Talent manager Jonas Gaffud’s wish for Mercator talents this 2013: “More projects para sa mga talents ko para walang magtampo!”


Labis ang pasasalamat ng talent manager at beauty-queen discoverer na si Jonas Gaffud ng Mercator Artists and Model Management para sa nagdaang taon na 2012.

Sunud-sunod kasi ang naging trabaho ng kanyang talents na nasa mundo ng showbiz at maging sa mundo ng fashion at beauty pageants.

Kaya nga panay ang dasal at pasasalamat ni Jonas dahil hindi raw pinapabayaan ang kanyang mga alaga at patuloy pang lumalaki ang pamilya ng Mercator.

Si Jonas ay kasalukuyang nasa U.S., kunsaan siya nag-celebrate ng Christmas at New Year.

Sa pamamagitan ng social networking site na Facebook, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pamosong talent manager.



VENUS RAJ. Sa kanyang female talents, nangunguna na hindi nawawalan ng trabaho si Venus Raj.

Pagkatapos nitong maging 4th runner-up sa Miss Universe noong 2010, hindi na raw nakapahinga si Venus sa sunud-sunod na blessings.

Ayon kay Jonas, “Three years na siyang nasa morning show ng ABS-CBN 2 na UKG [Umagang Kay Ganda]. Enjoy na enjoy siya sa segment niya doon.

“Siyempre, in love din siya kaya inspirado parati.”

Ang boyfriend ni Venus ay ang actor-TV host na si Andrei Felix. Nag-celebrate sila ng kanilang first anniversary noong November 24, 2012.

Patuloy ni Jonas, “Pinapabayaan ko naman kasi alam kong responsableng babae ‘yang si Venus.

“Kahit in love ‘yan, hindi nagpapabaya sa trabaho.

“Kaya nga happy ako na nakapagpatayo na siya ng bahay niya sa Bato, Camarines Sur.

“Talagang pinagtrabahuan niya nang husto iyon, kaya she deserves to be happy naman sa personal niyang buhay.

“Bukod sa TV hosting, endorser din si Venus ng ilang products. Ang pinakabago nga ay itong Watson’s.

“Tapos she’s also doing movies na rin. She did Pridyider for Regal Entertainment at may pinag-uusapan na rin kaming launching film niya sa 2013.”

SHAMCEY SUPSUP. Kay Shamcey Supsup naman, pagkatapos nitong maging 3rd runner-up sa Miss Universe 2011, naging speaker ito sa iba’t ibang schools at organizations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin maawat ang pagdating ng endorsements sa kanya.

Ready na raw si Jonas kung sakaling magpakasal na si Shamcey sa boyfriend nitong si Lloyd Lee.

Aniya, “Masaya naman ako for them. Nakita ko naman kung gaano kamahal ni Lloyd si Shamcey.

“In case they get married, okey lang, kasi iyon ang ikakasaya nilang dalawa.

“Si Shamcey rin naman, sobrang sipag din niyan. Kaya she also deserves to be happy sa personal niyang buhay.”


JANINE TUGONON. Ang latest na nag-place sa Miss Universe na alaga ni Jonas ay si Janine Tugonon. Ito ay first runner-up no less, sa katatapos lang na Miss Universe 2012 sa Las Vegas.

Marami raw natatanggap na tawag si Jonas mula sa mga gustong kumuha ng serbisyo ni Janine. Lahat daw iyan ay sa 2013 na mangyayari.

“I am so proud of Janine.

"Malaki ang naging sakrispiyo niya para sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas, tapos muntikan pa niyang makuha ang Miss Universe crown.

“Okey na iyon for us kasi very stiff ang competition. Ang daming magaganda talaga at matatalino.

“Blessed lang si Janine at inabot niya ang first runner-up out of more than 80-plus candidates."


QUEENIERICH REHMAN. Alaga rin ni Jonas ang 2012 Miss World Philippines na si Queenierich Rehman, na nakasama sa semi-finalists ng Miss World 2012 sa China.

Sabi ni Jonas, “Hindi man nanalo or nag-place si Queenie, but she did her best, lalo na sa talent competition.

“Busy rin naman si Queenie with many charity projects and modeling assignments.”


DANIEL MATSUNAGA. Sa male talents ni Jonas, pinaka-busy ang Brazilian-Japanese model-turned-actor na si Daniel Matsunaga.

Tatlo ang TV shows nito sa TV5, at lumabas ito sa first movie niya na Sisterakas, isa sa official entries sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Itinanggi ni Jonas ang balitang baka lumipat sa ABS-CBN si Daniel dahil nagustuhan nito ang pagiging guest host sa Kris TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng talent manager, “May guaranteed contract pa si Daniel with TV5.

“Though non-exclusive siya, puwede naman siyang mag-guest sa ibang networks.

“Yung sa Kris TV, sinubukan lang namin iyon kung kaya niya. Okey naman, nagustuhan niya. Plus, promo rin iyon para sa Sisterakas.

“Sa TV5 naman, wala siyang pahinga. He has Game ‘N Go every Sunday. Tapos may Enchanted Garden din siya na extended.

“Yung Third Eye naman, may second season ngayong 2013.

“Kaya tuluy-tuloy ang work niya, aside sa pagiging endorser niya at ilang mga TV commercials.”

Pare-parehong busy rin ang male-models-turned-actors na sina JC Tiuseco, Fabio Ide, Ervic Vijandre, Mikael Daez, Benjamin Alves, at Lemuel Pelayo na mga talents ni Jonas din.

May kanya-kanya raw silang mga TV shows at mga modeling gigs.

JC TIUSECO. Ayon kay Jonas, “Si JC, hindi naman siya nawawalan ng show.

“Right now, nasa Temptation of Wife siya sa GMA-7. Paminsan-minsan ay guest host siya at may mga ini-endorse din siya.

“Kasama rin siya sa cast ng Shake Rattle & Roll 14: The Invasion. Nasa ‘Lost Command’ episode siya.

“May isa pa siyang movie na ire-release ngayong 2013, yung Ride To Love."


FABIO IDE. “Si Fabio naman, he was last seen sa Coffee Prince. Hindi naman siya nawawalan ng modeling projects, e.

“Makikipag-meeting pa ako with GMA-7 regarding sa next show na gagawin niya."


LEMUEL PELAYO. “Si Lemuel naman ay natapos siya sa Precious Hearts Romance Presents Pintada [on ABS-CBN]. Ngayon nasa Kahit Puso’y Masugutan siya.

“Mabenta siya as a character actor. Ginawa rin niya ang Angelito: Batang Ama and Hiyas.

“Mabenta rin siya sa mga TV commercials kaya wala akong problema sa magiging work niya."

ERVIC VIJANDRE. “Si Ervic naman, okey lang na i-build siya na kontrabida kasi bagay naman sa kanya. Nasa Aso Ni San Roque siya and he’s getting good feedback sa role niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Papasok kasi sa politics si Ervic. He will be running for councilor sa Taguig City.

“Ako nga mismo nagulat na nag-decide siyang mag-file ng candidacy niya.

“So sa March 2013, wala muna siyang showbiz work dahil campaign season iyon. Siyempre, susuportahan namin siya sa pinasok niyang iyan.

“Dasal ko na manalo si Ervic para naman may politician sa mga alaga ko!” tawa pa niya.

MIKAEL DAEZ. Si Mikael naman ay patuloy sa paglabas bilang si Carlos Miguel sa Sana Ay Ikaw Na Nga, na may pinakamataas na ratings sa GMA Afternoon Prime.

Natuwa nga si Jonas nang malaman niyang extended hanggang March 2012 ang naturang series.

“Of course, naman happy ako noong ibinalita sa akin. Kasi wala akong magiging problema sa work ni Mikael.

“In fairness, maganda ang show kaya naman sinusubaybayan ng marami.

“And Mikael is doing fine as an actor. Malaki na ang improvement niya.

“Kasama nga rin siya sa Sosy Problems ng GMA Films, na isa sa movies sa MMFF.”


BENJAMIN ALVES. May isa ring serye na gagawin si Benjamin Alves sa GMA-7 pagkatapos ng Coffee Prince. Sa ngayon ay TV hosting ang pinagkakaabalahan nito.

Sabi ni Jonas, “Pag-uusapan pa namin ang series na gagawin ni Benjamin.

“Nasa Party Pilipinas naman siya every Sunday and may mga gagawin siyang endorsements.

“Sa movies, he did Guni-Guni for Regal Entertainment. At kasama rin siya sa Ride To Love.”


BRENT JAVIER. Ang bagong talent na hawak ni Jonas ay ang model at dating Mossimo winner na si Brent Javier.

Nabigyan ng pagkakataon na makapag-host si Brent para sa isang online talkshow for Mercator TV, tungkol sa katatapos lang na Miss Universe, titled Touchdown.

“Puro mga updates iyon before the Miss Universe pageant.

“And he did very well. Kaya iniisipan namin ulit siya ng bagong online show.

“Mas gusto naman ni Brent is modeling kesa sa mag-showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itong hosting, pinagawa ko lang sa kanya, at kaya naman niya.”

Wish ni Jonas sa 2013 na mas dumami pa ang trabaho para sa mga alaga niya sa Mercator Artists and Model Management.

“More projects para sa mga talents ko para walang magtampo!” sabay tawa niya.

“Alam naman nila na lagi ko silang hinahanapan ng trabaho. Mahal ko ang mga alaga ko kaya I pray na lahat sila ay ma-bless sa 2013!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN