Governor ER Ejercito accepts back-to-back loss to Dingdong Dantes; complains about unequal distribution of theaters among MMFF entries

Governor ER Ejercito: “Marami pa tayong artistang tutulungan, at gusto natin quality film. Kaya ako gumagawa ng isang pelikula sa isang taon para makatulong ako sa maraming artista at technical team na walang trabaho.”


Tanggap ni Laguna Governor ER Ejercito ang pagkatalo niyang muli kay Dingdong Dantes sa Best Actor category sa katatapos lang na awards night ng 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nanalo si Dingdong para sa kanyang pagganap sa One More Try, samantalang nominado si ER para sa role niya bilang Emilio Aguinaldo sa El Presidente.

Noong nakaraang taon ay naging mahigpit ding magkalaban sina ER at Dingdong para sa pagganap nila sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (ER) at Segunda Mano (Dingdong).

Si Dingdong ang itinanghal na Best Actor noong isang taon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si ER pagkatapos ng awards night noong Huwebes, December 27, sa Meralco Theater.

“Okey lang yun, ganoon talaga, e. Ang dami pa namang award-giving bodies,” sabi ng actor-politician.



FAIR COMPETITION. Nabigo man sa ikalawang pagkakataon, patuloy pa rin naman ang pasasalamat ni ER sa anim na awards na napanalunan ng El Presidente, kabilang na ang 2nd Best Picture.

Sabi niya, “Thank you MMFF... Congratulations to all the winners.

“Chairman Tolentino, salamat… sa MMDA. Tangkilikin natin ang pelikulang Pilipino.

“At least, quality film, Graded A ng Cinema Evaluation Board,” pagtukoy pa niya sa kanilang pelikula.

Sa palagay ba niya ay fair ang pagkaka-distribute ng awards sa MMFF 2012?

Kung anim ang nakuha ng El Presidente, pito naman ang nakuha ng Thy Womb, at lima sa Best Picture winner na One More Try.

Dalawa ang nakuha ng 3rd Best Picture winner na Sisterakas at isa para sa Shake Rattle & Roll 14.

“No comment na ako!” mabilis niyang iwas sa tanong.



EXPECTATIONS. Bago nagsimula ang awarding ceremony, nakapanayam na si Governor ER ng PEP at iba pang media sa lobby ng Meralco Theater.

Dito ay sinabi ni ER na wala siyang expectations sa kung ano pa ang magaganap sa Gabi ng Parangal.

Ano ba ang mga natutunan ni ER mula sa paglahok niya sa MMFF ng dalawang taon na magkasunod?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Well, I hope madagdagan ang mga sinehan next year.

"Sana hindi na MMFF ang itawag...Sana the Filipino Film Festival na ang itawag na next year.

“Dahil ngayong taong ito, nakaka-frustrate dahil kakaunti ang sinehan namin—fifty-four theaters lang, di ba?

“Sana madagdagan ang mga sinehan ng El Presidente, dahil unfair naman sa maliliit na producers."

Hindi niya tanggap ang paliwanag ng MMDA na inira-raffle ang mga pelikula sa mga sinehan?

“Oo, dahil dalawa sa topgrossers ngayon, 130 theaters each. E, kami 54 lang.

“Kawawa naman ang Thy Womb, El Presidente, yung Strangers.

“Kawawa naman yung maliliit na producers.

“Sana, madagdagan ang mga sinehan next year.

“Sana, ang raffle next year ay para sa buong Pilipinas, at sana ang MMFF ay maging The Filipino Film Festival!” giit niya.

Ibig sabihin, naniniwala siyang may nag-manipulate ng raffle ng mga sinehan ng mga entries?

“Well, e, matagal nang practice ‘yan,” paniniwala niya.

“Thirty-seven years ng MMFF, talagang kawawa ang mga maliit na producers, at ang umaarangkada ay ang malalaking kumpanya.

“Sana ang MMFF ay maamyendahan ang kanilang charter at ang mandate nila, pang buong Pilipinas na.

“MMFF, sana maging The Filipino Film Festival na para patas-patas ang labanan…

“At lahat ng walong pelikula, pantay-pantay na ang raffle sa lahat ng mga theaters sa buong Pilipinas.”

Ano ang reaksiyon niya sa pagkaka-pullout ng Thy Womb sa ilang mga sinehan dahil kakaunti lamang ang mga nanonood dito?

“E, yun nga, e, nakakalungkot, e. Dapat buong Pilipinas… napakaraming theaters—almost 500-600 theaters.

“Sana ang raffle, pang-buong Pilipinas na at ang MMFF ay maging The Filipino Film Festival na.”



MORE MOVIES. Ano naman ang plano niya sa 2013? Gagawa pa ba siya ng big-budgeted movie gaya ng Asiong Salonga at El Presidente?

“Ahm… marami pa tayong artistang tutulungan, at gusto natin quality film.

“Kaya ako gumagawa ng isang pelikula sa isang taon para makatulong ako sa maraming artista at technical team na walang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana makagawa tayo ng pelikula next year at sana ang MMFF maging The Filipino Film Festival!

“One voice, one Filipino nation," pahayag ni ER.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN