Sarah Lahbati reveals falling out with GMA Artist Center on Twitter; signs co-management contract with Annabelle Rama

“I’ve had misunderstandings with the people who are handling my career. I am still thankful to them for the efforts they have shown in the past but now I feel neglected and my back is against the wall..." writes Sarah Lahbati on her Twitter account.


Mukhang may falling out sa pagitan ng GMA Artist Center at sa talent nilang si Sarah Lahbati.

Sa pamamagitan ng social networking site na Twitter, inilabas ni Sarah ang kanyang sama ng loob sa artist development and management center ng Kapuso Network.

Nakakontrata si Sarah sa GMA Artist Center ng limang taon magmula nang manalo siya bilang Ultimate Female Survivor sa Starstruck V noong 2010.

Sa Twitter account ni Sarah (@SarahLahbati), kunsaan mayroon siyang 330,364 followers, ay inihayag ng young actress ang kanyang sentimyento sa GMA Artist Center.

Sinimulan ni Sarah ang pagpu-post ng mensahe kagabi, January 2, 11:23 p.m.

Lumalabas na maraming reklamo si Sarah sa mga humahawak ng kanyang career sa GMA-7 kaya nagdesisyon ito at ang kanyang magulang na pumirma sa Royale Era Entertainment & Artist Management, ang talent management outfit ni Annabelle Rama.

Kinuha nilang co-manager si Annabelle na ina ng boyfriend ni Sarah na si Richard Gutierrez.

SARAH’S TWEETS. Heto ang magkakasunod at mahabang tweet ni Sarah:

“To all my friends and supporters, I’d like to thank you for the love and loyalty you’ve given me. I’ve been very blessed last year and I’m grateful to all of you but unfortunately you will be seeing less of me this year for reasons that are hard to explain through Twitter...

“I’ve had misunderstandings with the people who are handling my career. I am still thankful to them for the efforts they have shown in the past but now I feel neglected and my back is against the wall...

“Therefor I have to do something. Just to clarify this issue that’s been going around, I signed a contract with Royal Artist (Tita Annabelle Rama) as a co manager with GMA Artist Center because I needed someone to protect & help my well being in this cut throat industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tita Annabelle only wants the best for me, with her years of experience and success in this industry I know that she’s the right person to help me.”

Isiniwalat din ni Sarah sa kanyang tweet ang pag-offer daw ng GMA Artist Center na pumirma siya sa ICONS Talent Management Agency.

Ang ICONS Talent Management Agency ay isa pang management arm ng GMA-7 na pinapatakbo ni Bebong Muñoz, ang ex-boyfriend ni Jolina Magdangal.

Ang ilang Kapuso artists na nakapirma raw sa ICONS ay sina Bianca King, Bea Binene, at Alden Richards.

Hindi raw sumang-ayon si Sarah at ang mga magulang nito sa malaking percent na tatanggalin ng ICONS sa makukuhang talent fee niya sa bawat proyekto.

Narito ang tweet ni Sarah tungkol sa issue na ‘yan...

“When my family made this decision, we were already sure that an artist tied up with GMA Artist Center such as myself can be co-managed by another talent company because I was offered by top management of GMA to sign a contract with ICONS management just a few months before i signed with Tita Annabelle.

“I didn’t sign with ICONS because they wanted to deduct another 15% on top of the 25% that is being deducted by GMA Artist Center. We found that too steep of a deduction for someone who just started such as myself.”

Lumalabas na tinututulan ng GMA Artist Center ang pagpirma ni Sarah ng kontrata sa management outfit ni Annabelle Rama. At dito nagkaroon ng problema ang young actress sa kanyang home network.

Dahil sa issue na ito, mas gusto pa raw ng parents ni Sarah na bumalik na lang siya sa Switzerland para tapusin ang kanyang pag-aaral.

Heto naman ang tweet ni Sarah tungkol dito:

“Because of all of this uncertainty and stress, my family and I decided that I go back to Switzerland and study there :( ... This does not mean that I will be gone from the industry and craft that I love... Just a breather from all the chaos...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakalungkot na umabot pa sa ganito... But I’m also excited to study... I trust God’s plans for me... :)”

SARAH’S CAREER. Kung matuloy ang desisyon na ito ni Sarah na bumalik na lang sa Switzerland, tiyak na marami ang manghihinayang sa nasimulan na niyang career sa showbiz, lalo na’t bini-buildup siya ngayon ng Kapuso network bilang leading lady.

Since 2010 ay marami nang nagawa projects si Sarah,; kabilang na rito ang Love Bug: Exchange of Hearts, Little Star, Time of My Life, Maynila, at Spooky Nights.

Sa pelikula ay lumabas si Sarah sa White House at Boy Pick-Up: The Movie.

Isa rin si Sarah sa female endorsers ng Bench Body.

Ini-launch ang Pinay-Swiss Kapuso actress sa 2011 afternoon soap na Kokak.

Kasama rin siya sa cast ng bagong primetime telefantasya na Indio kunsaan bida si Senator Bong Revilla Jr.

Naging leading lady siya ni Richard Gutierrez sa primetime series na Makapiling Kang Muli (2012) kunsaan nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Meron din silang natapos na pelikula, ang sexy drama na Seduction, kasama si Solenn Heussaff. Comeback directorial job ito ni Peque Gallaga.

GMA ARTIST CENTER SIDE. Kaugnay ng mga pahayag na ito ni Sarah ay kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ng GMA Artist Center ngayong umaga, January 3.

Ayon sa nakausap ng aming staff writer na si Jocelyn Jimenez ay babalikan na lang daw nila kami.

Agad na ilalathala ng PEP ang panig ng GMA Artist Center sa sandaling makuha namin ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN