Thea Tolentino admits crush on Alden Richards; the Teen Gen star wants to follow footsteps of Marian Rivera

Malaki ang ipinagbago ng lifestyle ng female Protégé winner Thea Tolentino. Ayon kay Thea, "Dati ang damit ko naka-polo shirt lang ako at tokong, pero ngayon dapat yung girl na girl na talaga."



Unlike Jeric Gonzales na first runner-up sa Ginoong Laguna 2012, never nakaranas sumali sa kahit na anong pageant si Thea Tolentino.

Kapwa Protégé winners sina Thea at Jeric.

Ngayon ay parehong nasa youth-oriented show ng GMA-7 na Teen Gen (aired Sundays after Party Pilipinas) sina Thea at Jeric, kung saan gumaganap si Thea bilang si Angge.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Thea kamakailan, tinanong namin ang newcomer kung ano ang pinakamalaking pagbabago sa buhay niya pagkatapos ng Protégé at ngayong nasa Teen Gen na siya.

“Ano po, nagkaroon po ako ng self-confidence.

"Hindi gaya dati na sobrang mahiyain ako, na talagang lagi na lang akong nasa isang sulok at tahimik lang, hindi kikibo pag hindi kinausap.

“Ngayon, iyon nga, nagkaroon ako ng self-confidence.

“And thankful po na nagtiwala yung mga tao sa akin.”

Bukod doon, pati ang lifestyle ni Thea ay nagbago.

“Dati po, ano after school, pumupunta po kami ng mall, sa SM, namamasyal kami ng mga kaibigan ko.

"Pero ngayon hindi na ako nakakapunta, kasi iyon nga, in-advise ako na huwag masyadong pumunta sa malls. Kaya iyon, hindi na rin ako pumupunta.

“At saka dati ang damit ko naka-polo shirt lang ako at tokong, pero ngayon dapat yung girl na girl na talaga!” ang natatawang sinabi pa ni Thea.

JERIC GONZALES. Going back to Jeric, kumusta na sila?

“Okay lang po.”

Nanliligaw ba si Jeric sa kanya?

“Ay, hindi po,” at muling tumawa si Thea.

“Natawa lang po ako, e.”

Nakakatawa ba kung liligawan siya ni Jeric?

“Opo.

“Kasi po, wala, kuya ko siya, hindi ko naman po ma-imagine na manliligaw po siya,” diin ng dalaga.

Sila ba ang next Angelu de Leon at Bobby Andrews?

“Puwede,” at muling tumawa si Thea.

What if manligaw sa kanya si Jeric, ano ang magiging reaksiyon niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, sobra pong magugulat kasi ang tingin ko lang talaga sa kanya... kuya, ganyan... friend.”

Apat na taon ang agwat nila; sixteen si Thea at twenty si Jeric.

NEXT MARIAN? Sino kayang female star ang gusto ni Thea na sundan ang mga yapak?

“Gusto ko pong maging kasing-galing ni Marian Rivera.

“Kasi po talagang versatile actress siya, tapos talagang lume-level-up siya, kada role sa iba’t ibang palabas,” tugon niya.

Kung dumating na ang panahon na bibigyan siya ng solo or launching project, sino ang gutso ni Thea na makapareha?

Aside from Jeric, of course…

“Kahit… wala pa po akong in mind kung sino ang puwede.

"Pero kung papipiliin po ako, yung comfortable na ako, puwede pong si Mikoy Morales, yung sa Protégé rin po.

"Or si Alden Richards, kasi naka-partner ko na rin siya sa [Protégé] gala."

At ayon kay Thea, crush niya niya si Alden.

“Kasi ang bait niya, tapos ayun makuwento siya, talagang siya ang nagkukuwento ng mga pinagdaanan niya sa showbiz,” sabik niyang banggit.

Thea’s dream role?

“Wala pa po akong naiiisip. Wala po, basta gusto ko lang po yung mga dramatic roles, tulad ng mga ginagawa ni Marian.”

Five years ang kontrata ni Thea sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN