Dingdong Dantes on winning second MMFF Best Actor award: “Iba yung feeling!”

Dingdong Dantes on bagging the best actor award, for the second time, at the Metro Manila Film Festival: “Kaya nagpapasalamat ako sa mga jurors, e. I’m sure sa iba’t ibang award-giving bodies naman, kanya-kanya sila ng taste, kanya-kanya sila ng trip. So, I’m just happy na itong entry na ito at last year, nagustuhan ng jurors. I’ll be forever grateful.”


Muntik nang hindi nakahabol si Dingdong Dantes sa awards night ng 38th Metro Manila Film Festival kagabi, Disyembre 27.

Galing pa raw kasi siya sa taping ng Pahiram ng Sandali sa Tagaytay, at one and a half hours daw ang biyahe.

Buti na lang, dumating siya bago nag-closing spiels ang mga host na sina KC Concepcion at Kris Aquino.

Kaya naman nakapagbigay siya ng acceptance speech para sa pangalawa niyang Best Actor award mula sa MMFF.

Noong nakaraang taon, siya rin ang nanalo para sa horror-suspense movie na Segunda Mano. Ngayong taon naman ay para sa drama film na One More Try.

Sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan ni Dingdong ang Star Cinema na siyang nag-produce ng One More Try; ang kanilang direktor na si Ruel Bayani; at ang kanyang co-stars sa pelikula na sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, at Zanjoe Marudo.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ng aktor ang kanyang home network na GMA-7 sa pagpayag na muling gumawa siya ng pelikula sa film arm ng ABS-CBN, at sa kasintahan niyang si Marian Rivera for "making it easy for me to do it."

Matapos ang awards night ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Dingdong sa Meralco Theater, Ortigas, Pasig City.

“Kasi galing ako sa Tagaytay, sa taping,” ang panimulang pahayag ng Kapuso actor.

“So dapat talaga, hindi ako makapunta. So nagpaalam ako sa GMA, na kung puwede nga baka makahabol.

“Uhm, they released me at exactly eight o’clock.

“So nagmo-monitor ako kung ano nangyayari.

"Alam ko talaga hindi ako aabot, so siguro habol na lang ako sa after-party, papakita lang ako ’tapos babalik na ako do’n.”

TWO YEARS IN A ROW. Hindi raw inasahan ni Dingdong na siya ulit ang mananalo over the other nominees: ER Ejercito (El Presidente), Herbert Bautista (Shake Rattle & Roll XIV), Vice Ganda (Sisterakas), at Bembol Roco (Thy Womb).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE for related article.)

“Sobrang ano, sobrang saya ko po!” bulalas ng aktor nang tanungin ang reaksiyon tungkol sa kanyang pagkakapanalo.

“Iba yung feeling, iba yung feeling! Hindi pa po nagsi-sink in sa akin, sa totoo lang.”

Banggit ng isang miyembro ng press, tila nagiging suki na siya sa best-actor award sa MMFF.

“Hindi naman, hindi naman po,” sabi ng Kapuso actor.

“Kaya nagpapasalamat ako sa mga jurors, e.

"I’m sure sa iba’t ibang award-giving bodies naman, kanya-kanya sila ng taste, kanya-kanya sila ng trip.

“So, I’m just happy na itong entry na ito at last year nagustuhan ng jurors.

“I’ll be forever grateful.”

Bukod sa mahuhusay na artista at production staff na kasama niya, tingin ni Dingdong ay ang kanyang kagustuhan niyang to be "on the edge when it comes to making movies” ang dahilan kung bakit lagi siyang inspired bilang aktor.

Paliwanag niya, “Kumbaga, hindi po ako kampante sa isang genre na nakasanayan ko.

“Itong ginampanan ko, first time ko lang din ginawa, and yung last year, first time yung horror.”

Pero nang tanungin kung mapapanood uli siya sa susunod na MMFF sa 2013, ang tugon ng aktor: “Uhm, tingnan po natin, we’ll see.

“Hindi pa po natin alam, basta one thing is for sure, e, hindi po ako magsasawang gumawa ng pelikula.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN