Director Brillante Mendoza on pullout of Thy Womb from some theaters: “At the end of the day, we did the most that we can, we did our part. Wala na akong magagawa.”

Ito ang pahayag ni Direk Brillante Mendoza sa pagkaka-pullout ng Thy Womb sa ilang mga sinehan: "Ano’ng magagawa natin? Wala akong magagawa. Hindi ko naman kaya pigilan ang mga theater owners if they really wanted to pullout and show another film that are more appealing to the audience.”


Usap-usapan ngayon ang pagkaka-pullout ng 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Thy Womb sa ilang sinehan dahil sa mababang bilang ng mga nanonood nito.

Ngunit hindi ito naging hadlang para humakot ng awards sa Gabi ng Parangal ng MMFF ang pelikulang pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor at idinirek ng Cannes-winning director na si Brillante Mendoza.

Kabilang sa pitong awards na napanalunan ng Thy Womb kagabi, December 27, ay Best Actress para kay Nora at Best Director kay Brillante.

Pero bago magsimula ang awards night ay mababanaag ang kalungkutan sa mukha ni Direk Brillante nang dumating siya sa Meralco Theater.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa direktor ay ibinahagi niya ang ilang dahilan kung bakit hindi ganun kalakas ang pelikula nila sa takilya.

Ang Thy Womb ay isang alternative movie o indie film kaya naman naging mahirap para sa kanila ang makipagsabayan sa mga naglalakihang mainstream movies.

Alam din daw ni Direk Brillante na mas sinusuportahan ng Pinoy moviegoers ang mainstream movies kumpara sa indie films.

Saad niya, “Aware naman ako dun, e. Masaya ako na napasali kami dito sa filmfest.

“Alam naman natin na mainstream talaga ang kini-cater na audience ng Metro Manila Film Festival.”

Pero mukhang na-challenge ang director at gustong maghain ng makabagong uri ng pelikula para sa mga manonood.

“Ito ang feeling ko na chance sa amin at sa mga kababayan natin makapanood ng ganito at malaman kung ano ba ang alternative.

“Bakit pinaparangalan sa ibang bansa? Bakit ba pinupuri sa ibang bansa?

"So, ito na yung chance ng mga kababayan natin na malaman din natin.”

Pero dahil hindi pa ganun kabukas ang marami sa mga Pinoy moviegoers sa ganitong uri pelikula, may ilang sinehan na tinanggal na ang Thy Womb kahit hindi pa tapos ang MMFF.

Malungkot na sabi ni Direk Brillante, “It’s true!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, yun ang hindi ko alam at hindi ko maintindihan na pinu-pullout nila dahil walang nanonood o kokonti ang nanonood.

“Hindi ko kasi alam yung ruling na yun.

“Ngayon, kung may ganoon, ano’ng magagawa natin? Wala akong magagawa.

“Hindi ko naman kaya pigilan ang mga theater owners if they really wanted to pullout and show another film that is more appealing to the audience.”



APPEAL TO PINOY AUDIENCE. Pero hindi naman basta-basta sumusuko ang internationally-acclaimed director.

Pahayag niya, “At the end of the day, it’s the people who can tell.

“It’s really the audience kung papanoorin nila ang pelikula na ganito at mapipigilan ang mga [theater] owners i-pullout yung pelikula.

"So, yun lang siguro ang puwede naming magawa."

Dagdag pa niya, “Katulad kanina, nag-text brigade kami.

“We can’t even afford to show our trailers on television—it’s very expensive.

“If you noticed, pagpunta ninyo ng sinehan, wala kaming tarpaulin. What we have is just the poster.

"Wala kaming mga billboard, wala kaming kuwan [ads] sa newspaper.

“Sa amin, word of mouth lang inaasahan namin sa mga audience.

“At the end of the day, we did the most that we can, we did our part. Wala na akong magagawa.”

BEST DIRECTOR. Kahit ganito ang naramdaman ni Direk Brillante sa pag-uumpisa ng MMFF Awards Night, napalitan ito ng kasiyahan nang tanghalin siya bilang Best Director.

Nang makausap muli ng PEP si Direk Brillante pagkatapos ng awards night ay kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa paghakot ng tropeyo ng Thy Womb.

Saad niya, “Siyempre masaya kami kasi mga bonus ito ng hard work at dedikasyon ng staff at crew.

“Ito, pag nakakatanggap kami ng ganito [award], nagiging inspired ka.

"Lalo na pag nakikita mo na walang nanonood ng pelikula mo, tao ka lang, nadi-disappoint ka.

“Pero pag nakakakuha ka ng ganito, nai-inspire ka na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang nabu-boost na naman yung confidence mo, yung imagination mo, yung momentum mo, kasi naba-validate yung mga gawa mo.”

Positibo naman ang direktor na ang pitong awards na napanalunan ng Thy Womb ay makakatulong kahit papaano upang maging curious ang mga tao na panoorin ang pelikula.

“I hope na maging daan din naman ito para panoorin ng ibang kababayan natin, na talagang hinahandog ko itong pelikulang ito para talaga sa kanila.

“Sana kahit curiosity man lang na, ’Bakit? Paano? At bakit nabigyan ng parangal?’”

Dagdag pa niya, “I’d like to think positively.

"Kung puwede, sana maging curious ang tao.

“Lalo na kayo mga media, ibabalita ninyo ‘to bukas, malamang magtatanong yung mga tao at sana dumami pa yung manood sa coming days.

“Hindi ko naman habol ang blockbuster, e.

"Ang importante, magawa mo nang tama ang pelikula at mapanood ng tamang tao—yun ang pinakaimportante.”

THE SUPERSTAR. Nabanggit din ni Direk Brillante na ito ang kauna-unahang project na pinagsamahan nila ng Superstar.

Dito raw niya napatunayan kung bakit hanggang ngayon ay si Nora pa rin ang nag-iisang Superstar.

“Natutuwa ako kasi she’s deserving naman, alam naman natin na deserving siya talaga.

“Kasi alam naman natin na napakagaling niyang talaga.

“Actually, first time ko siya makatrabaho at ngayon ko naintindihan kung bakit siya nanatili, for the longest time, na maging Superstar.

"Ngayon ko naintindihan kung bakit."

INTERNATIONAL SCREENING. Natanggal man ang Thy Womb sa ilang sinehan ay masaya namang ibinahagi ni Direk Brillante na magtutuluy-tuloy ang screening ng Thy Womb internationally.

“Mayroon pa, magtutuluy-tuloy pa siya.

“Ito kasi yung klase ng pelikula na nagla-last. Hindi siya yung dahil napapanahon lang.

“Sa mga festival, marami pa po kaming pupuntahan.

"Meron pa po kami sa America, marami pa po kami sa Europe... so tuluy-tuloy po.”

Gaya nga ng sabi ni Direk Brillante, tao lang siya at hindi maiiwasan na malungkot lalo na kung walang nanonood ng pelikula niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi ito dahilan para tumigil siya sa paggawa ng mga obrang pelikula.

Sabi niya, “Gagawa at gagawa ako ng ganitong klaseng pelikula.

"Sa mga audience natin, ipapakita at ipapakita ko pa rin ang mga ganitong klaseng pelikula."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN