Daniel Matsunaga on having another relationship: “I’m ready—ready for the next girl who will come to my life.”

Pinabulaanan ni Daniel Matsunaga na pera ang dahilan ng breakup nila ni Heart Evangelista. Diin niya, “No, hindi totoo. Ako, when I’m in a relationship, I make sure to do my best to take care of everything.”


Noong Linggo, January 6, ay live na nag-guest sa The Buzz ang Brapanese actor-model na si Daniel Matsunaga.

Ang co-host ng The Buzz na si Toni Gonzaga at ang guest co-host nila ng araw na iyon na si Gretchen Barretto ang nag-interview kay Daniel.



HEART EVANGELISTA. Unang tanong kay Daniel ay kung ano ang totoong nangyari sa pagitan nila ni Heart Evangelista noong isang taon at bigla silang nag-break.

Ayon sa Brazilian-Japanese actor, “Siguro ano… distant relationship.

“Kasi, bumalik ako sa Brazil… isang buwan. Siguro, miscommunication.

“So, we ended up fighting a lot because of the distance.”

Inamin naman ni Daniel na talagang nasaktan siya sa breakup nila ni Heart.

Aniya, “Oo naman, oo naman.

“Kasi, alam ko, I lost a very special girl, pero tapos na.”

Sinabi naman ni Toni na ang age gap daw nila ang isa sa lumalabas na naging problema noon.

Ayon naman kay Daniel, “I don’t think so. Since I was sixteen, I used to live by myself.

“So, I learned by myself, so I’m pretty much mature already.”

Diretsahan namang tinanong ni Gretchen si Daniel kung isa talaga sa naging isyu nila noon ni Heart ay ang usaping pera.

“Hindi, hindi totoo,” pagtanggi ni Daniel. “Kasi, I have my own savings.”

Yung pera raw niya, yun ang pinanggagastos kay Heart?

“No, hindi totoo,” tanggi na naman ni Daniel.

“Ako, when I’m in a relationship, I make sure to do my best to take care of everything.

“People will sure say so many things, but it doesn’t come from me… Heart, for sure…

“Ako, alam ko, I did my best to be the one providing.”



MOVING ON. Isang taon at anim na buwan din ang itinagal ng relasyon nila ni Heart, pero nakangiting sinabi ni Daniel na tapos na iyon at naka-move on na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, I really have moved on,” sabi niya.

Pero ano ang naging reaksiyon nito nang malaman na sina Heart at Senator Chiz Escudero na nga?

“Well, alam ko, alam ko from so many people. Masaya ako para sa kanila.”

Tanong naman ni Gretchen, hindi ba umiyak o napikon si Daniel noong malaman at nasabing mas guwapo siya sa ipinalit ni Heart sa kanya?

“No, I’m not, I’m not…”



ANOTHER FILIPINA. Sunod na tanong ni Gretchen kay Daniel ay sino ang naging dahilan para maka-move on ito.

Dalawa sa Kapamilya stars ang nali-link kay Daniel ngayon bago pa man magtapos ang 2012—sina Melai Cantiveros at Kris Aquino.

Tugon naman ni Daniel, “I’m single. Single ako ngayon.

“I’m ready... ready for the next girl who will come to my life.

"Pero, in God’s time lang. I’ll wait.”

Gusto ba niya ng Filipina?

“Oo naman, Filipina... maraming maganda rito.”



MELAI CANTIVEROS. Bakit hiningi raw niya ang number ni Melai?

“Yes, after Kris TV, we gave each other’s number. Pero kaibigan lang, friendship lang,” paglilinaw niya.

Parang iba-iba raw ang taste ni Daniel?

“Kasi, I’m not really—I’m really looking for the inside.”

Si Melai?

“Nakakatawa siya. She’s really funny. Very sexy.”



KRIS AQUINO. Sino ang mas madalas niyang nakaka-text kina Melai at Kris?

“I haven’t texted Kris yet,” sabi ni Daniel.

Nai-intimidate ba siya kay Kris?

“No, I even sent her gift last Christmas. Also for Josh and Bimby.

“Simpleng gift lang. Isang DVD ng Hillsong. Kasi, Christian ako and she also goes to church so...”

Cupcakes naman daw ang ibinigay niya kina Josh at Bimby.

Pinaalala ni Toni na tila may usapan sila ni Kris noon na sabay silang manonood ng Sisterakas. Natuloy ba iyon?

“Yes, tuloy,” sagot naman ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We went together, lahat kami ng staff. So, kasama sina Vice Ganda, Daniel [Padilla], Direk Wenn [Deramas].”

Nakapagtrabaho na si Daniel sa GMA-7, TV5, at ngayon naman sa ABS-CBN. Kinumusta ni Gretchen si Daniel kung ano ang pakiramdam niya sa Kapamilya network.

“Alam ninyo, since the beginning, it was one of my dreams to come to this network at alam ko I can really have great opportunities here,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN