GMA Films producer Annette Gozon-Abrogar admits Sosy Problems failed to shoot major scene; grants director Andoy Ranay’s request to remove name from film credits

Sa pag-alis ng pangalan ni Direk Andoy Ranay sa pelikulang Sosy Problems, pahayag ng GMA Excutive na si Annette Gozon Abrogar, "Para wala na lang talagang masabi or ’wag maging mas malaking issue, we granted his request."


Bago pa man magsimula ang showing ng mga pelikulang kalahok sa 2012 Metro Manila Film Festival ay ipinatanggal na ng direktor ng Sosy Problems na si Andoy Ranay ang kanyang pangalan sa credits ng pelikula.

Inamin naman ito ng mismong presidente ng GMA Films na si Annette Gozon-Abrogar sa presscon ng Sosy Problems noong December 22, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Sabi ng film executive, “Para wala na lang talagang masabi or ’wag maging mas malaking issue, we granted his request.”

Sinasabing ang dahilan ng “request” na ito ni Direk Andoy ay dahil may isang mahalagang eksena raw na hindi nakuhanan ang pelikula.

Ngunit paglilinaw ni Annette, sa kabila ng pangyayari ay wala naman daw alitan na nangyari sa pagitan ni Direk Andoy at ng production team.

Sabi niya, “Nag-tweet kasi siya nun na since hindi nga nagkaroon ng isa pang shooting day e gusto niya talagang magkaroon pa ng isang day.

“Pero just to respect his decision, wala naman away na nangyari, ha. Nag-away, wala.

“Parang ganun lang. So I don’t think naging bigger issue yun after that.”

Hindi rin daw ito magiging dahilan upang maapektuhan ang kanilang relasyon sa direktor—maging sa TV projects nito.

Sabi ni Annette, “Kasi we haven’t had any bad experience with him, lalo na sa TV.

“I think dito sa movie na ‘to, talagang nakaka-pressure lang yung deadline.

“So, I guess, dun lang naman nagkaroon ng issue.”



SHORTCHANGED? Sinagot din ni Annette ang isyu na hindi raw natapos ang Sosy Problems—bagay na kinumpirma ng isa sa stars ng pelikula na si Aljur Abrenica sa hiwalay na panayam ng PEP.

(CLICK HERE to read related story.)

Pahayag niya, “Hindi, actually, hindi naman sa hindi tinapos.

“Kasi wala naman talagang malaking issue and ayoko sanang palakihin dahil hindi naman talaga ganun kalaki. It’s not like a Sosy Problem,” pagbibiro pa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag niya na ang naging dahilan kaya hindi nakunan ang isang mahalagang eksena ay dahil sa kakulangan sa oras.

Pahayag ni Annette, “Ang nangyari kasi, alam naman natin lahat na may deadline tayo sa Metro Manila Film Fest.

“Pag hindi naka-submit on time, ang multa dun, 4.5 million per day ang kailangan naming bayaran.

“So siyempre, may mga scenes na gusto pa sana namin makunan. Kaya lang, mag-i-schedule pa ng shooting last week, hindi na aabot yung pelikula.

“And, isang major scene lang naman yun, e, na when we watched the whole movie, the whole creative team and pati na yung editors, and even the stars, dinetermine na ng lahat na hindi na naman talaga kailangan because the movie was complete and it could stand on its own.

“So dun lang naman nagkaroon ng konting issue and and sinasabi ko nga na if we all had the luxury of time, talagang kahit mas marami pang shooting days.

“Kaya lang, yung problema natin, entry siya sa Metro Manila Film Fest so we have to honor that commitment.

“Nakakahiya naman kung hindi namin tuparin yung ma-submit yung pelikula on time.

"Yun lang naman yung naging issue.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN