PEPTalk. Judy Ann Santos on playing kontrabida roles: "Maliban sa pagpapaiyak, kaya mo rin naman magpa-iyak, so tatrabahuhin natin ’yang part na ’yan."

Bumisita si Young Superstar Judy Ann Santos sa Philippine Entertainment Portal para sa pinakabagong episode ng PEPTalk. Aminadong kinabahan ang aming mga section editors na sina Demai Granali at Monching Jaramillo bago magsimula ang kanilang interview kay Juday.


Isang espesyal na bisita ang aming makakasama ngayon holiday season dito sa PEPtalk at iyan ay walang iba kundi si Judy Ann Santos Agoncillo.

Pinaunlakan ni Juday ang imbitasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa isang eksklusibong interview, na ginanap noong December 22 sa A Taste of L.A. Restaurant sa Quezon City.

Hindi rin naiwasan kabahan ang aming section editors na sina Demai Granali at Monching Jaramillo nang magsimula ang kanilang interview sa tinaguriang Young Superstar of Showbiz.

Sa unang bahagi ng aming panayam kay Juday, napag-usapan ang Metro Manila Film Fest entry nito kung saan kasama niya sina Senator Bong Revilla at Bossing Vic Sotto: ang Si Agimat, Si Enteng at Si Ako.

Napag-usapan din ang kanyang career at kung may gusto pa ba siyang ma-achieve bilang isang aktress. Ngunit bago dumako diyan ang usapan, narito ang aming panayam:

Demai: “Welcome to PEPtalk!”

Juday: “Thank you! Bagong bago ‘to, aninibago ako na may ganito ang PEP.”

Monching: “Oo, at maraming salamat dahil pinagbigyan mo kami.”

Juday: “You’re very much welcome! PEP pa.”

Monching: “Ano ang secret ng iyong kagandahan at parang mas gumaganda ka yata every time na nakikita kita.”

Juday: “Nakakaloka naman ’yan. Wala, wala akong masabing secret. Parang feeling ko, basta happy ka inside-out, it will show, e.

“Kung gaano ka ka-komportable sa buhay mo, kung gaano ka-confident sa sarili mo as a person, as a mother, as a wife, and as an actress din siguro, and feeling ko, kapag naging nanay ka na at nag-settle ka na sa isang part ng buhay mo na alam mong yun talaga yung ginusto mo for the longest time, ano ka na, e, wala ka na rin talagang pakialam sa sasabihin ng tao.

“Ang pakialam mo lang, yung sa sasabihin ng pamilya mo.”



MMFF ENTRY. This year, makakasama ni Judy Ann sina Senator Bong Revilla at Bossing Vic Sotto sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng at Si Ako. Sa parteng ito ng aming panayam nagsimula ang mga tanong tungkol sa kanilang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Demai: “Ms. Judy Ann, pag-usapan naman po natin siyempre, you have a movie right now, Si Agimat, Si Enteng at Si Ako. Ayan, kamusta po working with Senator Bong and Mr. Vic Sotto?”

Juday: “Masaya, masaya talaga. Makukumpara mo talaga ang pakikipagtrabaho sa mga artistang noon pa nagsimula at sa mga artistang ngayon pa lang nagsisimula.

“They’re very professional, very grounded, napaka-humble na mga tao, at saka parang, alam mo yung parang, matagal na talaga kayong magkakakilala, tapos kung magbiruan kayo, ganun-ganun na lang.

“Masaya lang siya, walang pressure, pero siyempre nung first shooting day nandun yung nate-tense ako, ninenerbiyos ako, kinakabahan ako kasi siyempre, di ba, parang dalawang pinakamalaking artista…”

Monching: “Naisip mo ba na parang malaki yung pressure—hindi, hindi, sabi mo walang pressure, pero para sa mga taong manonood, may Bong Revilla, may Vic Sotto, tapos isang young superstar—mas malaki yung expectations.”

Juday: “Oo naman, natetense ako na hanggang ngayon iniisip ko kung ano na bang mangyayari.

“Natatakot ako kasi ako lang naman yung dumagdag sa pamilya nila, di ba? Parang matagal na nilang ginagawa ‘to, and ako yung pinaka-latest addition sa family.

“Hindi mo maiwasan na may masabi yung tao kung ano yung outcome ng movie. So, I’m keeping my fingers crossed na sana magustuhan kasi naenjoy ko naman din talaga yung paggawa ng pelikula.”

Demai: “Meron po ba kayong nakikita dun sa mga entries na kalaban nung movie ninyo, na sa tingin niyo magiging mahigpit na competition ninyo?”

Juday: “Alam mo, sa totoo lang, karamihan ng mga entries ngayon talaga very interesting. Yung Shake [Shake, Rattle & Roll 14] lang mismo, pag pinapanood mo yung trailer, di ba parang napakatindi din ng effects nila? Ang ganda ng cinemetography?

“Same goes with Sisterakas, big casting and very fun movie. Ang mga tao talaga ngayon gusto nila yung palagi silang, alam mo yung, walang humpay na tawa? Yun yung gusto nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos meron kang El Presidente, na alam mo pagka galing sa produksyon ni E.R. na talagang maganda talaga. Nakita naman natin yung trabaho niya last year, epic all-star cast din.

“Wala akong itulak-kabigin kasi alam ko yung proseso ng paggawa ng pelikula. Kung paano namin ‘to pinaghirapan, I’m sure ganun din sila, so wala akong masabi na pupuwede naming makalaban. Kasi, e, pupuwede naming maging katapat lahat, katapat namin actually, kasi lahat talaga ‘to, alam mong pinaghirapan.”

Monching: “Ito yung movie na parang for a while kasama mo si Ryan [Agoncillo], tapos parang ito yung film fest entry mo na for a while ay...na hindi mo siya kasama.”

Juday: “Oo, after three entries.”

Monching: “The last time kasi, nagset-visit pa kami, nagluluto-luto pa kayo sa set, tapos ngayon hindi mo na siya kasama, so paano yung adjustment?”

Juday: “Parang may ano naman kami, may mga plano din kaming ganyan pagdating sa pelikulang ginagawa namin together, kasi hindi naman p’wedeng all the time palagi kami yung magkasama.

"Siyempre, mananabang yung mga tao.

“Tapos, siyempre, automatic pag kami yung magkasama, ang role namin mag-asawa.

“Hanggang ilang istorya ba yung pwede mong gawin sa mag-asawa na mag-asawa talaga sa totoong buhay, so pine-pacing din namin.

“Tina-timing din namin kung kelan ba yung tamang panahon para magpelikula ulit kaming dalawa. Siyempre, pag-aaralan mo yung script.

“May give-and-take naman kami kaya siguro by next year, si Ryan naman yung may entry.”

Demai: “Siyempre, aabangan na naman ‘yan ng mga Ryan and Juday fans.”



CAREER PLANS. Hindi na nga maitatanggi na isa si Juday sa mga tinitingalang aktres ngayon, ngunit may mga gusto pa kaya siyang ma-achieve para sa kanyang career?

Juday: “Sa totoo lang, Monch, hindi ko alam, e. Parang wala namang katapusan ang karera mo bilang artista. Kapag nag-artista ka kasi, it varies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Habang tumatagal ang panahon, nag-iiba rin yung taste ng mga tao.

“Ikaw mismo sa sarili mo, alam mong kailangan mo ring mag-reinvent ng itsura mo physically.”

Monching: “Oo nga, e, parang nasisilaw ako sa mga [alahas]. Palaki ng palaki yung…”

Juday: “Buti nga hindi umuulan, baka tamaan ako ng kidlat.”

Monching: “Palaki ng palaki, nasisilaw ako…” (sabay tawa)

Juday: “Yon, sa kung sa ma-achieve, siguro yung makagawa lang ako ulit ng isang drama na movie. Kasi parang medyo matagal-tagal na rin akong hindi gumagawa talaga ng heavy drama na pelikula talaga, e, at saka yung makabalik muna sa teleserye.”

Monching: “Next year ba magteteleserye ka na?”

Juday: “Next year, yun ang project and a movie, hindi ko pa lang alam kung kelan siya puwedeng—kung kelan siya ilalabas, pero yun yung napapag-usapan namin sa ABS [ABS-CBN].”

Demai: “Would you be willing to entertain kontrabida roles any time soon?”

Juday: “Oo naman, matanda na ako para mag-isip pa ng—di ba?

“Ang ibig kong sabihin, hindi sa lahat ng pagkakataon, p’wede kang maging bida or p’wede kang maging apipihan.

“Paano mo mailalabas yung talent mo sa acting kung nakakulong ka lang sa ganitong klaseng mga papel?

"At saka, since na halos naman lahat nagawa mo na, gusto mo rin naman na para iba naman makita ng tao at makita nila na maliban sa pagpapaiyak, kaya mo rin naman magpa-iyak, so tatrabahuhin natin ’yang part na ’yan.”

Monching: “Paano mo nababalanse ang iyong pamilya at career? Pero bago mo sagutin ’yan, ninenerbyos pa rin ako, bago mo sagutin ’yan, magbabalik po ang PEPtalk, PEPSters!”

Sa susunod na parte ng aming panayam, buhay pamilya ni Juday naman ang uusisain. Abangan sa bagong taon ang susunod na bahagi ng PEPtalk kasama si Judy Ann Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN