PEPtalk. Judy Ann Santos: “there’s a lot of pressure included in show business especially when you become a wife…”

Judy Ann Santos on being a mother:“Masaya, I never thought I will enjoy motherhood this much. Super talaga akong na-e-enjoy yung pag nakikita ko sila, yung fulfilled ka…”


Sa pagpapatuloy ng PEPtalk kasama ang Young Superstar na si Judy Ann Santos, buhay pamilya niya naman ang inusisa ng section editors ng PEP.ph na sina Demai Granali at Monching Jaramillo.

Kabilang sa mga napag-usapan sa bahaging ito ay tungkol sa mga anak nila ni Ryan Agoncillo na sina Yohan at Lucho.

Pero bago nadako riyan ang usapan, sinagot muna ni Juday ang naiwang tanong sa unang bahagi ng panayam. Paano nga ba niya nababalanse ang buhay pamilya at ang kanyang showbiz career?

Juday: “Siyempre, ‘pag may pamilya ka na, meron ka talagang effort na… at saka ano yun, e, nasa sa’yo na yun, e.

"Yung parang sobrang sunud-sunod na yung trabaho mo tapos maaga ka gigising, tulog pa yung mga bata, uuwi ka tulog na sila.

“Nalulungkot ako pagka may dalawang araw na magkasunod yung trabaho mo kasi sanay ako na nakikita ko sila sa umaga."

Kaya naman, isa sa mga routine niya sa trabaho ay ginagawa na lang ni Juday sa bahay.

“Para-paraan, gagawan mo talaga ng paraan, like pag nagma-MasterChef ako, dun na lang ako nagme-make-up sa bahay para I can still spend time with my kids tutal ang call [time] ko naman, e, 9:00 [to] 10:00 a.m. so yung buong time na nagme-make-up ako, nakakalaro ko sila habang mine-make-up-an ako.

“Yung mga maliliit na bagay na yun, ang sinasabi nga ni Carmina [Villaroel-Legazpi], di ba?

"Since, yung quantity na binibigay mong time sa anak mo hindi ganun karami, gawin mong quality time talaga. Yung talagang gustuhin mo na lang talagang maging memorable sa mga anak mo yun.”

Monching: “E, pa’no naman sa husband..."

Juday: “May ganun din, may ganun ka ding effort na….”

Monching: “Pa’no um-effort si Juday kay Ryan...”

Juday: “May ano, may mga cheat dates naman kami ni Ryan. May mga date na kaming dalawa lang, may mga times na masaya na kami na nagdi-DVD, nagpa-popcorn na lang kami sa loob ng kuwarto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Or kami naman ni Ryan, sa isang taon, we make it a point to travel at least twice a year na kaming dalawa lang.

“Kailangan kasi talaga ng couple time kahit isang linggo lang. Kasi pag sumobra naman ng seven days, mainit na ulo namin kasi hindi na namin nakikita yung mga bata.”

Monching: “E, pa’no kung he wants more than popcorn pa sa gabing yun?”

Juday: “Alam mo, para-paraan ’yan. Alam mo ’yan, mars [mare]!” (sabay tawa)

Demai: “Siyempre po bilang mother, bilang a wife, siyempre gusto niyo perfect din yung family. Pero meron bang pressure sa inyo to maintain yung status niyo ’tsaka yung visibility niyo sa showbiz habang wino-work on ninyo yung pagiging perfect wife and mother?”

Juday: “Well, I guess may effort ka rin naman talaga para makita ka ng mga tao because sa dami ng mga nangyayare ngayon na ambilis ng panahon, ang daming biglang nagiging artista, ang daming biglang sumisikat, you can’t help but think na, ’maaalala pa kaya ako ng tao?’ Kasi nag-pregnancy leave ka tapos medyo lumaki ka din.”

“Hindi mo din naman maiiwasang mai-compare ka sa mas bata, may ganun, may pressure to look good, may pressure with anything.

“There’s a lot of pressure included in show business especially when you become a wife kasi, may comparison ka na lalo pa’t nabuntis ka’t nagkaroon ka pa ng anak.

"Biglang ang daming nakatutok na mata sa ’yo pero I accept the challenge. I accept the pressure because it makes me experience a different part of the industry, e, na parang, ’A, okay, so feeling ko hindi lahat ng tao mabait kailangan dito muna ako makisama sa mga antipatika,’ may mga ganun talaga.”

Monching: “Pero parang kung kelan ka nag-asawa ’tsaka ka mas lalong gumanda, promise!”

Demai: “Mas nag-bloom…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Monching: “Oo…”

Juday: “Sabi nga… sabi nga…”

Monching: “Kasi yung ibang nag-aasawa, siyempre we can’t name names, parang nawawala [yung glow] pero sa’yo parang iba, parang iba dating sa ’yo ng married life.”

Juday: “Happy kasi, e, happy tapos feeling ko ang laking factor din nung nag-take time talaga ako.

“Naalala mo Monch, sinabi ko na it really takes time to be patient. And it takes kumbaga, I value yung sinabi sa ’kin ni mommy na i-enjoy mo muna yung pagiging bata mo, i-enjoy mo muna yung pakikipag-date.

“Dating doesn’t mean naman you’ll go overboard, di ba? It’s really up to that person kung hanggang sa’n niya iisipin ang ibig sabihin ng dating.

“Ako, in-enjoy ko lang talaga, sinagad ko yung sarili ko sa trabaho, pinuno ko lahat ng mga kasama ko sa industriya ng magandang pakikisama so ngayon, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, parang it really pays na maging maayos kang katrabaho sa lahat ng tao.

"Kasi ngayon, pag nakikiusap ako ng cut-off time, nakikiusap ako na sa isang linggo, at least isang day off in between those days na nagtatrabaho ako to spend time with my family.

“It really pays to be nice to people, it really pays to be patient so ngayon, very calm lang ako.

"Relaxed na relaxed lang ako kasi alam ko sa puso ko na naiintindihan naman ako ng mga tao.

"Kung hindi man ako naintindihan, bahala na sila sa buhay nila, wala akong panahong mag-explain.”

Monching: “E, pa’no yung mga bagets? Pa’no?”

Juday: “E, yung mga bagets, siyempre yung explanation napunta sa kanila. Lalo na si Yohan kasi siya yung pinakanakaka-intindi sa lahat so pag may mga Sundays na trabaho, may mga ano na ‘yan, ’It’s a Sunday, I thought you’re not gonna work,’ may mga ganun siya. So it breaks your heart but you have to explain na not naman the whole time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WONDER MOM. Aminado ang aktres na hindi madali pagsabayin ang trabaho at ang pagiging ina. Sa parteng ito, napag-usapan kung paano ba maging magulang sina Juday at Ryan.

Demai: “Makulit na po ba sila ngayon?”

Juday: “Oo, sobrang nilang kulit. Masaya, I never thought I will enjoy motherhood this much. Super talaga akong na-e-enjoy yung pag nakikita ko sila yung fulfilled ka and may extra effort ka talaga na ipagluto sila [Yohan and Lucho], na, ’O, swimming tayo this day o magpasyal tayo.’

"Kasi gusto mo talaga na yung growing-up years nila, yung molding moments nila, nandun ka, ikaw yung nagmo-molde sa kanila.”

Monching: “Between you and Ryan, sino yung disciplinarian?”

Juday: “Actually pareho, pareho kami. Pero pagka halimbawa may isang galit, may isang kalmado para hindi parehong bad cop.

"So palagi kaming ganun lalo na with Yohan kasi siya palang naman yung… though si Lucho, nakakaintindi na siya kung galit kami o hindi.”

Demai: “Pero pa’no po kapag dumadating sa point na nagiging overboard yung kakulitan ng kids? Siyempre nate-test din yung patience niyo. Pa’no niyo naha-handle yun? Nasisigawan niyo ba yung mga bata?”

Juday: “Alam mo, mababait naman yung mga anak namin. Thank you talaga kay Lord. Hindi, I mean, hindi sila mahirap pagsabihan. Isang beses mo lang sila pagsabihan, makikinig sila sa ’yo. [Kapag] in-explain mo, nakikinig sila sa ’yo.

“Hindi mo naman maiaalis sa bata maging makulit, e. Naging bata rin naman tayo minsan, di ba? Alam ko makulit din ako nung bata ako.

“Ito yung years na matanong talaga sila, papansin talaga sila and ibibigay mo sa kanila ’yan, e. Kasi iisipin mo na lang [na], grabe, darating yung araw na ayaw ka na nilang kausapin, ni ayaw makasama, ni ayaw ka nilang makausap sa telepono.

“Ayaw ko nang dumating yung panahon na ganun so, ngayon pa lang, parang ninu-nurture ang relationship mo na hanggang paglaki nila maging magkabarkada kayo but not naman to the point na barkadang tinatawag na sa ‘kin mars di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, may ano pa rin meron pa rin kayong mga pinag-uusapang mga bagay-bagay na it’s between a mother and a daughter only and a daughter and a father, may ganun…”

Monching: “A, so parang... mas close sa ’yo si Lucho tapos mas close si Yohan kay Ryan?”

Juday: “Wala, balansiyado naman pero siyempre since, mas malaki si Yohan, kami yung kunyare may secret kasi may mga crush-crush na. Mga ganunan…”

Demai: “Nako, nakaka-stress ‘yan…”

Juday: “Eight [years old] lang ‘yan, a. [Nung] eight [years old] ako, alam ko, nakikipagpatintero pa ako.”

Demai: “Pero po hindi pa po ba dumating dun sa point na yung napasigaw ka na sa galit, yung talagang ubos na ubos na yung pasensiya mo sa kanila?”

Juday: “Hindi, hindi rin kasi ako masigaw at saka stern voice lang ang katapat ng mga anak ko…”

Monching: “Tulo luha na lang?"

Juday: “Tulo luha na lang…”

Demai: “Iniyakan na lang, drinamahan na lang yung mga bagets…”

Juday: “Pagka sinabihan mo sila, pagka matigas na yung boses namin, tahimik na sila. Alam na nilang may mali silang ginawa. Hindi namin kinailangan to go that extra mile para pagsabihan sila at kailangan silang ikulong, hindi, wala kaming ganun.”

Monching: “Parang natutuwa kami kasi parang close na close ka sa mga anak mo. Kasi parang may instances na parang may ibang mothers parang mas close na yung mga bagets dun sa yaya, lolo, lola…”

Juday: “Alam mo, isa ‘yan, isa sa mga ayoko talagang... iniiwasan ko talagang mangyari.

"Not that ayoko silang maging close sa mga kasama namin sa bahay and I teach my children... We do not call them helpers, hindi namin sila tinatawag na katulong or kasambahay.

“Ang tinatawag namin sa kanila, ’angels,’ kasi magkakasama kami sa bahay, inaalagaan nila kami.

"Talagang yung values ba na hindi porket nagtatrabaho sila sa loob ng bahay, yung value nila bilang tao mababa, so, tinuturo ko sa kanila [mga anak] na hindi dapat indifferent sa mga kasama sa bahay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Monching: “Pag tinawag, ‘Angel!’ Ganun lang?”

Juday: “Ate, though they call them ’yaya,’ ’angel 1,’ ’angel 2.’ O kaya Angel Locsin, Angel Aquino, chos! Mamaya, may issue na naman ako…

“May values na magkakasama kami, kasama yung mga angels namin, magsisimba kami or magkakasama kami sa iisang dining table.

"Kakain kami sa labas para hindi, alam mo yun, hindi nila isipin na, ’E, kasama ka lang naman sa bahay, e, bakit?’

"Ayoko talaga ng ganun kasi parang nakaka-degrade ng pagkatao yun, e.”


SHOWBIZ FAMILY. Bilang isang pamilya ng mga artista, hindi maiiwasan ang malaking expectations na pumasok din ang kanilang mga anak sa showbiz.

Demai: “Very smart po yung mga anak niyo, no?”

Juday: “Oo, lalo na si Yohan…”

Demai: “Hindi niyo pa po ba siya papapasukin sa showbiz?”

Juday: “Nako, hangga’t maaari sana, ayoko. Ayoko, kasi siyempre, napagdaanan ko ‘yan, e. Though nung panahon ko, mas maluwang, mas yung environment ng mga batang artista. Before, bata talaga.

“Walang make-up, walang mga kakikayan, walang gadgets. I remember, pag nagte-taping ako ng—pag may taping ako, I look forward to a taping day kasi nakikipaglaro ako sa mga bata, e. It’s like a playground, that’s my playground.

“So ngayon, nung lumaki na ako na-realize ko na, ’Oo nga, kaya ko talaga siya na-enjoy because even nung bata ako, I never really thought na nagtatrabaho ako.’ Talagang naglalaro ako, nae-enjoy ko siya, gusto ko yung pinupuntahan ko, gusto ko yung ginagawa ko.

“Yung ngayon kasi, tinitignan ko yung mga bata magtrabaho, ang intense. Ayoko naman tanggalin yung childhood nung anak ko.

"Though, I think its inevitable kasi nakikita niya ako, nakikita niya mine-make up-an ako sa bahay, kikay din. Sinusuot yung mga [hair] extensions ko, yung false eye lashes... Nakikitaan mo siya tapos gusto niya talagang mag-entertain.”

Monching: “Allowed na ba siyang mag-cellphone?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Juday: “Hindi, though ang sabi namin sa kanya. ’If you [Yohan] want to have a cellphone, you have to earn. You have to save money for it. It has to come from your own account.’”

Monching: (umaktong siya si Yohan) “But mommy, I have a commercial!”

Juday: “Hindi niya alam ‘yan (sabay tawa). Hindi niya alam na may bayad siya diyan. So, sinasabi namin sa kanya, kasi gusto naming i-ano sa kanya, careless pa kasi dahil bata.

“So, kailangan matutunan niya yung value ng isang mahal na bagay kasi pag lahat binibigay mo nang ora-orada, hindi niya bibigyan ng importance, e. Not unless kung sa kanya manggaling yung pera, pinag-ipunan niya buong buhay niya, aalagaan niya yun.

“Kasi sa mga toys pa lang niya, nakikita ko na sa kanya kung gaano siya kabulagsak so pa’no pagka mahal na yung gamit niya?

"So yun yung tinuturo namin sa kanya [Yohan], ’If you want to have your own cell phone, then you buy it. So, oo naman siya, hindi ko lang alam kung nag-iipon.”

Monching: “Pang-ilang anniversary niyo na ba sa June ni Ryan?”

Juday: “Four years, magfo-four na kami.”

Monching: “Ano yung mga natututunan niyo sa isa’t isa? Pero bago mo sagutin ‘yan, magbabalik po ang PEPTalk!”

(CLICK HERE to watch the episode)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN