Baron Geisler’s promise this 2013: "Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang new year ko.”

Ngayong bagong taon ay sisikapin daw ni Baron Geisler na panindigan ang kanyang naunang pangako na maging "Baron-Bago" at hindi na mabansagang "Baron-Bado."


Mula nang masangkot sa diumano’y pambabastos sa ilang TV5 celebrities noong nakaraang MVP Ball si Baron Geisler, hindi ito nagpakita sa media maging noong grand presscon at premiere night ng El Presidente sa Mall Of Asia.

(CLICK HERE to read related story.)

Lumabas na rin sa dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang pinatawad na ni Edgar Allan Guzman ang kapwa Kapatid star.

(CLICK HERE to read related story.)

In a recent episode naman ng Ang Latest: Updated, ikinuwento ni Divine Lee na tumawag na sa kanya si Baron at humingi na ng paumanhin.

Noong awards night ng Metro 2012 Manila Film Festival (MMFF)—na ginanap sa Meralco Theater noong December 27—medyo late na nang dumating si Baron sa venue kasama ang isang non-showbiz girl.

Nang matapos na ang mismong awarding, nagpaunlak si Baron ng isang panayam sa PEP.

Sa taong 2013 daw ay pagsisikapan niya muli ang pagpapakatotoo sa nauna niyang pangako noon na magiging "Baron-Bago" at hindi na mababansagang "Baron-Bado."

Aniya, “I have some things na kailangan kong gawin, makikita ninyo na lang.

“Pero I promise na ginagawan ko ng paraan, pero I’m not taking things lightly.

"Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang new year ko.”

Paano kaya niya maa-assess ang kanya ng 2012?

Sagot niya, “2012, was a blessing pa rin.”

Sa tingin ba niya ay misunderstood lang siya?

“Maybe…” maiksing tugon ni Baron.

Pagkatapos nito ay nagpasalamat na siya bilang hudyat ng pagtatapos ng interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN