Gerald Anderson appeals for end of discussion about Sarah Geronimo: “For the last time po, sana tama na.”

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang young actor na si Gerald Anderson kaugnay ng naging mga pahayag ni Sarah Geronimo sa naudlot na panliligaw ng young actor sa Pop Princess. Ngunit nilinaw ni Gerald na wala siyang sama ng loob kay Sarah at sa mga magulang nito.


Sa nakaraang Thankgiving party ni Sarah Geronimo para sa press, nausisa siya tungkol sa naudlot na panliligaw sa kanya ni Gerald Anderson.

Malalim, makahulugan, at emosyonal ang mga binitiwang salita ni Sarah tungkol sa kinahinantnan ng relasyon nila ni Gerald.

Hindi itinago ng Pop Princess na nasaktan siya sa nangyari sa kanila ng young actor dahil hindi raw napanindigan at naipaglaban ni Gerald ang nararamdaman nito para sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Kahapon, January 6, sa ASAP 2013 ay sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ni Gerald sa naging pahayag ni Sarah.

Pero nakiusap ang Kapamilya star na huwag na siyang usisain tungkol dito.

Aniya, “For the last time po, sana tama na.

“Respetuhin na lang natin.

"Yun na lang ang sasabihin ko, ayoko nang humaba pa."

Sinundan namin ng tanong si Gerald kung may sama ba siya ng loob sa pamilya Geronimo, o mismong kay Sarah, sa mga binitawan nitong pahayag tungkol sa kanya.

“Wala, never, never,” tugon niya.



NEW TELESERYE. Samantala, pagdating sa kanyang career, Budoy pa ang huling teleseryeng ginawa ni Gerald sa Kapamilya network.

Nagsimula ito noong October 2011 at nagtapos noong March 2012.

Pagkalipas ng halos ng isang taon ay muling mapapanood si Gerald sa isang drama series sa pamamagitan ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Makakasama niya rito sina Maricel Soriano, Dina Bonnevie, Diana Zubiri, Cristine Reyes, Tonton Gutierrez, at Rayver Cruz.

“Nag-TVC [commercial] shoot na kami so sana abangan ninyo," banggit ni Gerald.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa Diamond Star na si Maricel?

“Okay naman. Kinakabahan ako, pero kumbaga, dahil sa kanya, mas naging kumportable ako.

“Christmas gift ko para sa lahat ‘yan. Next week kami mag-i-start mag-taping.”



CHRISTMAS & NEW YEAR. Paano niya ipinagdiwang ang katatapos na Pasko at Bagong Taon?

“Okay naman. Baguio ako... Baguio kami ng family ko—mom ko, mga friends ko, kapatid ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala si Daddy, pupuntahan ko sana pero di ako natuloy.

“Nag-celebrate kami dun pero mabilis lang kami.

"We had fun, nag-share ng blessings," lahad ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN