Kris Aquino says she’s "done" with MMFF movies

“Save this please, i’m done. Achieved 3rd in 2010, 2nd in 2011 & 1st in 2012,” says Kris Aquino to her Twitter followers on January 3, when asked if she is doing another movie for the Metro Manila Film Festival this year.


Nagbitaw na ng salita ang actress-TV host na si Kris Aquino na hindi na siya gagawa ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa social networking site na Twitter kaninang hapon, January 3, sinagot ni Kris ang tanong ng isang follower kung gagawa ulit siya ng pelikula para sa 2013 MMFF)

Sinabi ng Sisterakas actress at co-producer, “Save this please, i’m done. Achieved 3rd in 2010, 2nd in 2011 & 1st in 2012.”

Noong 2010 ay pumangatlo sa takilya ang entry niyang Dalaw, isang suspense-horror movie.

Noong 2011 naman, hiniling ni Kris na maging pangalawa sa takilya ang suspense-horror movie nila ni Dingdong Dantes na Segunda Mano—at nagkatotoo nga ito.

(CLICK HERE to read related article.)

Bago naman nagsimula ang 2012 MMFF, sinabi ni Kris sa press conference ng Sisterakas na nais niya itong maging number one sa box-office.

Dagdag pa niya, “Kasi, noong 2010, number three ako. Noong 2011 na festival, number two. So, it’s about time na, this time, number one.”

Nagkatotoo naman ang hulang ito ni Kris dahil sa ngayon ay nangunguna pa rin ang comedy film nila nina Vice Ganda at Ai-Ai delas Alas sa walong pelikulang kalahok sa 2012 MMFF.

(CLICK HERE to read related article.)

LAST YEAR OF ABS-CBN CONTRACT. Bukod sa pagtigil sa paggawa ng pelikulang pang-MMFF, nabanggit ni Kris na ngayong 2013 ang huling taon ng kontrata niya sa ABS-CBN.

Ayon sa kanyang Twitter post, “Last year of my ABS contract, my 18th year w/ ABS- want to make it special & meaningful.”

Wala namang nabanggit ang Kris TV host kung magkakaroon siya ng panibagong kontrata sa Kapamilya network.

Ngayong taon, bukod sa kanyang daily morning talk show na Kris TV, mapapanood din si Kris sa primetime teleserye na Kailangan Ko’y Ikaw. Makakasama niya rito sina Robin Padilla at Anne Curtis.

Muli rin siyang magiging judge sa susunod na season ng talent show na Pilipinas Got Talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga nakilalang programa ng ABS-CBN na naging bahagi si Kris ay ang weekly entertainment show na The Buzz at game shows na Game KNB? at Kapamilya Deal or No Deal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN