Heart Evangelista on boyfriend Senator Chiz Escudero: “He’s very sweet to me. He visits me all the time.”

Sa darating na kaarawan ni Heart Evangelista sa February 14 ay wala na raw siyang ini-expect o hihilingin pa. Sabi niya: “I don’t have great expectations. I’m just happy with whatever comes my way. Wala na rin akong gusto pang i-wish. Kumpleto na ako—I’m just living my life.”


Naniniwala si Heart Evangelista na maganda ang panimula ng kanyang career sa taong 2013.

Pinagbibidahan niya ang bagong afternoon series ng GMA-7 na Forever, kung saan leading man niya si Geoff Eigenmann.

Excited na nga raw siya habang hinihintay ang nalalapit na pag-ere nito.

“It’s not a common soap. Ito, iba talaga iyong kuwento—bago pa lang siya nagawa,” masiglang sabi ni Heart nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, Sunday, January 6.



SUPPORTIVE BOYFRIEND. Umpisa na naman na maging abala si Heart, pero ayon sa aktres, okay lang daw ito sa boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero.

“All the way ang support niya,” nangingiting sabi ni Heart.

“Ako naman, all the way din ang support sa kanya.

"When I’m busy or he’s busy, we make time for each other.

“And he’s very sweet to me. He visits me all the time.

“I’m very happy right now. In all areas of my life, everything is good these days.

“Thank you, Lord!” sabay tawa niya.

Patuloy niya, “Regarding work, for now I’m okay with Forever, Watta Job, and Party Pilipinas.

“Medyo napagod ako doon sa Sosy Problems na may mga iba pa akong ginagawa noong time na nagsu-shoot kami.

“So happy na ako doon sa tatlong shows na ginagawa ko ngayon—okay na ako doon,” saad ni Heart.



GOALS. Priority pa rin ba niya ang career sa ngayon?

“Uhm… priority ko iyong sarili ko, I think.

“But not in a selfish way. More of… I have goals.

"I’m turning 28 this February [14], so I need to do what I need to do now. And the rest will just follow.”



NO EXPECTATIONS. Mayroon ba siyang plano sa nalalapit na pagse-celebrate niya ng kanyang kaarawan?

“I don’t really have plans. Actually, parang intimate dinner lang ang gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon lang naman. I don’t want anything big.”

Paano kung bigla siyang isorpresa ni Senator Chiz on her birthday?

“Well, thank you so much!” nangiting reaksiyon ni Heart.

“Pero hindi ako nag-i-expect. This year, I don’t expect.

“I don’t have great expectations. I’m just happy with whatever comes my way.

“Wala na rin akong gusto pang i-wish. Kumpleto na ako. I’m just living my life.

“I’m living the good things that are happening in my life—no expectations at all.

“Dati, gusto ko ng ganito o ganyan; ngayon, nothing.

“I’m just really happy. I’m healthy. I’m happy with my family and my personal life.

"Everything is just great. So, happy na ako sa ganoon,” panghuling nasabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN