Enchong Dee on why relationship with Julia Montes did not prosper: "It’s because of the time."

Isa sa mga natutunan ni Enchong Dee tungkol sa pakikipag-relasyon: “Never be too complacent. Huwag mong gagamiting yung word na, ‘Okay na ‘yan, sapat na ‘yan.’ Kasi baka mamaya, hindi pala iyon enough.”


Ang lovelife pa rin ni Enchong Dee ang paboritong ungkatin sa kanya ng kahit na sinong press na makausap niya.

Ito rin ang naging topic sa The Buzz noong Linggo, December 23, kunsaan binigyang-linaw niya ang totoong estado ng kanyang relasyon kay Julia Montes.

Pinag-usapan din ang nali-link sa kanya ngayon na si Maja Salvador.

Si Charlene Gonzalez ang kumausap kay Enchong, at ang unang tanong na ibinato sa Kapamilya star at isa sa bida ng The Strangers ay ang tungkol sa status ng puso niya ngayon.

“Well, I’m quieter, more peaceful, I think,” lahad ni Enchong.

Lungkot-lungkutan daw ba ito ngayon?

“No, no... Parang there’s no reason to be sad because patapos ang 2012 at papasok ang 2013, there’s no reason to be sad.”


INSPIRED. Ayon kay Charlene, naalala niya na noong minsang nagkita sila ni Enchong, sinabihan niya ang binata na mukha itong inspired.

"Yes" naman daw ang sinagot ni Enchong.

Ngayon ba, hindi na?

“I’m still is,” tugon naman ni Enchong.

Romantically inspired?

“Maybe not… Kasi, di ba, aminin naman natin, the meaning of ’romantically inspired’ is when you’re with someone that makes you smile, inspire you to do everything, and be the best that you can be.”

Wala siyang ganoon ngayon?

“Wala,” ang nakangiti niyang sagot.



"NAGING KAMI." Ano nga ba talaga ang tunay na dahilan at tumigil siya sa panliligaw kay Julia Montes?

“It’s because of the time,” sabi niya.

Pareho naman silang busy rin dati...

Pero paglilinaw ni Enchong, “No, the last part of 2012, ibang pagka-busy, hectic ng schedules!

“Even with my parents, even with my brothers, I cannot see them even though nakatira kami sa isang bahay.

“So, naging malaking factor ang time kung kaya hindi nag-prosper.”

Diretsahang tinanong ni Charlene si Enchong kung “secretly” ay naging sila nga ba ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting tanong din ni Enchong, “Can I elaborate my answer?”

Tumango naman si Charlene pero kailangan pa rin daw sumagot ni Enchong ng "yes" or "no."

Ayon sa young actor, “Ano naman, I was waiting for her to turn 18.

“And in three months time, iyon na sana yun—opisyal.

“Kahit sino ang magtanong… ‘Yes,’ oo, naging kami, if she’s 18.

“Pero ang daming nagho-hold back kasi she’s only 17.

“When we started going out, she’s only 16, so ang tagal kong hinintay.

“Pero kung tatanungin mo kami, like more than friends o naging kami?

“I can say na parang ganoon na kami, but we can’t concretely say na naging kami, kasi I was really waiting for her to turn 18.”

Ang PEP ang naglabas ng istoryang break na sila Enchong at Julia, sa PEP Alerts, kahit noong panahong iyon, hindi pa sila umaamin na naging sila.


MAJA SALVADOR. Samantala, marami ang nakakapansin na iba ang chemistry nila ni Maja Salvador sa Ina, Kapatid, Anak.

At marami rin ang nakakapansin na masyado na silang sweet.

Sabad ni Enchong, “Dinala na siguro ‘yan ng time.

“Yung kaming dalawa ni Maja because...ang weird kasi kung paano nag-start ang relationship namin ni Maja.

“Because even without working or wala kaming show na pinagtrabahuhan together, we became close.

“Hindi ko rin alam kung saan nanggaling.

“Kung ano yung nakikita sa amin ng tao ngayon, it’s because totoo yung pagkakaibigan naming dalawa.”

More than friends na ba sila ni Maja?

“No, we’re simply friends.”

Hanggang doon lang ba talaga?

“Yes,” mabilis naman niyang sagot.

Kung may nagugustuhan siyang traits ni Maja, ano yun?

“Sinabi ko na ito kay Maja at sa lahat ng gustong manligaw sa kanya.

“Si Maja kasi, she’s very maalaga—she’s a wife material.

“Ibang klase siyang mag-ano... parang she’s ready to settle down anytime.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BACK TO JULIA. Ibinalik naman muli ni Charlene ang tanong tungkol kay Julia at kung may balak pa ba si Enchong na muling ligawan ang dalaga.

Aniya, “Hindi ko talaga alam, e. How I wish kaya kong sagutin at this moment.

“Sana kaya kong bigyan ng sagot, pero hindi ko talaga alam.”

Nate-threaten ba si Enchong dahil may balak daw manligaw si Coco Martin kay Julia pag naging 18 years old na ito?

Ang natatawang hirit ni Enchong, “Wow, akala ko next topic na!

“Hindi ko alam. Siyempre, I’m not involved with that anymore.

“I don’t want to include myself on that part.”

Kung makikita niya si Julia na may kasamang ibang lalaki, masasaktan ba siya?

“No. If I’ll see the smile that I’m looking for…”

What about the smile?

Paliwanag ni Enchong, “When people get married, meron kang smile na nakikita na magiging masaya siya with that person forever.”


FOREVER. Pang-forever na ba ang hinahanap niya?

“Lahat naman tayo, naghahanap ng forever.”

Sa mga pinagdaanan niya sa pag-ibig, ano ang pinakamagandang natutunan niya?

“Never be too complacent.

“Huwag mong gagamiting yung word na, ‘Okay na ‘yan, sapat na ‘yan.’

“Kasi baka mamaya, hindi pala iyon enough.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN