Mercedes Cabral on Nora Aunor: “Natuwa ako kasi nang makatrabaho ko siya, napaka-humble na tao."

Bahagi ng cast ng Thy Womb si Mercedes Cabral, na nakilala sa paggawa ng independent films gaya ng Serbis (2008), Kinatay (2009), at Ligo na U Lapit na Me (2011).


Isang kakaibang karanasan para kay Mercedes Cabral ang gumanap bilang isang katutubong Badjao sa Metro Manila Film Festival entry na Thy Womb, na idinerehe ni Brilliante Mendoza.

Nakasama niya dito sina Nora Aunor, Bembol Roco, at Lovi Poe.

“Actually, proud ako na mabigyan ng character ng isang Badjao,” pagmamalaki ng kilalang independent actress nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naganap ito noong December 27, sa 38thMetro Manila Film Festival Awards night sa Meralco Theater, Ortigas, Pasig City.

“Ang dami kong natutunan sa kanilang kultura, tungkol sa kanila na mga bagay-bagay.”

Tungkol naman sa location ng shoot, aniya, “Tawi-Tawi is one of the beautiful places na napuntahan ko!”


WORKING WITH NORA AUNOR. Pitong awards ang nasungkit ng pelikulang Thy Womb nang gabing iyon, kabilang na ang Best Actress award na napunta kay Nora Aunor.

(CLICK HERE for related article.)

Very proud si Mercedes na nakasama niya sa pelikula ang tinaguriang Superstar ng local showbiz.

“Isa kasi siya sa mga iniidolo ko at pinag-aaralan kong umarte rin,” nakangiting sinabi ng dalaga.

“So, ang laking pasalamat ko nang malaman kong makakatrabaho ko rin siya finally, na andoon din ‘yong nabitin kasi parang gusto ko talagang magkaroon kami ng eksena together na batuhan talaga.

“Pero kahit maigsi lang na nagsama kami, I mean ‘yong screen time na magkasama kami, ang dami kong natutunan sa kanya.

“Like, behind the scenes, ang dami kong tinatanong sa kanya, kung saan siya humuhugot sa ganito and then pinag-aaralan ko siya.

"Like ‘yong mata pa lang niya umaarte na siya, e, nararamdaman mo na ‘yong emosyon kahit hindi siya nagsasalita, mata pa lang mararamdaman mo na.”

Pero kung mayroon man daw siyang natutunan kay Nora na importante para sa bawat artista, iyon ay ang pagiging “humble” o mapagkumbaba.

Ani Mercedes, “Natuwa ako kasi nang makatrabaho ko siya, napaka-humble na tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya celebrity, hindi siya… yeah, as in artist siya, ‘yon ang masasabi ko. Ang dami kong natutunan sa kanya,” ang masayang pagtatapos ni Mercedes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN