2012 ends on high note as Rizzini Gomez wins Miss Tourism International beauty pageant

Registered nurse Rizzini Alexis Gomez beats 55 other candidates to win the title Miss Tourism International held last New Years’s Eve, December 31, 2012, in Kuala Lumpur, Malaysia.


Walang masyadong naisulat na istorya tungkol sa pagkapanalo ng Pinay na si Rizzini Alexis Gomez sa Miss Tourism International.

Ginanap ang naturang pageant sa Kuala Lumpur, Malaysia, noong New Years’s Eve (December 31, 2012).

Ayon sa website ng Miss Tourism International, since 2001 ay tuwing December 31 talaga ginaganap ang naturang beauty pageant.

Noong 1994 pa nagsimula ang Miss Tourism International at sa Malaysia ito unang itinanghal.

Si Rizzini ang pangalawang "official" Filipina na nanalo ng Miss Tourism International crown.

Ang unang Pinay na nagwagi ng koronang ito ay si Maria Esperanza Manzano noong 2000.

Nanalo rin ang actress-beauty queen na si Joanne Santos (a.k.a. Joanne Quintas) ng naturang title noong 1997. Pero hindi officially listed ang pagkapanalo niya sa website ng Miss Tourism International.

Ayon pa sa website ay walang ginanap na pageant/contest noong 1996, 1997, at 2007. Kaya kahit picture ni Joanne na nakasuot ng korona ay wala sa gallery of past winners.

Samantala, ang mga Pinay naman na naging runners-up sa Miss Tourism International ay ang aktres na si Sherilyn Reyes (3rdrunner-up, 1995), Mellany Montemayor (2ndrunner-up, 1998), Racquel Uy (1strunner-up, 1999), at Barbara Salvador (3rdrunner-up, 2010).

Tinalo ni Rizzini, na tubong-Cebu, ang 55 candidates mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Ang naging runners-up ni Rizzini ay ang kandidata mula sa Australia (1strunner-up), Venezuela (2ndrunner-up), Paraguay (3rdrunner-up), at Malaysia (4thrunner-up).

COURTESY CALL. Bago umuwi si Rizzini ng Pilipinas last January 3 ay nag-courtesy call muna siya sa Philippine Ambassador to Malaysia na si J. Eduardo Malaya at sa D’Touch International na organizer ng Miss Tourism International.

Nakipag-meet din siya sa Filipino community in Kuala Lumpur. Tuwang-tuwa raw ang mga OFW doon dahil isang Pinay ang nakasungkit ng korona isang linggo pagkatapos maging first runner-up ni Janine Tugonon sa Miss Universe in Las Vegas.

Hindi raw natapos ang 2012 na walang Pinay na nanalo sa isang international beauty pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ambassador Malaya sa kanyang interview sa isang online newspaper, “This is a beautiful start of the new year for the Philippines, as another Filipina showcased the talent, beauty and grace of our race, and gave further honor to the country.

“The Filipino community in Kuala Lumpur is honored to be among the first to congratulate you on your victory, and I hope that you will be a continuing inspiration to other Filipinos.”

Samantala, si Rizzini naman ay hindi pa rin makapaniwala na tinalo niya ang ibang magagandang babae na nakalaban niya sa pageant.

“The day after winning the pageant, I still cannot believe it. I was still floating, asking myself if this winning the title really happened.

“I am honored to represent the Philippines in this pageant,” sabi ni Rizzini sa press conference niya sa Midas Hotel in Pasay City last January 3.

Isang registered nurse si Rizzini at sinubukan lang niya ang kanyang suwerte nang sumali siya sa Mutya ng Pilipinas last year.

Umere ang Mutya Ng Pilipinas 2012 sa GMA-7 noong August 12, 2012.

Masuwerte namang nakuha niya ang titulong Mutya ng Pilipinas-Tourism, at nagtuloy na ang suwerte niya nang manalo siya bilang Miss Tourism International 2012.

Ang ama ni Rizzini ay ang dating professional basketball player na si Roel Gomez ng Team Alaska at isang nurse naman ang kanyang ina na nagtatrabaho sa New York.

Masayang-masaya ang project director-in-charge ng Mutya ng Pilipinas na si Renee Salud dahil sa pagkapanalo ni Rizzini.

Napawi na raw ang uhaw ng mga Pinoy na matagal nang naghihintay na may manalong ulit na Pinay sa isang international beauty pageant.

Marami ang umaasa na sana’y mabigyan din ng isang motorcade si Rizzini tulad ng ibinigay kay Janine Tugonon since napanalunan naman daw nito ang titulo na Miss Tourism International 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN