Gardo Versoza on meeting his "less than ten" love children: “Huwag na lang, kasi may kanya-kanya na silang mga buhay, meron na rin naman ako.”

Nakilala si Gardo Versoza sa mga daring at sexy movies hanggang nabigyan siya ng break na gumanap sa mga seryosong papel. Sa ngayon, nakatuon na siya sa bagong takbo ng kanyang career. Sabi niya: “Gusto kong mag-elevate naman as a director. And at the same time, acting rin sa vehicle na ididirek ko.”


Nakapagsimula na si Gardo Versoza sa isa sa mga pambungad na drama soap ng TV5 ngayong 2013ang Never Say Goodbye.

Kasama ni Gardo sa bagong teleserye na ito ang Superstar na si Nora Aunor, Cesar Montano, Alice Dixson, at ang Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gardo, sinabi ng aktor na nakapag-taping na siya sa Baguio kaeksena sina Nora at Vin.

Kuwento niya, “Sinabi ko sa kanya [Nora] na miss na miss ko na siya, kasi ang huli naming pinagsamahan yung Bituin [ng ABS-CBN]—matagal na yun.

“Sabi ko nga, ‘Mare, nakaka-excite kasi makakatrabaho kita ulit.’

“Sabi niya, ‘Oo nga.’ Tawa lang siya nang tawa.”



SCENES WITH NORA. Ano ba yung memorable moments niya with Nora?

“Yung mga times na… lalung-lalo na kapag kaming dalawa lang sa scene, lumalagpas kami palagi… so kina-cut.

“Parang ang haba ng tailend noong scene dahil nahihirapan mag-cut yung director [Mac Alejandre].

“Dahil alam mo naman si Ate Guy, pag gumawa ng eksena, iba talaga... sobrang ano, kaya hindi siya ma-cut nang basta-basta lang.

“And then, like… kapag siya ang kaeksena mo, magri-reciprocate ka na lang, e.

“Hindi mo na kailangang mag-effort kasi hindi siya maramot.

“Kumbaga, bigay siya nang bigay. Yun!

"Kaya nae-excite akong makasama ko siya uli nang buo at hindi yung maiksi lang.”

Yung eksena nila sa Baguio, magaan pa lang ba?

“Oo, hindi pa masyadong mabigat. Pero meron na ring intensity kahit paano.

“Pero hindi siya ganoon ka-intense. Kumbaga, parang wina-warm up lang yung attachment sa character namin sa isa’t isa.

“Mag-asawa kaming dalawa ni Ate Guy. Si Vin, anak namin.”

Hindi ba alangan iyong age difference para maging mag-asawa sila ni Nora? Si Gardo ay 43 years old habang si Nora naman ay 59.

“Hindi rin naman siguro,” tugon ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon kasi sa kuwento, parang hindi sinasadya yung pagkakataon, yung pangyayari, kaya nagkaroon kami ng encounter.

“Kasi, like, parang tinatakbuhan niya si Cesar. Tumakas siya, sinakyan niya yung truck.

“Tapos, doon siya inabutan ng panganganak sa truck.

“Kami yung parang… ako yung nandiyan noong mga times ng mga pinagdaanan niya—ako yung na-develop sa kanya.”

Sa pagkakaalam ni Gardo, si Cesar ang totoong asawa ni Nora at ito rin ang ama ng anak na ginagampanang karakter ng Superstar sa serye.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho ni Gardo kay Nora?

“Sa first day, enjoy! Sobra! Tapos kasi, malamig sa Baguio.

“Si Direk Mac, nakagamayan na, kaya masarap yung experience sa Baguio—first day sa Baguio.”

Kumusta naman si Vin?

“Si Vin kasi, nakasama ko na siya sa contest nila [Artista Academy] sa TV5. May ginawa kami… di ba, yung short film?

“Ano siya, masigasig at saka pursigido. So, feeling ko, makaka-deliver siya nang maayos.”



NOT EXCLUSIVE. Ano naman ang mga kaganapan sa estado ng career ni Gardo ngayon?

Sabi niya, “Awa ng Diyos, mukhang thankful ako. Okey ang mga roles ko.

“Hopefully, hindi magbago. Sana tuluy-tuloy lang.”

Lumalabas si Gardo sa lahat halos ng istasyon, kaya naitanong sa kanya kung saan siya talaga magpipirmihan.

Tugon niya, “Kung saan yung work. Wala naman ako na parang may preference.

“Thankful ako like yung, kunwari, binibigyan nila ng importansya yung trabaho ko.

“Sa akin, kung ano yung pagkakataon na kung saan may mas magandang offer, yung may ibibigay na trabaho… doon ako.”

Hindi naman siya namimili ng roles?

“Kung yung sa pili, hindi rin naman, e. Mas parang mapili ako sa mga indie [movies].

“Kasi, like kapag gagawa ka ng indie, marami kang factors na kinakailangang i-consider.

“Gaya ng... definitely, hindi ka puwedeng masyadong umasa sa budget.

“So, kinu-consider mo kung ano yung story, yung director. And kung sino yung mga makakatrabaho mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DARING ROLES. Kinalimutan na ba niyang gumanap ng mga daring roles?

Saad ni Gardo, “Puwede rin. Kaya lang kasi… siguro kung dumating man yung ganoong offer, kailangan talaga, naaangkop na.

“Hindi na yung the usual na alam natin before, na parang just for the sake of showing skin.

“Ngayon, parang mas maano… kung merong mas makabuluhang rason pag gagawin mo yung eksena.”



STABILITY. Sa mga halos kasabayan ni Gardo sa showbiz na sina Emilio Garcia at Jestoni Alarcon, nagpapasalamat siya at nananatiling aktibo pa rin ang mga acting career nila.

Paano ba nila napapanatili ang katatagan nila sa showbiz?

Sabi ni Gardo, “Siguro dahil na rin siguro sa body of work? And siguro, yung variation sa pag-interpret sa bawat role.

“Kasi like, minsan, ang mahirap, lalo na pag magkakasunud-sunod, baka hindi na nagkakaroon ng pagkakaiba yung mga roles or characters na ibinibigay.

“Like for me, as much as possible, inilalayo ko doon sa previous role na naibigay sa akin or nai-portray ko na.”

Gusto ba niyang tumanda sa showbiz?

“Oo. Yung mga gaya nina Mang Dolphy, ni Tito Eddie Garcia.

“Or kung hindi naman, gusto kong mag-elevate naman as a director.

“And at the same time, acting din sa vehicle na ididirek ko.

“Yung parang si Ricky Davao, na kahit nagdidirek, umaarte pa rin naman. Or mga Cesar Montano.”

Kailan niya uumpisahan ang pag-aaral ng directing?

“God-willing, sana ngayong taong ito, kahit indie or short film, pipilitin kong gawin.

“Yung mga nangyayari kasi sa akin, kaya nauudlot siya, masyadong mabibigat yung mga tema ng istorya na gusto kong i-tackle.

“Kaya feeling ko, pag hinawakan ko, dahil sa sobrang bigat niya, masasayang lang at hindi maipalabas.

“Sana hopefully, ipagkaloob ng Diyos ngayong 2013 ko magawa.”

May mga artista na ba siyang napupusuan sa unang indie movie na ididirek niya?

“Marami naman tayong magagaling na artista, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang magiging basehan lang, kung sakali ay yung magiging akma nila doon sa role na ibibigay mo.”



LOVE CHILDREN. Pagdating naman sa personal life ni Gardo, hindi naman niya iitinatago ang kanyang current girlfriend na si Ivy Vicencio.

Ito yung kasa-kasama niya palagi at ito rin ang pinagkakatiwalaan niya ng kanyang career.

Tumawa si Gardo pagkatapos niyang sabihin na kilala namin ang kanyang girlfriend at kung papaano tumakbo ang buhay niya sa showbiz.

“Alam mo naman kung ano ang pinagdaanan ko, kahit noong nagsisimula pa lang ako,” tukoy niya sa amin.

Alam ba ng girlfriend niya kung ilan na ang anak ni Gardo?

“Hindi ko na alam,” mabilis niyang sagot.

“Oo. Kasi, like noong kabataan ko, hindi mo naman masasabi na anak mo rin talaga…

“Dahil babae lang yung makakapagsabi kung ano yung totoo, e.

“So, parang sa akin, noong time na nadaanan ko noong kabataan ko, hindi ko kasi kontrolado.

“Part yun noong kabataan mo na mapusok ka… fight!

“Hindi mo iniisip iyong repercussion kung sakaling may mabuo.

“Unlike ngayon, hangga’t hindi ako sure na sure at hindi ko pinaplano, hindi ko na itinutuloy. Kumbaga, nag-iingat ako.

“Kasi more or less, napu-foresee ko kung ano ang magiging kinabukasan ng mga bata. So, mahirap.”

Sa sinasabing mga anak niya, ilan ba silang lahat?

“Siguro mga less than ten?” alinlangan niyang sabi.

Lahat ba iyon nakikita niya?

“Hindi,” sagot niya.

Pero alam ba Gardo na anak niya sila?

“Ahm… yung iba. And then nakakatawa… like, kapag ipinapakita ko sa kanya [Ivy], sinasabi niya na, ‘Hindi mo naman anak ‘yan. Hindi mo naman kamukha!’

“So, pag yung sasabihin mo naman na nasa lukso ng dugo… Hindi ko siguro nararamdaman dahil hindi ako ganoon kahilig sa bata.

“And then, like, parang inabot na siya doon sa pagkawala ng nanay ko.

“So, parang feeling ko, nag-stop na doon. Yun bang parang tama na yung lahat ng love, attention, pagmamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang nag-stop na lahat sa chapter ng nanay ko, noong nawala siya.”

Iyong tinatanggap na anak niya talaga, ilan sila?

“Hindi ko rin ma-sure, e,” iiling-iling niyang sabi.

“Mahirap kasi na parang pangungunahan mo, and then alam nung nanay kung sino talaga yung biological.

"So, mahirap mag-claim.

“Kumbaga, unless or otherwise ma-prove na ganyan-ganyan… parang DNA na ang daming prosesong pagdadaanan, na feeling ko…

“Huwag na lang, kasi may kanya-kanya na silang mga buhay, meron na rin naman ako.

“Not unless na gusto mo talagang balikan.

"Pero para sa akin… huwag na lang,” pag-iiwas niya.

“Parang okay naman sila—okay naman ako—so tama na yun.”

Walang anak si Gardo sa kasintahan niya ngayon. Hindi raw alam ni Gardo kung gugustuhin pa niyang magka-anak at malamang na hindi na rin.

Ayon sa kanya, hindi niya alam kung paano niya haharapin ang pagiging ama lalo’t lumaki siyang nanay lang niya ang karamay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN