Luis Manzano on hectic schedule in 2013: “Kaya nga ang wish ko talaga, sana kayanin ko ang sked ko.”

Pag-iibayuhin nga ba ni Luis Manzano ang relasyong Sir Chief at Maya sa Be Careful With My Heart? Sagot ni Luis, “Iba naman ang chemistry namin ni Maya and siguro naman, mas gaganda ang chemistry ni Sir Chief and ni Maya sa pagpasok ko. Kumbaga, pangungulit ako.”


Papasok si Luis Manzano sa daytime kiligserye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart sa extension nito hanggang June 2013.

Magiging ka-love triangle si Luis bilang si James Ventura sa pag-iibigang Maya at Sir Chief na ginagampanan naman nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, respectively.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa TV host/actor, nagpahayag siya ng saya at excitement na maging bahagi ng top-rating show.

Sabi ni Luis, “I’m very, very happy na they considered me for that part… I’m a fan of the show.

“Si Jodi, alam niya yun, na pinapanood ko talaga sila, na aliw na aliw ako sa show nila.

“I’m really thankful that I was given the chance.”



LOVE TRIANGLE. Sa pagpasok ni Luis, maaring maging kontrabida siya sa paningin ng mga masusugid na tagahanga ng Maya-Sir Chief loveteam.

Handa na ba si Luis maging James Ventura at ano ang unang reaksiyon niya nang ialok sa kanya ang role?

Tugon niya, “Sabi ko, ‘Seryoso!’

"Kahit na anong busy, ginagawan ko ng paraan para mapasok ko sa schedule ko.

“Iba naman ang chemistry namin ni Maya and siguro naman mas gaganda ang chemistry ni Sir Chief and ni Maya sa pagpasok ko.

“Kumbaga, pangungulit ako.

“Wala pa naman akong natatanggap na negative feedbacks kasi isang sequence pa lang ang nagagawa namin.

“So far, yung mga tao sa set, na natutuwa naman sa mga style namin ni Maya.”

CHRISTMAS WISH. Ibinahagi sa amin ni Luis ang kanyang Christmas wish sa kabila ng sunud-sunod na hosting jobs na ang ibinibigay sa kanya ng Kapamilya network.

Sabi niya, “Na kayanin ko ang schedule ko itong first quarter of 2013.

“I also have Minute To Win It, it’s a daily game show, a top game show now.

“Tapos may PGT [Pilipinas Got Talent] pa, may Deal Or No Deal pa, at ang Deal, tuloy-tuloy pa talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga ang wish ko talaga, sana kayanin ko ang sked ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN