Matteo Guidicelli on rumor linking Maja Salvador to Piolo Pascual and Gerald Anderson: "If she’s happy, it’s alright. She’s smart girl and and I guess she knows what to do."

Maraming qualities si Jessy Mendiola na nagugustuhan ni Matteo Guidicelli. Inisa-isa ito ni Matteo: “Jessy is a very delicate girl—she’s very smart, malalim siyang tao, she reads a lot. She knows a lot of things kung bakit mga ganito and she’s willing to learn.”


Oras ang naiturong dahilan ng hiwalayang Matteo Guidicelli at Maja Salvador kung saan inamin ng aktor na nagkulang siya sa aspetong ito para sa ex-girlfriend.

Sa kabila ng breakup, consistent sila sa pagsasabing napanatili nila ang pagiging magkaibigan.

Noong nakaraang Linggo, January 6, sa ASAP 2013, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon si Matteo tungkol sa pagkakaugnay ni Maja kina Piolo Pascual at Gerald Anderson.

Tugon niya, “Basta masaya siya, okay lang, walang problema.

“Wala, if she’s happy, it’s alright. She’s smart girl and and I guess she knows what to do."

Noong Pasko at Bagong Taon ay binati at niregaluhan daw ni Matteo ang ex-girlfriend.

“Binati ko naman… magkaibigan naman tayong lahat.

“May gift siyempre pag kaibigan mo naman, di ba?” sabi niya.



PARAISO. Maganda ang pagtanggap ng publiko sa Precious Heart Romances Presents Paraiso, na siyang nagpataas ng lebel nina Matteo at Jessy bilang lead stars.

Ayon sa aktor, kahit siya ay nagugulat sa mga ginagawa niya para sa role niya rito.

“Oo, medyo iba. Ako nga, hindi ako sanay sa mga ginagawa ko—in character lang.

“Pagkatapos ng taping, nakakalimutan ko na yung mga ginagawa ko.

“It’s very different from who I am in real life, different side. So ayun, iba talaga.”

Natutuwa rin siya pag natatandaan ng mga tao ang pangalan ng karakter niya sa Paraiso.

“Pag lumalabas ako, tinatawag nila akong, ‘Brenan, Brenan,’ which is nice ’coz nanonood sila ng Paraiso.

“We worked so hard for this soap and it means so much to me… sana lang magustuhan ng lahat.

“It’s very controversial, maraming iba’t ibang nangyayari sa soap so sana magustuhan talaga nila.”



JESSY MENDIOLA. On and off-cam, nakikita ang sweetness nina Matteo at Jessy na posibleng mahantong sa totohanan, lalo’t balita rin na nagkakalabuan si Jessy at ang rumored boyfriend nitong si JM de Guzman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re good—masaya,” mabilis na reaksiyon dito ni Matteo.

“Matagal kaming hindi nagkita, matagal ang bakasyon, she did her own thing. We gonna see again next week.

"Jessy and I are very, very close as friends... we’re good friends.

“We talk about everything and anything. She’s nice, we’re still the same… she’s good."

Ano naman ang balita niya tungkol kina Jessy at JM?

“Ayan ang hindi ko alam, yung kay JM.

"Pero sana naman, on the set, I just give everything I have and with what I should give.

“So far, we’re just friends. Hindi ko alam ang mangyayari pagkatapos noon.

“There’s a lot na puwede kong magustuhan sa kanya.

“Jessy is a very delicate girl—she’s very smart, malalim siyang tao, she reads a lot.

“She knows a lot of things kung bakit mga ganito and she’s willing to learn.

“She didn’t know how to swim before… ngayon magaling na siyang lumangoy.

“She’s in the fitness more—in the diet. I don’t know why.

“It’s nice to see these things like she’s working out more, she’s in diet, she’s eating healthy foods… mga ganyan.

“In swimming, yeah, sa set, we’re planning to go badminton and running pero hindi pa nangyayari.

“Nag-schedule na kami kung kailan ba kami magpe-play, pero busy yung sked niya.

"It’s a nice thing na we have something in common.”

Nasundan na ba ang nabalita noong paglabas nila ng kapareha?

Sagot ni Matteo, “Sometimes with the group, we have lunch together.

“Before Christmas, lumabas kaming lahat, buong grupo ng PHR."

Sa ilang buwan na ring natapos ang relasyon nila ni Maja, bukas na kayang magmahal uli si Matteo?

“Tingnan natin. I’m not closing any door but I’m not in the rush.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, I learned that in love, you should not rush it.

“The love can be the best thing and the worst thing in the world. I experienced it already.

“I’m not gonna rush anything ’coz if it is meant to be, it’s meant to be talaga.

“Love, don’t rush it… even it’s a right love but in the wrong time—ayos naman ang lahat.

“I can say yung sa amin ni Maja, I learned a lot I’m using it it in my work and in my life now—lots of experiences that count a lot.

“It really depends. If a girl comes to or a woman in my life, sana swak.

“Basta no rush, love can always wait.”

CHRISTMAS AND NEW YEAR. Kinumusta rin namin kay Matteo kung paano niya ipinagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.

“Very, very nice. Kasama ko ang family ko—Christmas and New Year.

“Mahaba ang bakasyon ko dahil wala kaming taping, mag-i-start kami next week.

“Cebu lang, Cebu and Manila, with the whole family. Very happy, very relaxed.

“Nakapag-train din ako ng triathlon ko, everything and that—vacation.

“We all split up… my sister studies in the States, my dad’s here on the weekends, so medyo magulo ang lahat.

“But in times like Christmas and New Year, everybody’s got to back together, so masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN