Vice Ganda on the late Comedy King: “Kahit pagbali-baligtarin natin yung mundo, walang puwedeng sumunod na Mang Dolphy"

Ang latest movie ni Vice na kasali sa ongoing 2012 Metro Manila Film Festival, ang Sisterakas, na pinagbibidahan nila nina Ai Ai delas Alas at Kris Aquino, ang siyang top-grosser sa walong pelikulang naglalaban-laban sa filmfest.


Tatlong araw nang hindi napapanood sa noontime show na It’s Showtime ng ABS-CBN ang TV host/comedian na si Vice Ganda.

Sabi-sabi, umiiwas daw kasi si Vice sa co-host niya sa naturang show na si Kim Atienza. May tampuhan daw kasing namamagitan sa kanila ngayon.

Pero ayon kay Vice nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment writers kagabi, January 4, sa Packo’s Grill, wala raw itong katotohanan. Okey daw sila ni Kuya Kim.

“Yung ano yun e, siguro yung tinutukoy ng iba, yung nagdiskusyun kami tungkol dun sa bata. Wala yun.

“Actually, nag-uusap kami, nagpalitan pa kami ng regalo nung Pasko,” sabi ni Vice.

Ano ang niregalo niya kay kuya Kim?

“DVD ng mga pelikula namin (mga co-host nila sa Showtime), lahat na hindi niya pinapanood,” natatawang sagot ni Vice.

“Kasi lagi naming niloloko yun.

“Kapag ini-invite namin siya sa premiere night ng mga pelikula namin, hindi yun pumupunta.

“Niloloko namin siya, sinasabi namin, ’Wala ka naman talagang pinapanood na pelikula namin kasi puro imported ang pinapanood mo.’

“Kaya ayun, binigyan ko siya ng mga DVD ng pelikula namin.”

Ano naman ang regalo sa kanya ni Kuya Kim?

“Libro,” sagot ni Vice.

“Niloko ko siya. Sabi ko ‘Kuya Kim, alam mo namang hindi ako palabasa.’

“Sabi niya, ‘Kaya nga, para matuto kang magbasa.’”

About health daw ang librong ibinigay ni Kuya Kim kay Vice.

BACK TO WORK. Ang tunay na dahilan daw kung bakit hindi muna pumapasok si Vice sa It’s Showtime ay dahil gusto lang niyang makapagpahinga. Sobra raw kasi siyang napagod sa sobrang dami ng kanyang trabaho nitong nagdaang 2012.

Pero ngayong araw, Sabado, ay balik-Showtime na siya.

“Dapat Lunes pa talaga ang balik ko.

“Pero pinapabalik na ako ng director namin.

“Kasi nga si Anne [Curtis], wala pa rin,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GIFT OF LOVE. Kung nagregalo siya kay Kuya Kim, ano naman ang niregalo niya sa boyfriend niyang isang varsity player from FEU?

“Marami e, like washing machine," natatawang sagot ni Vice.

“Kasi kailangan ng nanay niya yun, e. Charot!”

Totoo ba na isang sports car ang regalo niya sa boyfriend niya?

“Hindi naman sports car, owner-type jeep lang,” natatawang sagot na naman ni Vice.

Peo binigyan niya dati ng Hummer yung boyfriend niya?

“Hindi ko siya binigyan ng Hummer.

“Ayun yung Hummer, gamit ko ’no!" Sabay turo nito sa kanyang sasakyan na nasa labas ng restaurant.

“Ayaw nga niyang sumakay dyan, kasi mainit daw yung sasakyan.

“Naku, pag nakita niyang nakasakay ako diyan, sasabihin niya, magta-taxi na lang daw siya."

E saan siya sumasakay?

“Magkahiwalay kami.

“Promise, hindi kami nagsasama sa isang sasakyan o lalabas kami na kaming dalawa lang.

“Marami kami kapag lumalabas kami,” eksplika ni Vice.

Ano ba ang sasakyan ng boyfriend niya?

“Hindi ko alam ang tatak, e.”

“Basta simple lang.

“Tama lang sa edad niya.

“Hoy, itigil na natin yung isyu tungkol sa sasakyan.

"Nung 2012 pa yan, hindi na matatapos-tapos yan, huh!" sabay halakhak na naman ni Vice.

Umabot na ba sa taon ang relasyon nila ng boyfriend niya?

“Oo ,may taon na,” kumpirma niya.

Ilang taon na sila?

“Ayoko, kasi iti-trace ninyo kung paano nagsimula ’noh?

“Basta may taon na!” diin niya.

Pabor ba siya sa kasalang lalaki sa lalaki na gusto na ring gawing batas ng ilang mambabatas?

“Hindi,” sagot ni Vice.

“Hindi naman sa hindi pabor, pero hindi ko kinukunsider yun.

“Yung parang deadma lang ako.

“Kung yung iba pabor, pero ako personally hindi ko kinukunsider talaga yun,” kinlaro niya.

Ang best friend ni Vice na si Kris Aquino ay hindi raw boto sa boyfriend niya para sa kanya.

“Sinasabi niya talaga sa akin, ‘I don’t like him!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron siyang like for me na hindi naman pup’wede,” dagdag niya.

NEXT COMEDY KING? Sikat na sikat na talaga ngayon si Vice. Lahat ng pelikulang ginawa niya ay kumita sa takilya.

Ang launching movie niyang Petrang Kabayo ay naging isang blockbuster sa takilya.

Ganundin ang nangyari nung ipalabas ang Praybeyt Benjamin, ang second solo movie niya, na sinasabing highest grossing Filipino movie of all time.

At ang This Guy’s In Love with You Mare!, na pinagsamahan nila nina Toni Gonzaga at Luis Manzano, ay humakot din ng malaking pera sa takilya.

Ang latest movie ni Vice na kasali sa ongoing 2012 Metro Manila Film Festival titled Sisterakas, na pinagbibidahan nila nina Ai Ai delas Alas at Kris, ang siyang top-grosser sa walong pelikulang naglalaban-laban sa filmfest.

Ito rin ang sinasabing pelikula na lalampas sa kinita ng Praybeyt Benjamin.

Dahil dito, sinasabi ng iba na si Vice na ang bagong Comedy King, dahil wala na raw ang original na may hawak ng titulong ito na si Dolphy.

Pero ayon kay Vice, ayaw niyang isipin na siya na nga ang bagong Comedy King.

“Hindi puwedeng mangyari yun.

“Ako na mismo ang nagsasabi na hindi ako puwedeng maging Comedy King.

“Si Mang Dolphy ang Comedy King.

“Walang pwedeng maging susunod na Mang Dolphy.

“Ako kasi, bilang respeto na rin dun sa totoong Comedy King na kawawala lang, may bago na agad pumalit sa kanya, di ba?

“At saka, there will be only one Mang Dolphy.

“Kahit pagbali-baligtarin natin yung mundo, walang puwedeng sumunod na Mang Dolphy.

“Walang next Mang Dolphy.

“At kahit ako, ayoko ring maging next Mang Dolphy kasi mahirap ‘yun, di ba?

“Why choose to be the next Mang Dolphy if you can be the first and last Vice Ganda, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN