Rachelle Ann Go on having a lovelife: “Para maging inspired tayo, hindi kailangan ng special someone.”

Sa mga nagnanais na maging successful sa showbiz, may payo si Rachelle Ann Go. Sabi niya: “You have to learn. Kailangang mag-voice at dance lesson pa rin. Dapat tuloy lang iyon. Kailangang mag-grow talaga.”


Isa si Rachelle Ann Go sa mga naging guest sa successful Silver Rewind concert ng idol niyang si Regine Velasquez na ginanap last Saturday, January 5, sa SM Mall Of Asia Arena.

Patuloy pa ring pinag-uusapan ang concert lalo na ang performance ng Asia’s Songbird at ng kanyang guest artists.

Laking tuwa at saya ni Rachelle Ann na naging bahagi siya ng memorable concert na ito.

“Sobrang thrilled! Nakakakaba, pero mas nangibabaw yung saya,” ” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, January 6.



STANDING OVATION. May segment sa concert ni Regine kunsaan kinanta ang theme songs ng mga pelikula nito.

At doon ay nakasamang bumirit ni Regine sina Rachelle Ann, Jaya, at ang La Diva.

“Ang sarap ng pakiramdam!” bulalas ni Rachelle nang tanungin tungkol dito.

“Yung kaba na naramdaman namin bago kami sumampa sa entablado, nawala na iyon noong kumanta na kaming lahat.

“Parang naglalaro na lang kami. Ganoon na lang. In-enjoy na lang namin yung napakasarap na feeling.”

Sa performance nilang iyon, nag-standing ovation ang mga manonood pero hindi raw ito napansin ni Rachelle Ann.

“Talaga? Tumayo yung mga tao?” gulat niyang tanong.

“Maraming-maraming salamat naman at na-appreciate nila yung ginawa naming biritan.

“Biritan, na sabi nga ng iba… parang wala nang bukas, e!” sabay tawa niya.

Ni-rehearse ba nila yung biritan nilang iyon?

“Nagkaroon ng band rehearsal. Tapos before nag-start yung show, meron ding sound check.

“Pinag-usapan namin kung sino ang bibirit sa ganitong part. Bigayan din naman yung ginawa namin.”



NEXT GENERATION. Bago natapos ang segment nilang iyon, sinabi ni Jaya na sina Rachelle Ann at ang La Diva daw ang mga susunod sa yapak nila.

“Speechless ako!” natatawang reaksiyon ni Rachelle Ann.

“Hindi ko… grabe po talaga! Sabi ko nga, wala namang makakasunod sa yapak nina Ms. Regine at ni Ms. Jaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang layo na nila. Sila na yun, e.

“Sila na talaga iyon. Iba talaga sila, nag-iisa.

“And sa mga kagaya ko, feeling ko, kailangang tuluy-tuloy lang dapat ang paggu-grow as an artist.

“Hindi puwede yung, ‘Eto na yung ginagawa ko, okey na ako rito.’

“You have to learn. Kailangang mag-voice at dance lesson pa rin.

“Dapat tuloy lang iyon. Kailangang mag-grow talaga.”



NEW PROJECTS. For 2013, what’s in store for Rachelle Ann?

“For this year, kasama ako sa cast ng Indio.”

Ang Indio ay bagong star-studded at big-budgeted fantasy series ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla.

“Nakapagsimula na akong mag-taping. Nakasali ako doon.

“Nakakatuwa! At iyong mga kasama ko doon ay naggagandahan at nagtatangkaran!

“Sabi ko tuloy, ’Parang naligaw yata ako rito!" tawa pa niya.

“Pero nakakatuwa talaga na naging part ako ng Indio.

“Isang diwata ng buwan ang role ko. Ang pangalan ng character ko ay Libulan.

“Meron akong power na… sa boses, e. Abangan ninyo na lang.”

Ano ang pakiramdam ng muling pagsabak niya sa acting?

“Ang sarap ng feeling. Oo, e.

“Iba actually itong acting. Tapos yung costume namin, e, medyo mabigat, pero maganda.

“And… baka meron din akong gawing musical. Pinag-uusapan pa ang tungkol doon.

“Disney rin—parang yung sa Little Mermaid.

“Pero tingnan ko kung kakayanin ko ang isang role na iyon.

“So, abangan natin.”



LOVELIFE. Bagong taon na, wala pa rin ba siyang bagong special someone?

“Ay, wala! Wala! Wala, e,” sabay hagikhik niya.

“Mas masarap na single at makapag-focus sa craft mo at wala kang ibang iniintindi.

“Ganyan na lang muna… enjoy.”

Hindi ba mas nakaka-inspire din kapag may lovelife?

“Hindi rin!” tawa na naman niya.

“Hindi rin naman iyon ang dahilan na… para maging inspired tayo, hindi kailangan ng special someone.”

Hindi kaya natakot na siyang ma-in love kaya kahit may mga nanliligaw sa kanya ngayon ay deadma siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po ako takot. Ano lang… ayokong magmadali.

“Sabi ko, dapat kung sino iyong next, iyon na yun, e.

“Oo. Kaya kailangan, dapat kilalanin lahat.

“Lahat? Akala mo ang daming nakapilang manliligaw! Ha-ha-ha!”

Abala rin daw siya sa pagsusulat ng mga kanta ngayon.

“Plano ko kasi… so sana, matapos ko nang maayos.

“And meron din akong Valentine concert sa Viva… marami kami.

“Hindi ko pa lang alam kung sinu-sino ang makakasama ko.

“Abangan na lang ninyo this February 14,” panghuling nasabi ni Rachelle Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN