Aljur Abrenica on box-office performance of Sosy Problems: "Ang masasabi ko na lang, hindi talaga kami natapos.”

Ayon kay Aljur Abrenica, ang hindi magtugmang schedule ang naging dahilan kung bakit kinulang sa oras para sa shooting ang pelikulang Sosy Problems, na entry ng GMA Films sa 38th Metro Manila Film Festival.


Ang Sosy Problems ang huling pinag-usapan sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur Abrenica noong December 29, sa Zirkoh, Tomas Morato Avenue.

Kasama ang aktor sa pelikulang pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Bianca King, Rhian Ramos, at Solenn Heussaff.

Hiningan namin siya ng saloobin tungkol sa mabagal na pag-usad nito sa takilya.

Ang reaksiyon ni Aljur, “Talaga? Ang masasabi ko na lang, hindi talaga kami natapos.”

Ang tinutukoy niyang "hindi natapos" ay ang balitang lumabas noong isang linggo na hindi na-shoot ang lahat ng eksena para sa pelikula.

Hiniling daw ng direktor na si Andoy Ranay sa management na mag-extend ng ilang araw pero hindi siya tuwirang napagbigyan.

Imbes na five shooting days daw ang gugulin ng direktor upang matapos at mapaganda ang pelikula, diumano ay isang araw lang ang ibinigay sa kanya.

Kasunod nito, lumabas din ang isyu na gusto raw ipatanggal ni Andoy ang kanyang pangalan sa movie. Pero hindi nagbigay ang direktor ng anumang kumpirmasyon sa PEP tungkol sa usaping ito.

Pinadalhan namin siya ng text message sa tatlong magkakaibang numero na nakalap namin, pero hindi ito sumagot.

Sinubukan rin naming kunan ng pahayag ang prodyuser ng pelikula, ang GMA Films, sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message sa corporate communications department ng GMA-7, na siyang namamahala sa publicity ng Sosy Problems.

Isang text message ang natanggap namin kanina, December 31, mula sa Kapuso executive na si Angel Javier, na nagsabingsinagot na raw ang isyung ito noong nag-press conference ang pelikula.

At nang nagkaroon ng pagkakataon, tinanong din namin si Aljur tungkol dito.

Una, may katotohanan bang hindi talaga "tapos" o "buo" ang pelikula?

Ang balik-tanong nito, “Alam na ba ng mga tao na hindi natapos talaga?"

Ano naman yung tungkol sa billing issue ni Direk Andoy?

Aniya, “May mga rumors talaga na ganun, e. Well, ang masasabi ko na lang diyan, kaming mga artists, even the director, we did our best para pagandahin ang pelikula, also GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga lang, siguro nahirapan po talaga kami magkaisa-isa, e, sa schedule.

“Yeah, we started naman sa tamang panahon. Kasi ako, ang dami kong shooting days, pero hindi ako nakukunan [minsan] sa buong araw kasi talagang pinapaganda ni Direk Andoy yung pelikula.

"Siguro nagkulang lang talaga kami sa oras.”

Pagtatapos pa ni Aljur, “Desisyon na nila yun, as long as alam namin sa sarili namin na we did our best at wala namang nagsisisihan at wala namang nang-aaway, basta good experience.”

Bukas ang PEP sa anumang pahayag ng mga taong sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN