Richard Gutierrez says Seduction is not yet part of him being a "freelancer"

Richard Gutierrez explains why Seduction is different from the movies he has done in the past: “It’s a project that I’ve been wanting to do. I’ve been wanting to challenge myself as an actor. I’ve been wanting to go out of the box and be creative as an artist.”


Sa loob ng halos dalawang taon, hindi gumawa ng pelikula ang Kapuso actor na si Richard Gutierrez.

Ang huling pelikulang ginawa niya ay ang My Valentine Girls (2011), na co-produced ng GMA Films at Regal Entertainment.

Samantala, bagamat naging bida siya ng teleseryeng Makapiling Kang Muli (2012), kapansin-pansin pa rin na mas naging abala si Richard sa paghu-host ng reality-adventure programs sa Kapuso network. Kabilang rito ang Survivor Philippines, Pinoy Adventures, at Extra Challenge.

Ayon kay Richard, hindi naman niya desisyon na mas pagtuunan ng pansin ang pagiging host.

“That wasn’t my decision. If I can do two movies a year, I’ll do it.

"But I clearly have no control over that and I’m also confused why I didn’t have a movie for almost two years,” ani Richard sa press conference ng bago niyang pelikulang Seduction kagabi, January 7.

Kaya naman kahit mismo si Richard ay nasabik nang ialok sa kanya ng Regal Entertainment ang pelikulang Seduction.

“I’m very thankful kay Mother [Lily Monteverde, Regal matriarch] dahil siya pa ang nagbigay ng opportunity na magsama kami ni Direk Peque [Gallaga] to create something nice,” sabi ni Richard.

Bagamat mas kilala bilang GMA-7 artist si Richard, nilinaw naman niya na ang pelikula niyang ito ay bahagi ng dati pa niyang kontrata.

Kamakailan kasi ay nag-post ang ina at talent manager niyang si Annabelle Rama sa Twitter na malapit nang maging "freelancer" ang isa sa mga kambal niyang anak.

Ayon kay Annabelle, “Little birdie told me last night that Richard will be a freelancer soon to make movies with other studio ... Yeahhhhhhh.....I’ve been longing for this day.”

Sabi ni Richard, ang Seduction ay hindi pa simula ng pagiging freelance artist niya.

“I don’t really know the technicalities,” sabi ng 28-year-old actor.

“I have a contract with GMA Films. This movie is I think part of my old contract.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga technicalities na ganun. I’m just thankful na I was able to do it.

“I’m just thankful that GMA Films allowed me to do a movie with Regal Films.”

“RIGHT TIMING.” Samantala, tamang-tama rin daw ang pag-alok sa kanyang gawin ang sexy at erotic drama na Seduction dahil matagal na niyang gustong gumawa ng ganitong klase ng pelikula.

Ani Richard, “It’s a project that I’ve been wanting to do.

“I’ve been wanting to challenge myself as an actor.

“I’ve been wanting to go out of the box and be creative as an artist.

“This gave me a chance to do that.

“And it gave me a chance to work with Direk Peque, who is my mentor.

“I’ve learned a lot from doing this movie. Now, I’m hungrier to do movies like this.”

Naging handa rin daw si Richard na ibigay ang lahat ng kanyang makakaya para mapaganda ang pelikulang ito.

“I think it came at the right time.

“It came at the time na I’m prepared and willing to just go all-out.

“You know, as an actor, you look for project like this.

“You will look for project that will challenge you as an artist and will make you feel fulfilled as an artist.

“This is the time na gusto ko pang gumawa ng ganito.

"This won’t be the last. I want to do more of this after doing this movie.”

Pagkakataon na rin daw ito para maiba naman genre ng pelikulang gagawin niya.

“You know, I haven’t had a movie like this. Lahat ng movie ko, romantic-comedies.

“Matagal na akong humihingi ng ganitong klaseng project, na lilihis ako ng kaunti sa romantic-comedy, and something totally different and that would challenge myself.

"I think ito na ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN