Willie Revillame’s new noontime show, Wowowillie, premieres January 26 on TV5

Willie Revillame bids farewell to his loyal viewers with a big promise: “Magpapaalam ang Wil Time Bigtime, pero magbubukas ang bagong programa na mas masaya at mas bibigyan kayo ng tunay na pagmamahal.”


Masaya at high energy ang mood sa studio ng Wil Time Bigtime sa pagtatapos nito sa ere kagabi, January 5, 2013.

Matatandaang inanunsiyo ni Willie Revillame noong nakaraang Disyembre na hanggang unang linggo na lang ng Enero ang kanilang show, dahil lilipat na nga sila sa bagong timeslot at bago na rin ang pangalan nito.

Aalis na rin sila sa TV5 Novaliches Studio at lilipat na sa kasalukuyang nire-renovate na TV5 Delta Studio.

Matapos niya kantahin ang kanyang mga hit songs, nangako si Willie sa lahat ng tao sa studio na wala sa kanilang uuwing luhaan. Matapos nito ay ipinamigay naman niya ang lahat ng mga giveaways na bigay ng kanilang mga sponsors.

Sa emosyonal na pamamaalam nito, sabi ni Willie, “Salamat sa inyong lahat na nagmamahal sa aming programa, thank you so much. Itong last day natin, simula palang ito ng bagong programa.”

“Magpapaalam ang Wil Time Bigtime, pero magbubukas ang bagong programa na mas masaya at mas bibigyan kayo ng tunay na pagmamahal.”

Hindi naman magkamayaw ang sigawan ng mga tao sa studio ng Wiltime.

Matapos ang mainit na palakpakan, ipinakita ni Willie ang bagong logo ng nakatakdang magbubukas na show na Wowowillie.

Aniya, “Ipapakita ko lang sa inyo ang bagong programa na magbubukas sa January 26, 11:30 a.m.”

Sa pag-roll ng VTR, ang tunog ng bago nitong theme song ay katunog ng dating show naman nitong Willing-Willie.

Kulay dilaw ang ‘Wowo,’ samantalang kulay pula naman ang ‘Willie’ na bumubuo sa titulong Wowowillie.

Dagdag pa ni Willie, “Yan po ang bagong title ng ating programa na magsisimula na sa January 26, 11:30 a.m., dito po sa TV5. Diyan na po tayo sa Delta Theater.

“So January 26, ito pong araw na ito ay aking asalto, bago ako magkaarawan dahil ang birthday ko ay January 27.

“So sa lahat po ng pupunta dun, ako ang magreregalo sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Luzon, Visayas, Mindanao, kapiling naming kayo, live feed po tayo doon, may mga hosts kaming ipapadala doon.

“Sana ang mananalo ng one million [pesos] sa studio ng Wowowillie ay mananalo rin sa Visayas at Mindanao.

“’Yan po ang gusto namin. Sa aking kaarawan, ako ang magreregalo.”

Tatakbo ng tatlong oras ang show araw-araw, mula 11:30a.m. hanggang 2:30 p.m. sa TV5.

Makakatapat ng Wowowillie ang Eat Bulaga! ng GMA-7 at It’s Showtime ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN