Annabelle Rama uses Twitter to defend son Richard Gutierrez’s girlfriend Sarah Lahbati, but gives in to GMA in the end

After relating the story she knows about Sarah Lahbati’s alleged "walkout" incident on the set of Indio, Annabelle Rama ended her long Twitter post with this: “I will just light a candle and pray na sana matapos na lahat ng gulong ito.”


Nagsalita na ang talent manager na si Annabelle Rama sa pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu ni Sarah Lahbati at ng GMA Artist Center, ang talent agency na humahawak ng career ni Sarah simula nang mag-umpisa ito sa showbiz.

Sunud-sunod na post ni Annabelle sa kanyang Twitter account (@annabellerama2) simula noong January 4.

Una niyang nilinaw na hindi siya dapat masangkot sa gulong ito.

Aniya, “[A]yaw kong makialam sa gulong yan. Everytime na may gulo sa GMA 7, palagi na lang ako isinasangkot, palagi na lang akong kontrabida na di ko naman naranasan noong dalaga pa ako at nag-aartista pa lang.”

Pagkatapos, ipinagtanggol ni Annabelle si Sarah, “Wala akong kinakampihan, pero naaawa lang ako kay Sarah.

“Masyado pa siyang bata para sa ganitong klase ng gulo."

Dagdag ni Annabelle tungkol sa 19-year-old Kapuso talent, “Parang si Ruffa ang tingin ko sa kanya. Napamahal na rin sya sa akin.”

Matatandaan na noong Huwebes, January 3, naglabas ng sama ng loob sa GMA Artist Center si Sarah sa kanyang personal Twitter account (@SarahLahbati).

Kasabay nito ay sinabi niya na pumirma na siya sa Royale Era Entertainment & Artist Management, ang talent agency ni Annabelle, para maging co-manager ng kanyang showbiz career.

(CLICK HERE to read related article)

Kasunod nito, nagbigay naman ng official statement ang GMA Network tungkol sa isyu na nagsasaad ng “violation of contract” umano ng Ultimate Female Survivor ng StarStruck V.

Nabanggit din sa statement na ito ang diumano’y pagwo-walkout ni Sarah sa ginagawa nitong teleserye, “which caused the production team to pack-up, and incur an additional cost of 500k."

(CLICK HERE to read related article)

Si Sarah ay bahagi ng upcoming fantaserye ng GMA Network na Indio, na tinutukoy sa naturang isyu.

Ipinaliwanag naman ito ni Sarah sa mga Twitter post niya kahapon, January 5. Sinabi niya na, ““I NEVER WALKED OUT”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related article.)


ANNABELLE DEFENDS SARAH. Sa labing-siyam na Twitter post ni Annabelle kanina, sinuportahan niya ang mga paliwanag ni Sarah tungkol sa “walkout” issue.

Ito ang kanyang mga Twitter posts:

“8) hindi ko alam ang punot dulo ng problema nilang mag ina sa network, I just read Gorgy’s [Gorgy Rula] write up now. He interviewed ang staff ng Indio

“9) regarding walk out issue ni Sarah. In fairness, ang sinungaling yung staff ng fantaserye. I remember that incident. Sarah called me ng

“10) me ng 3:30 am, crying. Sabi nya, almost 12 hours na sya sa set, pero di pa rin sya nakukunan, may Eat Bulaga pa sya at maaga ang

“11) ang calltime, pero hindi nya ma-contact ang handler nya, kaya ako na lang ang tinawagan nya para makiusap sa EP ng Indio, kaya I called

“12) up Camille, yung EP, and asked her kung bakit di pa nakukunan si Sarah at almost 4am na! Ang sagot nya marami

“13) pa kasing ibang kinukunan. I told her, bakit di mo na lang sya inischedule ng 1am, kawawa naman naka costume pa habang napakatagal na

“14) naghihintay? Parang tinortorture nya si Sarah, kaya umiral ang pagkananay ko. Nagalit ako. Sabi ko, bawal yang ginawa mo. Ang tao,

“15) kailangan din matulog, kung ikaw kaya magsout ng costume at lagyan ng corona sa ulo at maghintay ng almost 12 hours, matutuwa ka?

Pagkatapos ay nakiusap si Annabelle sa mga taong sangkot sa isyu na sana ay magsabi sila ng totoo.

“16) sana yung mga taong involved, dont invent stories, wag kayong sipsip. Ayaw kong inaapi nyo ang mga baguhan sa showbiz. Palagi na lang

“17) tinatakot ang mag ina. Sa totoo lang, pinipigilan ko silang umalis dahil kay Richard at sa Seduction movie at alam kong malulungkot si

“18) Richard.kaya nag suggest ako sa network kung pwede si Sarah na lang ang leading lady ni Richard sa next soap, pero malalim na pala ang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“19) problema nila sa network, kaya wala na akung magawa.”

Sa huli, umaasa na lamang si Annabelle na maayos ang isyu sa pagitan ni Sarah at ng GMA Artist Center.

“I will just light a candle and pray na sana matapos na lahat ng gulong ito,” pagtatapos ni Annabelle.

FULL TWEETS OF ANNABELLE. Narito ang sunud-sunod na posts ni Annabelle sa kanyang Twitter account mula kahapon, Enero 4.

“1) Lots of people called & texted me, including my relatives in the US, asking regarding the Sarah & GMA 7 sagutan sa Twitter

“2) involved daw ang name ko

“3) napilitan tuloy akong basahin thru my friend’s phone. I’’m super busy here in Cebu kaya di ko na nababasa ang mga tweet

“4) ayaw kong makialam sa gulong yan. Everytime na may gulo sa GMA 7, palagi na lang ako isinasangkot, palagi na lang akong kontrabida

“5) na di ko naman naranasan noong dalaga pa ako at nag-aartista pa lang

“6) wala akong kinakampihan, pero naaawa lang ako kay Sarah, masyado pa siyang bata para sa ganitong klaseng gulo. Kabibirthday lang nya 2

“7) months ago, 19 years old lang siya, only daugther. Parang si Ruffa ang tingin ko sa kanya. Napamahal na rin sya sa akin.

“8) hindi ko alam ang punot dulo ng problema nilang mag ina sa network, I just read Gorgy’s write up now. He interviewed ang staff ng Indio

“9) regarding walk out issue ni Sarah. In fairness, ang sinungaling yung staff ng fantaserye. I remember that incident. Sarah called me ng

“10) me ng 3:30 am, crying. Sabi nya, almost 12 hours na sya sa set, pero di pa rin sya nakukunan, may Eat Bulaga pa sya at maaga ang

“11) ang calltime, pero hindi nya ma-contact ang handler nya, kaya ako na lang ang tinawagan nya para makiusap sa EP ng Indio, kaya I called

“12) up Camille, yung EP, and asked her kung bakit di pa nakukunan si Sarah at almost 4am na! Ang sagot nya marami

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“13) pa kasing ibang kinukunan. I told her, bakit di mo na lang sya inischedule ng 1am, kawawa naman naka costume pa habang napakatagal na

“14)naghihintay? Parang tinortorture nya si Sarah, kaya umiral ang pagkananay ko. Nagalit ako. Sabi ko, bawal yang ginawa mo. Ang tao,

“15) kailangan din matulog, kung ikaw kaya magsout ng costume at lagyan ng corona sa ulo at maghintay ng almost 12 hours, matutuwa ka?

“16) sana yung mga taong involved, dont invent stories, wag kayong sipsip. Ayaw kong inaapi nyo ang mga baguhan sa showbiz. Palagi na lang

“17) tinatakot ang mag ina. Sa totoo lang, pinipigilan ko silang umalis dahil kay Richard at sa Seduction movie at alam kong malulungkot si

“18) Richard.kaya nag suggest ako sa network kung pwede si Sarah na lang ang leading lady ni Richard sa next soap, pero malalim na pala ang

“19) problema nila sa network, kaya wala na akung magawa. I will just light a candle and pray na sana matapos na lahat ng gulong ito

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng GMA Network at mga taong sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN