Ritz Azul on Kidlat leading man Derek Ramsay: “Ramdam na ramdam ko nga yung muscles niya, e!”

Natupad daw ang pangarap ni Ritz Azul na makapareha si Derek Ramsay sa isang proyekto. Saad niya, “Kasi before pa talaga, gusto ko na siyang makatrabaho. Kapag tinatanong ako kung sino ang gusto kong maging leading man, siya yung isinasagot ko. So, eto, naging dream come true sa akin."


Itinuturing ng Kapatid Princess na si Ritz Azul na magandang regalo para sa kanyang nalalapit na ika-19 kaarawan sa Enero 11 ang pagpapalabas ng "heroserye" ng TV5, ang Kidlat.

Ginagampanan niya rito ang isa sa leading ladies ng bidang si Derek Ramsay.

Nagsimula ang pagpapalabas ng Kidlat sa pamamagitan ng 90-minute made-for-TV movie kagabi, Enero 6, at magpa-pilot naman ang serye ngayong gabi, Enero 7.

Sabi ni Ritz, “Kaya nga sobrang thankful ako sa TV5 dahil ginawa nilang special ang birthday ko.

“Kasi natapat pa sa birthday ko yung first week airing ng Kidlat. Napakagandang regalo talaga ito.

“Sobrang overwhelmed po ako kasi hindi ko akalain na maaabot ko ito after po ng Star Factor.

“Tuluy-tuloy ang pagtulong sa akin TV5, sobra ang trust nila sa akin—lalo na itong Kidlat na ang laking project talaga.

“Kaya thank you po talaga.”

May taping sila sa mismong birthday niya kaya sa set na lang daw siya magse-celebrate kasama ng cast at staff ng Kidlat.

Sa ibang araw naman daw ay balak niyang mag-charity work at magbigay ng tsinelas at school supplies sa mahihirap na estudyante sa kanilang lugar sa Sta. Rita, Pampanga.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz kagabi sa special screening ng made-for-TV movie ng Kidlat sa TV5 Studio sa Broadway Centrum sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Kaagad na tinanong ng PEP si Ritz kung ano ang naramdaman niya matapos panoorin ang movie version ng Kidlat.

“Actually, bago pa talaga ito, sobrang nae-excite na talaga akong makita yung resulta nitong movie.

“And ngayong napanood na namin, ayokong alisin yung mata ko sa screen kasi every second na maalis yung mata ko, feeling ko may maiiwan ako.

“Pinaghirapan kasi talaga namin ito at habang pinapanood ko talagang bawat balahibo ko tumatayo.”

Hindi ba parang naungusan o na-upstage niya ang isa pang leading lady ni Derek na si Nadine Samonte dahil sa movie ay hindi ito napanood?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Ritz, “No naman, kasi itong premiere, parang patikim pa lang na tungkol sa buong story ng Kidlat.

“Pero marami pa silang dapat abangan sa serye. Dapat abangan po nila si Nadine.

“Sa serye po kasi, mas mauuna po siyang mapanood kaysa sa akin. Ako, parang pasulpot-sulpot lang habang nandun pa siya.

“Abangan na lang po nila kung paano mangyayaring malilipat sa akin yung atensiyon ni Derek.”



DREAM COME TRUE. Dream come true daw para kay Ritz ang makatrabaho si Derek.

Aniya, “Kasi before pa talaga, gusto ko na siyang makatrabaho.

“Kapag tinatanong ako kung sino ang gusto kong maging leading man, siya yung isinasagot ko.

“So, eto, naging dream come true sa akin.

“Yung… di ba, star na siya, pero hindi niya pinapa-feel na star siya, sobrang down to earth niya.

“And thankful ako na naging katrabaho ko na siya at sobrang suporta niya sa aming lahat.”

Ano pa ang nagustuhan niya kay Derek?

“Kasi noong ginagawa pa namin yung Glamorosa, nasa kabila [ABS-CBN] pa siya noon, siya yung maingay ang pangalan sa pagiging leading man, di ba?

“At saka lalaking-lalaki talaga yung tindig niya. Sa kanya ako humanga.

“At saka nalaman ko nga na mabait talaga siya.”

Hindi ba siya kinabahan na ang tinaguriang “universal leading man” ang kasama niya sa Kidlat?

“Kinabahan ako, sobra! Nanginginig pa yung kamay ko nung nalaman ko siya yung kasama ko.

“Nung nakausap ko pa si Direk Mike [Tuviera], medyo mangiyak-ngiyak pa ako kasi parang may ramdam na takot.

“Kasi iba na yung mga artistang nakakasama ko sa show, parang nape-pressure ako.

“Kasi iba na, e, feeling ko baguhan pa ako tapos isinasabay na ako kina Derek at sa iba pa na matagal na sa industriya.

“Kailangan kong sabayan yung galing nila sa pag-arte.

“Pero nung nag-start na yung taping namin, hindi nila ipinaramdam yung pressure.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kilig factor ba na si Derek ang leading man niya?

“Oo naman, kasi gusto ko talaga siyang makatrabaho,” sagot ni Ritz.

Ano naman ang nararamdaman niya kapag niyayakap siya ni Derek sa mga eksena nila?

“Ramdam na ramdam ko nga yung muscles niya, e!” biro ni Ritz.

Pati ba yung abs ni Derek ay naramdaman niya?

“Siyempre. Kasi, di ba, nung buhat niya ako pagbaba niya sa akin, tumalon yung kamay ko, na-feel ko yung abs niya. Ayun, sumagi,” sabay tawa ni Ritz.



BOYFRIEND-MATERIAL. Single sila pareho ni Derek, posible kayang magkaroon ng romantic link sa pagitan nila?

“Balita ko kasi meron na siya. Balita ko lang,” sagot ni Ritz.

Para sa kanya ba ay boyfriend-material si Derek?

“Oo naman, sobrang bait ni Derek. Sobrang gentleman niya.

“Pagka nga nagkukuwentuhan kami sa set, kapag sinasabi niya yung gusto niya sa isang babae at kung paano niya irerespeto yung babae, sobrang nakakahanga.”

FHM ISSUE. Aware daw si Ritz na bumili ng FHM November 2012 issue si Derek kung saan cover ang TV5 Princess, pero hindi raw ito mabuksan ng aktor.

Ano ang reaksiyon ni Ritz dito?

“Yeah, sinabi niya sa akin. Kasi daw, ayaw niyang magbago yung paningin niya sa akin as sweet. Kasi dun nga sa FHM, medyo daring.

“Ako, okay lang, kasi opinyon niya yun, e.

“Pero siyempre, nagpapasalamat ako kasi bumili siya ng copy.

“Yun bang hindi ko masabi kung paano ako magpapasalamat din sa kanya dahil tinulungan niya rin ako dito sa role ko sa Kidlat.”

Ano naman ang general opinion o feedback na nakuha niya sa mga tao sa kanyang sexy pictorial sa FHM?

“Maganda, halos lahat positive and hindi bastusin. Sweet pa rin and kung ano pa rin ako.”

So, wala siyang pinagsisihan kahit sumabak agad siya sa sexy pictorial?

“Wala naman. Kasi pinag-usapan din namin ito ng TV5 at ng TV5 Talent Center, nina Direk Mac [Alejandre, TV5 Talent Center Head].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So naging maayos naman lahat ng kinalabasan.”

Sa naunang interview ng PEP kay Derek kung paano niya ide-describe si Ritz sa FHM, sinabi ng aktor na “Vavavoom!”

Ano ang reaksiyon ni Ritz dito?

Natawa muna si Ritz bago sumagot, “Talaga sinabi niya yun?

“Kasi kilala niya talaga ako as sweet, boyish kapag nasa set kami.

“Hindi niya siguro in-expect na maggaganun ako kaya siguro naging ganun ang reaksyon niya.”

KISSING SCENE. Dahil nga sa sexy pictorial niya sa FHM, iniisip ng marami na magiging daring na rin siya sa mga ginagawa niyang proyekto.

Ready na ba siya sa kissing scenes?

“Hindi ko pa alam. So far, dito sa Kidlat, wala pa naman akong kissing scenes na ginagawa.

“Gusto ko lang sabihin na hindi naman komo’t nag-FHM na ako e tuluy-tuloy na ang pagpapaseksi ko at pagiging daring, pati sa TV at movies.

“Siguro dahan-dahan lang po. Mas gusto ko naman pong patunayan na may ibubuga ako sa acting.

“Nagpapasalamat nga ako sa TV5 at sa TV5 Talent Center kasi tinutulungan nila akong ma-achieve yung goal ko na yun.

“Pinagwo-workshop po nila ako.”

Paano kung magkaroon sila ni Derek ng kissing scene sa Kidlat?

“Kanina nga si Derek, tinanong niya ako, ‘Nagka-boyfriend ka na ba?’

“Sabi ko, ‘Hindi pa. No boyfriend since birth.’

“Na-kiss ka na?’

“‘Hindi pa.’

“‘E, paano pag nagka-kissing scene tayo dito sa Kidlat?’

“‘Hindi ko alam.’

“Kasi tinanong din ako ni Direk Mike, ‘Nagka-kissing scene ka na ba?’

“‘Hindi pa po Direk, e. Kinakabahan nga ako,’ sabi ko.”

Papayag ba siya?

“Tingnan na lang po natin kasi mahirap magsalita.

“May mga paraan naman po siguro pwedeng gawin para doon sa kissing scene.

“Kasi trabaho po ito,” sagot ni Ritz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN