Cesar Montano surprised by MMFF Best Supporting Actor award: "Ang gagaling ng mga kalaban ko!"

On film critics’ opinions that most of his award-winning acting performances have been in bio-flicks or historical documentaries: “Totoo…like yung Muro Ami, Jose Rizal... eto, yung ginagawa ko ngayon, yung Mayor Lim. Hindi ko alam kung mananalo ulit. Sana.”


Malaking sorpresa para kay Cesar Montano ang pagwawagi niya bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang El Presidente sa kakatapos lamang na 2012 Metro Manila Film Festival Awards Night.

Ginanap ito sa Meralco Theater noong Huwebes, December 27.

Nanginginig pa si Cesar nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ng kanyang acceptance speech nang tanggapin niya ang tropeyo.

“Nanginginig ako,” nakangiting pagpapatotoo ni Cesar sa kanyang naramdaman.

Hindi mo talaga inaasahan na makukuha mo ang award?

“Hindi talaga, e. Ang gagaling ng mga kalaban ko—Christopher de Leon, Baron Geisler, Zanjoe Marudo. Magagaling din ang kalaban ko!

“Of course, ako, to get nominated is a great honor for me talaga.

"Kahit manalo o hindi, masaya na ako doon. Okey na ako.

"It’s a great honor for me.”



INTENSE PERFORMANCE. Ano kaya sa palagay ni Cesar ang mga puntos kung bakit sa kanya ibinigay ng Festival ang award?

“Hindi ko talaga alam," matamang nag-isip nang husto si Cesar.

“Siguro ngayon lang nila ako nakitang nag-Bonifacio,” tukoy niya sa role na ginampanan niya sa El Presidente bilang si Andres Bonifacio, o kilala sa tawag na Supremo.

“Iba yung… siguro, iba yung intensity ni Bonifacio?

"But I haven’t seen…it’s unfair for other actors kasi hindi ko pa napapanood yung ibang pelikula. Yung mga pelikulang ginampanan nila.

"Hindi ko alam kung paano yung performance nila doon.”

Sandaling natigilan si Cesar sa interview namin nang ipakilala na ang misis niyang si Sunshine Cruz bilang presenter sa category na babasahin.

Napangiti si Cesar nang batiin siya ng asawa sa pagkakapanalo niya.

Pinansin namang napakaganda ng asawa niya sa suot nitong red gown.

Tugon ng aktor, “Oo nga, e, ’papakuha sana yung number, ang ganda, e!”

Noong sambitin ni Sunshine ang katagang “I love you” sa huling bahagi ng mensahe niya, sumigaw rin si Cesar ng “Love you, too!” sa misis niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PAST AWARDS. Sa pagpapatuloy ng PEP interview kay Cesar, itinanong namin kung kailan yung pinakahuling award niya.

“Matagal na… Panaghoy Sa Suba [2004], Urian Award," banggit ng actor-director sa pelikula niya, kung saan napanalunan din niya ang Best Director award sa prestihiyosong award-giving body.

“Then after that, meron pa ako, e…Ligalig.”

Nakuha ni Cesar ang Best Actor trophy sa Metro Manila Film Festival nong 2006 para sa Ligalig, at nanalo naman siya bilang Best Actor sa Brussels International Film Festival nong 2004.

Marami ang nagsasabing mahusay nga si Cesar sa El Presidente, at parang gutom na gutom ito dahil mukhang ibinigay niya ang lahat sa pagganap ng role.

Sumang-ayon naman siya sa obserbasyon ng mga nakapanood na ng pelikula niya.

“Oo nga. Salamat naman at na-appreciate nila or nagustuhan nila kung ano yung performance ko sa movie.”



BIO-FLICKS AS CHALLENGING ROLES. Ang pelikulang Jose Rizal na idinirehe ni Marilou Diaz-Abaya at iprinodyus ng GMA Films nong 1998 ang unang bio-film na nagbigay kay Cesar ng Best Actor award.

Ikalawa na itong El Presidente.

Lumalabas na nagugustuhan ng mga film festival judges ang pagpu-portray niya ng mga karakter kapag ang project ay tumatalakay sa totoong buhay ng mga bayani.

Umayon naman dito si Cesar.

Aniya, “Totoo. Like yung Muro Ami, Jose Rizal... eto, yung ginagawa ko ngayon, yung Mayor Lim. Hindi ko alam kung mananalo ulit. Sana.”



PLANS FOR 2013. Ano ba ang plano niya sa 2013?

“I want to do more films. Marami akong plano na tapusing mga pelikula.

"Eto nga, ginagawa ko yung The Untold Story of Alfredo Lim. I’m directing it and producing this also.

“Tapos may susunod na ako agad na I might shoot sa labas ng bansa,” pagbabalita niya.

Isa pa sa aabangan kay Cesar ay ang teleseryeng gagawin niya kasama ang Superstar na si Nora Aunor, ang Never Say Goodbye, para sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tampok din dito sina Alice Dixson, Gardo Versoza, at Artista Academy winners na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Nagkaeksena na ba sila ni Nora?

“Hindi pa…hindi pa. Pero sa totoo lang, excited ako,” pahayag niya.

“Ahmm, si Alice pa lang ang nakatrabaho ko.

"And I can’t wait, kasi nung maliit pa lang ako, napapanaginipan ko na siya,” sabi ni Cesar tungkol kay Nora.

Pagpapatuloy niyang kuwento, “Nine years old ako, napanaginipan ko na makakatrabaho ko siya.

“Nine years old, nine years old napanigipan ko siya…It’s so weird, it’s so weird. Ang weird talaga. Kasi paborito siya ng nanay ko, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN