa 2013!” pabirong sabi ni Arnell.

Thankful din ang TV host-comedian na nakapagtrabaho siya sa TV5, pero hindi raw siya exclusive artist ng Kapatid network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi nila ako ini-exclusive, e, parang ayaw nila akong angkinin!” natatawang sabi niya.

Ano ang kanyang New Year’s Resolution?

“Pipilitin kong huwag maging taklesa. Although baka mahilo ako, kasi ‘yon na ako, e!” masayang pagtatapos ni Arnell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN