Sisterakas earns almost P266 million in one week; on its way to becoming "highest-grossing Filipino film of all-time"?

MMDA Chair Francis Tolentino (not in photo) on movies competing for the top spot in MMFF box-office: “There’s no need to compete for the top-grosser award because there’s no such this as top-grosser award. Ano na lang ‘yon, motivation na lang ng producer to earn more. It’s part of the business.”

As of January 2, the Kris Aquino (in photo) movie-starrer Sisterakas is


Ang Sisterakas na kaya ang bagong “highest-grossing Filipino movie of all time”?

Ayon sa pinakabagong post ni Kris Aquino sa Twitter ngayong araw, January 3, umabot na raw sa "P265,765,433.26" ang kinita ng kanilang pelikula as of January 2.

Kasama ni Kris sa pelikula sina Vice Ganda at Ai-Ai delas Alas.

Samantala, nakakuha naman ng unofficial report ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagsara raw sa P239,246,804 ang kita sa takilya ng Star Cinema/Viva Films movie entry na ito sa 38th Metro Manila Film Festival noong January 1.

Kung pagbabasehan ang tweet ni Kris, isa sa mga bida at producer ng Sisterakas, may posibilidad na maungusan nito ang comedy film na The Unkabogable Praybeyt Benjamin (2011).

Ang Praybeyt Benjamin, na pinagbidahan ni Vice Ganda, ay nakaabot sa P200M ang box-office return sa ika-walong araw nito sa sinehan.

Sa loob naman ng halos dalawampung araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan, umabot sa P320M ang kinita ng pelikulang ito na co-produced ng Star Cinema at Viva Films.

Dahil dito, ang Praybeyt Benjamin ang may hawak ng record ngayon bilang “highest-grossing Filipino movie of all time.”

Katulad ng Praybeyt Benjamin, bahagi rin ng Sisterakas si Vice bilang isa sa mga aktor at si Wenn Deramas bilang direktor.

Samantala, ito naman ang latest unofficial box-office results na nakalap ng PEP para sa iba pang pelikula na kalahok sa 2012 MMFF:

One More Try – P175.6 million

Si Agimat, Si Enteng, at si AKO – P100.6 million

The Strangers – P93 million

Shake Rattle and Roll 14: The Invasion – P81 million

Sossy Problems – P51.7 million

El Presidente – P48.2 million

Thy Womb – P10.9 million

Ang mga numerong ito ay galing lamang sa isang source at hindi mismo sa Metro Manila Development Authority (MMDA), na namamahala ng taunang MMFF.



“PADDED BOX-OFFICE RETURN.” Samantala, umalma naman ang direktor ng isa sa walong kalahok na pelikula sa 2012, si Brillante Mendoza ng Thy Womb, tungkol sa mga lumalabas na unofficial box-office results.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa exclusive interview ng Interaksyon, na lumabas noong Martes, January 1, sinabi ni Direk Brillante na hindi totoo ang mga lumalabas na resulta sa takilya ng mga pelikula.

Aniya, “That’s not true. As one of the producers of the film, I have the actual box-office figures that I continue to monitor on my own.

“I have been complaining about this since three days ago when it was reported that Thy Womb had earned P6.3 million in its first three days. That is not also true.”

Hindi raw ito nakakabuti lalo pa’t may ilang taong bahagi rin ng kanyang proyekto bilang investor.

“When box-office release figures like that are made public and it does not even come close to our own tally, baka akala ng mga investors ko, niloloko ko sila,” paliwanag ng award-winning director.

Dagdag pa niya, hindi niya gustong i-promote ang kanyang pelikula sa ganitong paraan.

“Ako lang ang nagku-complain.

“Of course, why would the top grossers complain even if their reported box office sales are padded? It’s good promotions for their films.

“Basta ako, I don’t want to resort to padding my film’s returns. Kung ano yung totoo, e, di yun ang ilabas nila.”



NUMBER OF THEATERS FOR EACH FILM. Bago pa ang reklamo ni Direk Brillante, may ilang mensahe rin sa Facebook ang nagpapakita ng diumano’y hindi patas na pagbabahagi ng mga pelikula sa mga sinehan.

Sa post ng isa sa mga aktres ng El Presidente na si Cristine Reyes noong December 24, nakalagay rito kung paano umano hinahati ang mga sinehan sa mga kalahok na pelikula ng MMFF.

Ito ang nakasaad sa post ni Cristine:

“FYI MMFF DATA: IN METRO MANILA 300 PLUS THEATERS WERE RAFFLED EQUALS TO 44 THEATERS EACH FOR THE 8 OFFICIAL MOVIE ENTRIES TO BALANCE THE COMBINATION OF THEATERS

“BUT FREE BOOKING FOR ADDITIONAL THEATERS (PALAKASAN SYSTEM) IN THE PROVINCES WHICH IS NOT OFFICIALLY INCLUDED BUT 8 MOVIE ENTRIES HAVE A NATIONWIDE SIMULTANEOUS SHOWING TO AVOID PIRACY.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“TAKE NOTE OF THIS UNFAIR TOTAL BREAKDOWN OF THEATERS FOR EACH FILM ENTRY: AGIMAT- 130, SISTERAKA-130, SHAKE-70, ONE MORE TRY-60, EL PRES-51, THY WOMB-43, SAUCY P-40, STRANGERS-40.

“THE TOP GROSSER MOVIE ANNOUNCEMENT ON DECEMBER 26 WILL BE AN UNFAIR JUDGEMENT FOR THE SIX OTHER MOVIES WHO GOT ONLY LESS THAN 80 THEATERS EACH. MMFF SHOULD CHANGE THIS UNFAIR SYSTEM. PLEASE PASS TO CONCERNED MEDIA GROUPS.”



MMDA CHAIR EXPLAINS. Samantala, sa panayam naman ni Karen Davila kay MMDA Chairman Francis Tolentino sa programang Headstart kamakailan, ipinaliwanag niya ang ilang isyung madalas naitatanong tungkol sa MMFF.

Una, sinabi niya na ang mga sinehan sa Metro Manila na magpapalabas ng MMFF entries ang inira-raffle sa mga kalahok na pelikula.

“There are 300 plus theaters, we call this the Metropolitan Manila Circle, which would include Bacoor, Cavite; San Fernando, Pampanga; and as far as Baguio and even Cebu.

“The 300 plus, we will subdivide it and then, we will raffle it.

“Sila ang magpapalabunutan.

“Even sa parade, ‘yong arrangement ng float, raffling ‘yon, e.

“So, kung nabunot mo ‘yong number one ka, sa harapan ‘yong float mo.

“Nagkaroon pa nga ng kaunting away doon ang ibang networks, e, kasi sa raffle nagrereklamo sila. Nag-raffle sila sa float, napunta sa likod ‘yong float ng hindi nila movie.

“Dito naman sa 300 plus [theaters], tig-44 sila.

“Sa Metro Manila, nira-raffle ‘yon. Even you have a quality movie, you can get Avenida, you can get Ayala theater. Pare-parehas po ‘yon.”

Sinabi rin ni Chairman Tolentino na kasabay ng pagpapalabas sa Metro Manila at iba pang lugar na kasama sa Metropolitan Manila Circle, ipapalabas din ang mga pelikula sa iba pang probinsiya.

Subalit, aniya, “We allow the theater owners to decide kung ano ‘yong pick nila. Sila ‘yong nagde-decide. Otherwise, they won’t be joining the filmfest.”

Diin pa ng pinuno ng MMDA, “The industry practice right now, worldwide, kapag ipinalabas ang Spider-Man sa L.A., palabas na rin sa India, palabas na rin sa Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ‘yong ginagawa natin, kapag palabas na ang isang pelikula sa Metro Manila Film Festival, dapat palabas na rin siya sa [ibang probinsiya].

“‘Yong na-raffle natin, lock-in period ‘yon for two weeks.

“But outside Metro Manila, bahala na sila.

“For one week, they can change. Kung nakita nilang malakas sa Manila ‘yong another movie, they can change after one week.

“That’s fair kasi, ultimately, ang nagde-decide who’s gonna be topgrossers is the moviegoer.

“Kahit magbigay kami ng 100 o 200 movie theaters, kung ayaw ng moviegoer, hindi ‘yan [kikita].”

Kaya naman sa isyu ng diumano’y palakasan system, sinabi ni Chairman Tolentino, “The theater owners will decide.

“This has been the practice for the last two decades. Ito talaga ‘yong ginagawa, e.

“We have been fair.”

Pagdating naman sa pagbibigay ng resulta sa box-office, nilinaw ni MMDA Chairman Tolentino na tanging ang mga kinita lamang sa Metropolitan theater circle ang naisasama nila sa kompyutasyon.

“When we measure the gross for the revenue, we only account for the theaters that were raffled. Hindi kasama ‘yong not raffled.”

Sinabi rin niya na hindi naman daw dapat magkaroon ng kumpetisyon para sa pagiging top-grosser, lalo pa’t hindi na ito kasama bilang isa sa mga criteria ng pagpili ng Best Picutre.

Ayon kay Chairman Tolentino, “There’s no need to compete for the top-grosser award because there’s no such this as top-grosser award.

“Ano na lang ‘yon, motivation na lang ng producer to earn more. It’s part of the business.”

Sa ngayon, sinusubukan pa ng PEP na hingan ng pahayag ang MMDA tungkol sa isyu ng padding sa box-office result.

Samantala, ang pinakahuling datos na nakuha ng PEP mula sa MMDA kahapon, January 2, nagtala na ng P231,878,445 ang pelikulang Sisterakas sa box-office.

Ang pelikulang Si Agimat, Si Enteng, at si AKO ay may P104,458,871 sa box-office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na naglalabas ng box-office result ang MMDA tungkol sa iba pang pelikula. Pero sa kabuuan, itinatayang umabot na sa P512,873,411 ang kinita ng mga kalahok na pelikula sa 2012 MMFF.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN