Miles Ocampo admits: "Kiligin ako sa lahat ng bagay, hindi lang po sa lalaki. Minsan may mag-tweet lang sa akin, kinikilig na ako."

Isa pa raw sa talagang nakapagpasaya kay Miles at sa kanilang lahat sa LUV U ay nang mabigyan sila ng rekognisyon at magawaran ng Best Youth-Oriented Show ng PMPC Star Awards for TV kahit wala pa silang isang taon.


Isa sa cast ng Sunday youth-oriented show ng ABS-CBN na masarap kausap ay si Miles Ocampo.

Palagi itong nakangiti at masayahin.

Nang makausap nga siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang sa set ng LUV U, nasabi niyang masaya niyang tatapusin ang 2012 at excited naman siya sa kung ano ang meron para sa kanya sa bagong taong ito.

"Masaya po, sobra kasi 4th season na namin at magkakaroon na ng 5th season," saad ni Miles.

Sa February na ang ika-5th season ng LUV U at yun din ang magiging ika-unang anibersaryo ng naturang youth-oriented show ng ABS-CBN.

Ayon kay Miles na isa sa bida ng show, hindi raw nila inasahang lahat na tatagal sila at aabot ng isang taon.

"Hindi po, hindi po talaga," saad niya.

"Noong una rin po, hindi ko ine-expect na matutuloy siya. Kasi ’di ba po kapag may show, hindi ka po sure kung eere siya.

"Minsan nga po kahit naka-ere na, natsu-tsugi pa. Kaya sobra ko pong saya na ganoon ang pagtanggap ng tao, na nagustuhan nila.

"Ang saya-saya po."

AWARD. Isa pa raw sa talagang nakapagpasaya kay Miles at sa kanilang lahat sa LUV U ay nang mabigyan sila ng rekognisyon at magawaran ng Best Youth-Oriented Show ng PMPC Star Awards for TV kahit wala pa silang isang taon.

Ayon nga kay Miles, "Noong nagsasalita nga po ako sa stage, para kang natutulala. Feeling ko naiiyak ako. Sobrang saya, promise.

"Eh kinabukasan po ng awards night, taping namin. Parang lahat po kami grabe ang energy noon."

COMPETITION. Nang magsimula ang LUV U may katapat silang youth-oriented show rin sa Kapuso network tuwing Linggo ng hapon.

Nang magwakas ito, may itinapat din sa kanila pero hindi nga lang nagtagal.

Ngayon, may bago na naman silang katapat tuwing Linggo ng hapon.

Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre po, yung kaba namin, nandoon po talaga. Siyempre kinakabahan pero tine-take namin as motivation para sa trabaho namin, eksena namin."

Hindi naman daw ito kino-konsider ni Miles bilang kumpetisyon.

"For me, hindi siya kumpetisyon. Pare-parehas lang natin sine-share ang talents natin. Parehas lang nating pinapasaya ang mga tao.

"Pero siyempre po, may kanya-kanya tayong paraan kung paano natin sila mapapasaya.

"So, para sa akin, mas lalo ko lang siyang pinag-iigihan. Nilalagay ko lang sa puso ko ang trabaho ko.

"Ganoon naman po, kapag nilagay mo sa puso, mas magiging maganda ang resulta talaga."

SUCCESS FORMULA. Sa palagay ni Miles, ang pagiging close raw nilang lahat sa LUV U ang isa sa magandang formula nila sa show.

"Siguro po feeling ko, natural na lang kami sa isa’t-isa tapos po yung sitcom namin very light lang.

"Yung Sunday, ’di ba po, pagdating ng Sunday parang yun na ang time mo pangpa-rest, pangpa-relax.

"At saka, family na po talaga. Sobrang close na namin, yung director kung may ideas kaming gustong i-share dahil close kami, okay rin po, puwede."



LOVE BLOOMS? Ang ka-loveteam naman ni Miles sa LUV U ay si Marco Gumabao.

May balita na lumalabas na raw sila at tila pumoporma na si Marco sa kanya.

Napa-"Wow, hindi po!," natatawang sabi niya.

"Ini-enjoy lang po namin ang isa’t-isa kada-taping. Kapag magti-taping po kami ’di ba minsan ngayon magka-away si JB (Marco) at Camille (Miles) kapag magka-eksena po kami at magtitinginan kami sa eksena, nagkakatawanam po kami, hindi namin alam kung bakit."

Nagkakaselosan din ba sila kasi sa LUV U mismo?

Tila yung mga fans naman nila ang naapektuhan yata sa pagsulpot ni Karen Reyes sa show at sa loveteam nila.

Ayon naman kay Miles, "Selos? Wala naman po," natawa niyang sabi.

"Pero kapag nagbabasa ng script, nandoon yung ’Ay, nakakakilig naman!’ Minsan nakakaawa sila kasi mahal naman nila ang isa’t-isa bakit sila nag-aaway?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinikilig siya?

"Kiligin ako sa lahat ng bagay," natatawa niyang sabi.

"Hindi lang po sa lalaki. Kahit saang bagay, kiligin ako. Minsan may mag-tweet sa akin, kinikilig ako."

Si Marco, nakikitaan ba niya ng extra sweetness sa kanya?

"Opo, meron naman po. Hindi katulad noong mag-workshop kami kay Direk Laurice Guillen na kailangan naming mag-konek, wala, wala talagang koneksiyon.

"Hindi ko siya matitigan, hindi siya nagsasalita. Sabi ko, paano kaya ’to magwo-work?

"Pero after a while, okay na, masaya na kami sa isa’t-isa."

’MOMMY’ KRIS. Magkasama rin sila at magka-loveteam sa up-coming primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw kasama nila sina Kris Aquino, Anne Curtis at Robin Padilla.

Kumusta naman sila sa unang teleserye nilang dalawa na magkasama?

"Ang saya-sayang mag-taping," bulalas niya.

"Si Marco po, twice pa lang siyang makapag-taping, ako ang madalas."

Si Miles ang gumaganap na anak ni Kris sa serye.

"Super bait niya, grabe," saad nito.

"Noong una po siyempre, super kabado, hindi ako makatitig sa kanya.

"Eh, ang eksena po namin mag-nanay, may kontak, ganyan... hindi ko po siya matingnan.

"Pero habang tumatagal, grabe, super bait niya. At siya po ang bago kong bantay sa diet, si Ms. Kris," natatawang kuwento niya.

"Tatanungin niya po ako, what did you eat? Super concern din siya sa akin, nakakaloka, yun po... ang bait niya pong talaga. Kahit sa Twitter, nagkaka-DM po kami.

"Ang tawag niya po sa akin, ’Anak’ o kaya, ’Ate,’ kasi yun po ang tawag niya sa akin sa soap."

LOOKING AHEAD. Kung noong 2012, ang pagkakaroon ng LUV U ang itinuturing ni Miles na blessing niya bukod pa rito ang teleserye nila na ngayong taon pa lang ipapalabas, ngayong 2013, ano naman ang mga nilu-look forward niya?

"Mas excited po ako sa LUV U at kung ano ang mga twist na puwedeng mangyari at kapag nag-start na po ang KKI, excited na po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, tinanong naman namin siya kung ano ang naging New Year’s Resolution niya.

Aniya, "Parang sa LUV U nga po kasi ngayon, si Camille, binigyan niya ng second chance si JB.

"So, ganoon din po, maging mapagpatawad po kahit sa totoong buhay. Kasi, hindi naman po porke’t nagkamali, hindi ba puwedeng bigyan ng second chance.

"At sa pag-aaral ko po, minsan nali-late po ako, hindi na nakakakuha ng quizzes kaya mas pagbubutihin ko pa po ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN