John Lapus turns Kapamilya for new drama series; asserts, “Sa anim na taon na nasa Kapuso network ako, sila ang naging priority ko kahit wala akong exclusivity sa kanila.”

The ever-grateful Sweet speaks about his long and eventful stint with GMA-7: “Kahit wala akong exclusivity, still, may respeto ako sa mga taong nagdala sa akin sa GMA-7. Todo paalam ako sa kanila talaga and I make sure na walang conflict ang mga iyon sa mga ginagawa kong mga shows."


Maraming ipinagdasal ang gay comedian na si John “Sweet” Lapus sa pagpasok ng 2013. Una na rito ay ang tuluy-tuloy lang na pagdating ng trabaho sa kanya.

Inaamin ni Sweet na importante ang trabaho dahil marami ang umaasa sa kanya at ayaw niyang biguin ang mga ito.

Lahat naman tayo ayaw mawalan ng trabaho. Yun ang parating hiling nating lahat, ‘di ba?

Hindi naman kaila sa lahat na breadwinner ako ng pamilya namin. May mga pinag-aaral akong mga pamangkin ko at may mga bayarin tayo. ‘Yung bahay ko, binabayaran ko pa rin siya.

Kaya noong pumasok ang 2013, talagang wish ko ay ang tuluy-tuloy lang na trabaho.

Natutuwa naman ako na hindi pa man pumapasok ang Bagong Taon, may mga naka-line-up na, kaya sobra ang pasasalamat ko sa Panginoon,” bungad ni Sweet sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa Viva Entertainment office sa Pasig City kamakailan.

Ngayong January 2013 ay tampok si Sweet kasama sila Philip Lazaro, Ador, Petit, at Kim Idol sa unang handog ng Vivand Productions, Inc. na Queers Of Comedy. Mula ito sa panulat at direksyon ni Andrew de Real.

Magaganap ito ngayong January 18 at 19 sa Music Museum.

Sabi ni Sweet, “Masaya ito kasi sisimulan namin ang taon na patawa talaga. Kaya nakakatuwang isipin na nagsanib-puwersa ang Viva Entertainment at si Mamu Andrew para mabuo ang Vivand Productions.

Puro mga live comedy acts ang gagawin ng Vivand, at kami nga nila Philip, Ador, Petit, at Kim ang pa-buena mano,” paliwanag pa ni Sweet.

Kabilang nga sa ipo-produce pa ng Vivand ay ang comedy act ni Candy Pangilinan na Candy’s Be U? at ang Tit For Tat 2013 Reloaded na tampok sila Nanette Inventor at Mitch Valdes.


HUMBLE BEGINNINGS. Kuwento pa ni Sweet na malaki ang respeto at pasasalamat niya kay Andrew de Real dahil ito ang unang nagbigay ng break sa kanya sa paglabas sa live comedy act.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang comedy stand-up ko ay sa The Library. Nakatuwaan ako ni Mamu noon kaya binigyan niya ako ng break,” balik-tanaw niya.

Tandang-tanda ko pa na sobra akong kabado noon. Kahit showgirl na ako sa ibang tao at taga-teatro ako, hindi ko pa nasubukan ang mag-stand up [comedy].

Salamat sa Diyos at na-survive ko iyon. Though awkward noong una, marami akong natutunan pa. Kaya nagtuluy-tuloy na iyon magpahanggang ngayon.

Kaya nga ‘yung mga Sweet series ko since 2007, laging kabahagi diyan si Mamu. Siya ang nagsimula ng lahat for me sa ganyan, kaya tama lang na suportahan ko rin siya sa unang venture nila for Vivand.”


CROSSOVER QUEEN. Nagsimula na nga ng taping si Sweet para sa bagong ABS-CBN drama series na Kahit Konting Pagtingin, kunsaan bida si Angeline Quinto.

Last year pa isiniwalat ni Sweet na bumalik na siya sa Kapamilya network dahil binigyan siya ng pagkakataong mapasama sa bagong series.

Since wala naman daw maibigay sa kanyang show sa Kapuso network, minabuti ngang tanggapin ni Sweet ang trabahong iyon.

Dala na rin nang pangangailangan iyon!” sabay tawa niya.

Ako naman ay very honest. Talagang kailangan natin ng work na regular.

Though I appreciate na may mga guestings pa rin ako sa GMA-7, siyempre, hindi naman sapat iyon para sa mga kailangan nating bayaran buwan-buwan.

Just so happens na may offer sa akin ang Dos, maganda ang role at series siya, so tinanggap ko.


’EXCLUSIVELY YOURS, SWEET.’ Pagkaklaro ni Sweet, “Siguro naman, walang makakapagsabi or kukuwestiyunin ang pagiging loyal ko for six years sa GMA-7.

Sa anim na taon na nasa Kapuso network ako, sila ang naging priority ko kahit wala akong exclusivity sa kanila.”

Inamin din ni Sweet na nagparamdam daw siyang gusto na niyang maging exclusive sa GMA-7.

Malaki ang pasasalamat kasi niya sa Siyete dahil inahon siya ng network noong wala siyang regular na trabaho sa Dos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fairness naman, kahit na wala akong exclusivity noon with GMA-7, hindi ako tumatanggap ng ibang projects,” diin niya.

Kasi nga there was a time na tatlo-tatlo ang shows ko with GMA-7. Meron akong Showbiz Central, Show Me Da Money, at may drama series pa ako.

Kaya dun ko ’pinakita ang loyalty ko sa station na pinagtatrabahuan ko.

Ang ginawa ko lang naman ay guest roles for one episode ng Wansapanataym at Ikaw Ay Pag-ibig sa Dos. At ‘yung Talentadong Pinoy sa TV5.

Tinanggap ko lang naman iyon dahil walang conflict sa mga shows ko with GMA-7.

Kahit na nga hindi ako exclusive, nagpaalam pa rin ako para gawin ang mga ‘yan.

Kahit wala akong exclusivity, still, may respeto ako sa mga taong nagdala sa akin sa GMA-7. Todo paalam ako sa kanila talaga and I make sure na walang conflict ang mga iyon sa mga ginagawa kong mga shows.”


WHO MANAGES SWEET? Isang rason nga raw kung bakit hindi siya puwedeng gawing exclusive ng GMA-7 ay dahil under contract pa rin daw siya with Star Magic ng Dos.


Ang Star Magic, na pinangungunahan ni Johnny Manahan as chairman emeritus, ang nagma-manage kay Sweet.

Paliwanag ni Sweet: “’Yung sa Star Magic naman, para lang naman sa pelikula iyon. I see no problem with that.

May sarili naman akong manager for GMA-7, na si Ricky Gallardo.

Pero alam ko na ginawa ng manager ko ang best niya na ihanap ako ng regular show sa GMA-7.

Nataon talaga na wala, kaya sa iba kami humanap ng trabaho, since wala naman akong kontrata with them.”


MOVIE PROJECTS. Sa nagdaang 2012, very thankful pa rin si Sweet dahil kahit na nawalan siya ng show, umariba naman daw siya sa paggawa ng pelikula.

Isa nga sa biggest hits ng 2012 ay ang pelikula niya na Moron 5 and The Crying Lady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasundan pa ito ng Of All The Things, The Mommy Returns, at ang Metro Manila Film Festival entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si AKO.

May ginawa rin siyang dalawang indie films na Posas at Mariposa Sa Hawla Ng Gabi.


Naging productive naman ang 2012 para sa akin. Kaya wala akong dapat na ikalungkot.


Every year naman, I pray na mas gumanda pa. Kung may magandang sorpresa, might as well!” tawa pa niya.

Kasalukuyang sinu-shoot nga ni Sweet ang kanyang second lead movie para sa Viva Films, na may titulong Girl Boy Bakla Tomboy under box-office hit director Wenn Deramas.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN