Kim Chiu reveals suitor Xian Lim spent post-Christmas with her family in Subic

Nang tanungin kung tuluy-tuloy pa rin ba ang panunuyo sa kanya ni Xian lim, ito ang naging tugon ni Kim Chiu: “Ayoko naman sa aking manggaling. Pero nararamdaman ko na nandiyan pa rin siya, hindi siya napapagod. And then, ewan ko, basta… basta masaya ako na okay sa pamilya ko, okay siya sa family ko. Tinatanggap niya kahit anong sabihin ko.”


Naging napaka-espesyal ng nagdaang Pasko para sa Kapamilya star na si Kim Chiu dahil sa Hong Kong niya ito ipinagdiwang kasama ang kanyang buong pamilya.

Unang pagkakataon daw iyon na nakalabas silang pamilya sa ibang bansa.

Kuwento ni Kim sa The Buzz, “Masaya, fulfilling siya para sa mga kapatid ko kasi first time ko silang mailabas out-of-the-country, at first time din nila ito na kumpleto kami.

“Kaming lahat, kasama ko pa ang pamangkin ko.

“Enjoy silang lahat. Sa theme park, Ocean Adventure, and then... yun, masaya, masaya.”

Three days and two nights lang daw si Kim at ang kanyang pamilya sa Hong Kong.

Pero pagkatapos ng Hong Kong vacation nila, nag-out-of-town naman daw sila rito sa Pilipinas. Dito ay nakasama naman ni Kim at ng kanyang pamilya ang nali-link dito na si Xian Lim.

Kuwento ni Kim, “Sa Subic, sumunod siya.

“Sabi niya, ‘Sama naman ako sa inyo.’ So, yun, sumunod siya.

“Nakita niya mga kapatid ko, naki-post-Christmas siya sa amin.”

Kaya naman nakilala na rin daw ng buong pamilya ni Kim ang sinasabing manliligaw nito.

Kinilig ba siya sa pagpunta ni Xian?

Aniya, “Siyempre, nakakatuwa rin na hindi siya nahiya sa pamilya ko.”

Sa ginawa na yun ni Xian, tuluy-tuloy pa rin ba ang panunuyo nito sa kanya?

“Ayoko naman sa aking manggaling,” nakangiting sabi ni Kim.

“Pero nararamdaman ko na nandiyan pa rin siya, hindi siya napapagod.

“And then, ewan ko, basta… basta masaya ako na okay sa pamilya ko, okay siya sa family ko.

“Tinatanggap niya kahit anong sabihin ko.”

Siya na lang talaga ang hinihintay ni Xian?

“Ayoko namang sa akin manggaling. Pero, hindi ko alam.

“Basta masaya naman ako kapag nandiyan siya.

“At saka, hindi naman siya nagpi-fail na mapasaya hindi lang ako kung hindi maging mga kapatid ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN