Julie Anne San Jose on having a crush on Alden Richards: “Kailangan muna naming i-set aside—trabaho muna talaga.”

Tinanggihan na ni Julie Anne San Jose ang ibang project sa kagustuhan niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ganoon pa man, malamang na mag-showbiz pa rin siya. Esplika niya: “Gusto ko ring makatapos ng pag-aaral. Puwede namang isabay ang studies sa showbiz career, e. Time management lang ‘yan.”


Nadapa si Julie Anne San Jose habang nagpe-perfom ng isang production number kasama ang ibang Kapuso young stars sa Party Pilipinas noong Linggo, January 5.

Paupong bumagsak siya sa flooring ng stage pero maagap naman siyang tinulungan ng ka-loveteam niyang si Elmo Magalona.

Kuwento pa ni Julie Anne nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Pagkatapos ng sayaw, kakanta kami ni Elmo.

“Pero parang my legs felt numb. Na parang hindi ko na siya talaga maigalaw.

“Tiniis ko na lang habang ginagawa namin yung sayaw. Tapos all of a sudden, ayun… bigla akong nadapa na lang.

“Parang nahihiya ako sa nangyari. Nahihiya talaga ako actually sa sarili ko rin at sa mga taong nasa paligid.

“Kasi… alam mo yun? Yung parang feeling of embarrassment mo. Na… napapanood ako on national TV, tapos ganoon pa ang mangyayari.

“So, grabe talaga! As in… nakakahiya!” naiiling pero nakangiting sabi pa ng dalaga.

Patuloy niya, “Sinabi ko na lang sa sarili ko na, ‘Well, the show must go on’ and itinuloy ko pa rin na kumanta.

“Okey na naman ako. Masakit nga lang yung balakang ko dahil napaupo nga kasi talaga ako.

“Thankful talaga ako kay Elmo sa pagtulong niya sa akin, at sa iba pang mga taong nag-worry sa akin, na talagang concerned sila.”



CONCERTS. Para sa taong 2013, Julie Anne expects to do a lot of shows kasama ang dalawang concerts na kanyang gagawin.

“Wala pang specific dates kung kailan. Pero yung isa, dito sa Pilipinas. Tapos, yung second, sa L.A. [California] naman.

“Mas kinakabahan ako doon sa gagawin kong concert sa L.A. kasi nasa ibang bansa ka… yung ganoon?

“And it’s gonna be my first time na magko-concert sa States.

“Sa ngayon, nagpe-prepare na ako para sa dalawang concerts ko… nagse-select na po ako ng mga songs na puwede kong kantahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pati yung mga treatments at mga arrangements na gusto ko, pina-plan ko na rin,” saad niya.



STUDIES. Nami-miss ba niya ang pag-arte?

“Of course! Nami-miss ko talaga. Siyempre,” sagot ni Julie Anne.

Balitang dapat ay kasama siya sa cast ng isang bagong serye sa GMA-7, pero tinanggihan daw niya dahil gusto niyang magkaroon ng sapat na panahon para sa kanyang pag-aaral.

“Opo, e,” kumpirma naman ng singer-actress.

“Kasi po, nag-stop na ako kasi ng isang sem [semester], e.

“Ayoko naman pong mag-stop for another sem. Parang ang dami-dami ko na in kasing nami-miss sa school.

“So… naisip ko na it’s better na tapusin ko yung isang semester.”

Sa Angelicum College nag-aaral si Julie Anne and she’s on her third year sa kursong Comunication Arts.

“Gusto ko ring makatapos ng pag-aaral. Puwede namang isabay ang studies sa showbiz career, e.

"Time management lang ‘yan,” pagsisiguro niya.



CLOSE FRIEND. Lately, nali-link si Julie Anne kay Alden Richards at marami na ang nakakapuna sa sobrang closeness nila ngayon.

Pero paglilinaw ng dalaga,. “Actually, naging close kami ni Alden noong nagkaroon kami ng production number sa Party Pilipinas na kasali lahat ng young stars ng GMA.

“Siya yung naging team leader namin. Tapos mas nakilala namin ang isa’t isa.

“Okay naman. Naging magkaibigan kami.”

Totoo bang niregaluhan niya ng chocolate si Alden last Christmas?

“Binigyan ko siya ng dark chocolate na parang medyo salty siya. It was my gift for everyone, e.

“E, wala rin naman akong maisip na ibang gift for him. Kasi nga sobrang rush na yung time na iyon, di ba?

“Kasi parang Christmas hour na rin iyon. Tapos wala na rin ako time na mamili ng ibang gifts.

“So parang… nag-generalize na lang ako kung ano ang puwede kong ibigay!” sabay tawa niya.

Kapansin-pansin na tila bahagyang kinikilig si Julie Anne kapag napag-uusapan si Alden. Crush ba niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman pong hindi magkakagusto sa kanya, di ba?

“Siyempre ano… I admire him naman.

“Kasi sobrang focused siya sa career niya. And ginagawa niya ang best niya.

“Tapos sobrang professional din niya pagdating sa trabaho. And magaling siyang actor.”

Pero crush nga ba niya si Alden?

“Okay lang!” sabay bungisngis ni Julie Anne.

“Lahat naman po kami magkakaibigan.

“And kumbaga, hindi naman po namin nilalagyan ng malice yung mga bagay-bagay.

“Kasi nga, focused muna talaga kami sa work.

“Yung tungkol sa crush-crush, kailangan muna naming i-set aside—trabaho muna talaga,” pahayag ni Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN