Marvin Agustin on his lovelife: “Secret. Wala pa… kids muna.”

Bukod sa kanyang mga restaurant, kuntento rin si Marvin Agustin sa pagiging line producer sa TV5. Saad niya, “I am happy with TV5 kasi maganda naman yung ibinigay nilang mga projects. At kapag may iba akong ginagawa, hindi naman sila mahirap mapakiusapan.”


Inaasahan ni Marvin Agustin na maraming kaganapan para sa kanya sa 2013.

Pagbabalita niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “More projects with TV5, for sure. Marami akong ilu-launch na brands for Knorr.

“Tapos, for our restaurants, more concept and more branches for our existing branches.

“Tapos, for our production naman, Kanta Pilipinas will be airing on February and I have another one na gagawin for TV5.

“As a producer, reality yung gagawin ko… hindi pa lang puwedeng sabihin kasi secret pa.

“But it’s a skill-based show. Basta, something to do with cooking.”



TV5 CONTRACT. Kinumpirma rin ni Marvin na hindi siya mawawala sa showbiz dahil two years ang pinirmahan niyang kontrata sa Kapatid network.

Aniya, “Nag-start siya [contract] this year and non-exclusive yung contract ko.”

Masaya ba siya sa takbo ng career niya sa TV5?

“Oo. Alam mo naman ako, kahit saan ako, happy ako as long as I’m working,” nakangiti niyang sabi.

Kung wala siyang pinagkakaabalahang negosyo, magiging happy pa rin ba siya sa kasalukuyang status ng kanyang showbiz career?

“Hindi naman. I am happy with TV5 kasi maganda naman yung ibinigay nilang mga projects.

“At kapag may iba akong ginagawa, hindi naman sila mahirap mapakiusapan,” saad niya.

Bilang isang aktor, ano naman ang nakahaing projects na gagawin niya?

“Yeah… may soap ako, pero mauuna muna itong reality show na gagawin ko. Yun muna.”

Ilang shows ba ang naka-stipulate sa contract niya?

“Wala namang naka-specified number of shows,” sagot ni Marvin.



NO CONFLICT. Ang visible ngayon sa TV5 at kaliwa’t kanan ang projects ay si Derek Ramsay.

Marami ang nagsasabing naisantabi raw ang mga naunang artists ng Kapatid network dahil sa paglipat ni Derek sa istasyon.

Ano ang masasabi ni Marvin tungkol dito?

“Magkaibang-magkaiba naman kami ng gustong mangyari sa kanya-kanya naming buhay ni Derek.

“Siya talaga, pang-soap opera talaga siya. So, magkaiba naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I would never see... especially kung pareho kayo ng istasyon, pareho kayo ng network, I would never make one as my competition.

“Mahirap naman yung kasama mo sa home studio at feel mo ka-competition.

“It’s always good to have more actors in TV5… lalong magiging masigla ang network.”

Totoo bang kaya tumanggap ng ibang talents mula sa ibang istasyon ang TV5 ay para sumalo sa mga tinatanggihan nilang projects?

Tugon ni Marvin, “Wala pa naman, kasi so far, yung mga pinag-uusapan namin, yun ang mga gusto kong gawin.”

Nakapagbibigay ba ng suggestions and opinions si Marvin sa lahat ng mga ginagawa niya at gagawing shows sa TV5?

“Oo naman. I guess, lahat naman ng mga actors may mga suggestions na ganyan.

“They say what they feel and what they wanted for their shows.”

Paanong pumasok yung pagnanais niyang mag-produce for TV5?

Sabi ni Marvin, “Kasi nag-concert production ako last year, di ba?

“Parang gusto ko siyang i-expand not just to concert and events but to TV and movies as well.”



JUDGMENT CALL. Team ni Marvin ang producer ng Kanta Pilipinas na naurong nang matagal ang airing date.

Sa halip na noong November ito ipalalabas, sa susunod na taon na ang pag-ere nito. Bakit na-move nang husto ang paglalabas nito?

Paliwanag ni Marvin, “Well, alam mo naman sa programming sa TV, e, talagang magbabago at magbabago siya.

“Nasa judgment call siya ng management. We just have to follow.

“Well, of course, ako, gusto kong ma-air agad. Pero sabi ko nga, judgment call ‘yan ng management.

“As a producer, we just have to follow and sundan ang flow ang programming."

Hindi ba siya natatakot para sa Kanta Pilipinas kapag inilabas na ito ay hindi ito mag-rate kahit maganda ang concept?

Sagot ni Marvin, “Well, nasa audience building ang TV5, e. Alam naman natin na kapag bago kang player…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At pangalawa, nakaposisyon naman na talaga yung ABS-CBN at GMA- 7.

“Sometimes, hindi mo na iisipin yung number of ratings.

“Mas iisipin mong mag-produce ng magandang show and hoping na puntahan ka talaga nila and panoorin ka talaga nila.

“Kaming mga producers, ang kaya lang naming gawin ay pagandahin yung proyekto namin.

“Yung sa ratings, tulungan na kami ng istasyon niyan.

“But you can’t really tell kung ano ang panonoorin ng tao, gagawin mo na lang ’yan para hindi ka ma-pressure, gagandahan mo na lang yung trabaho mo.

“Lahat naman ng ano, mapa-TV man ‘yan o kahit anong trabaho, you have to perform well, good and give your best.”



LINE PRODUCER. Kung concern o malasakit ang pag-uusapan, saan ang leaning ni Marvin—sa performance niya as an actor o sa pagiging producer?

“Pareho, pareho," tugon niya.

"I guess, importanteng gusto mo at alam mo na kahit paano bahagi ka ng proseso. Masarap yun, e.

“Sayang kung maganda naman yung inputs mo. Team lagi ‘yan, e.

“Even if you’re an actor being managed by a company, team ‘yan dapat na pinag-uusapan kung ano ang magandang direksiyon.”

Ipinaliwanag ni Marvin kung ano ang trabaho niya sa TV5 bilang isa sa mga line producer sa istasyon.

“Well, as a line producer, if we have a concept, we present to them [management].

“Sometimes, they have a concept that they feel your company can execute the project…

“Yun, ibibigay nila yung project and they fund it.

"Pero yung ownership, sa kanila, hindi sa amin.”

Nais din ni Marvin na mag-produce ng teleserye at pelikula para sa TV5.

“Gusto ko yung ganoong ideya and may movies rin ako sa kanila.

“But right now, I’m focusing muna on the show [reality based] and eventually, mai-announce ko rin yung mga gagawin ko pa.”



TEAM EFFORT. Paano ba nagagawa lahat ito ni Marvin na pinagsasabay-sabay niya ang pagiging aktor, producer, restaurant owner, at kung anu-ano pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have a team. Sa restaurant, may team din.

“So, yun nga, sabi ko nga, part ng processing yung pagdi-decide namin lahat ng direksyon kung saan kami pupunta.

“At marami kaming nagtulung-tulong para mai-execute namin nang maganda.”

Intensiyon daw ni Marvin na magtayo ng isang multi-tasking company kaya siya nagtayo ng production.

“Gusto ko talagang ma-establish ang company na ito at maging successful.

“So, it’s a good addition in the entertainment industry.

“Somebody can provide… I mean an entertaining project for our addition.”

MARVIN’S LOVELIFE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, nananatiling tikom ang bibig ni Marvin sa kung sino ang nagpapatibok ng puso niya ngayon.

“Secret. Wala pa… kids muna,” nakangiti niyang sabi.

May kambal na ana si Marvin—sina Santiago at Sebastian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN