Mark Herras on his showbiz career: “Alam ko naman na may pagkukulang ako and I’m just thankful na nandito pa rin ako at inaayos ko naman lahat.”

Sa matagalang relasyon tulad ng kina Mark Herras at Ynna Asistio, hindi maiwasan na magkaroon ng selosan. Ayon kay Mark, puwede naman itong maisaayos. Sabi niya: “Yung selos kasi, hindi mo naman matuturuan na huwag magselos. Pero siguro, magagawan mo lang ng paraan na mabawasan.”


Tinupad ni Mark Herras ang pangako niya sa kasamahan niya sa GMA-7 na si Ryza Cenon na pupunta at sasayaw siya sa ika-apat na charity event ng young actress.

Isa si Mark na nag-perform para sa mga batang may sakit sa charity event ni Ryza na ginanap sa Philippine Children Medical Center ilang araw bago magpalit ang taon.

Naringgan pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark na nangakong muling babalik taun-taon sa mga susunod na charity events ni Ryza.

Sabi ng young actror, “First year ko na sumama, pero siguro, ngayon ko lang din talaga nabigyan ng oras.

“At alam n’yo naman na mahilig ako sa bata.

"At saka, nagpapakatotoo lang tayo, hindi natin ginagawa ito for media… publicity.

“Ang mahalaga rito, yung gagawin namin for the kids.

“Nakakalungkot din isipin na sa ganoong edad nila, sa kanila na tumama yung sakit na sana, hindi naman.”

Kung titingnan ang closeness nina Mark at Ryza ngayon, tila hindi sila naapektuhan ng mga isyu noong nali-link pa silang dalawa.

“Hindi, hindi naman naging hadlang yun,” nakangiting sabi ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor.



BEST YEAR. Kinumusta naman ng PEP kay Mark ang year 2012 niya.

Sagot niya, “Grabe pa rin naman ang mga blessings na natanggap ko.

“At yun nga, naging part ako ng isang event, yung Tito Dolphy’s event na Alay Tawa… naging part ako ng isang event na hindi makakalimutan ng mga tao.

“Ako kasi, sobrang overwhelmed ako and I’m so thankful na napunta sa akin ang prod number na yun na kasama si Gab [Valenciano].

“At mas nakapag-isip siguro ako nang tama for 2012 at masasabi kong mas okay.”

Ang Alay Tawa ang itinuturing ni Mark na pinaka-highlight ng 2012 niya, kahit sabihin pang isang gabing event lang yun at isa lang siya sa mga guest.

Marami kasi ang pumuri sa ginawa nilang dance number ni Gab bilang tribute sa yumaong Comedy King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Actually, kahit ako po, nagulat ako sa mga papuri ng mga taong nakapanood.

“Even with Direk Al Quinn... na sobrang natuwa siya.

"Isa yun sa hindi ko makakalimutan sa 2012.”

Bukod dito, nakagawa rin daw siya ng mga teleserye tulad ng Hiram Na Puso at Luna Blanca; at nakasama rin siya sa pelikulang Hitman.



LEAD ROLE. Masaya naman ba siya sa naging takbo ng career niya sa nagdaang taon?

“Well, sa totoo lang, actually, parang medyo kulang.

"At the same time, literal, siguro sa mga shows na nagawa, yun ang nakikita kong kulang.

“But at the same time, I’m happy rin kasi nabibigyan ako ng lead role with Kris Bernal.

“And then, nagkaroon ako ng chance na makasama ulit si Ms. Heart Evangelista at si Ms. Bianca King.

“Hindi rin naman simple ang role namin, okay naman po.

“At finally, natapos din ako ng workshop sa GMA Artist Center at magagamit ko yung mga natutunan ko kay Direk Maryo de los Reyes sa acting.”

Kumusta naman ang personal na aspeto ng buhay niya noong nagdaang taon?

“Actually, tahimik naman ang 2012 ko sa personal na buhay.

“Okay naman siya. Sa personal na buhay, wala namang masyado.

“Actually ako, mas nagustuhan ko yung ganitong klase ng tao.

“Yung hindi ka man bugbog sa trabaho, pero yung mga roles na napupunta sa iyo, okay naman.

“Pero siyempre, hopefully sa 2013, mas konti pang madagdag sa project at mas magandang role.”

Sa ngayon, may sinasabi na raw na posible niyang gawing bagong project, pero naghihintay lang daw siya.

WAITING FOR HIS NEXT PROJECT. Naitanong ng PEP kay Mark kung minsan ba ay nagawa na niyang magtanong o may pagkakataong nainip din siya sa susunod na gagawin.

Sagot niya, “Hindi naman... kapag siguro sobrang tagal lang. Like, ‘Excuse me po, wala pa po akong ginagawa.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nangyayari lang naman yun kapag sobrang tagal. Ngayon, okay naman.

“Pagkatapos ko ng Luna Blanca, nag-semi-regular ako sa Bubble Gang, so okay naman po.”

Marami pa ba siyang hinahanap pagdating sa career niya?

“Siguro sa tingin ko, ako lang din ang makakapagbigay ng… hindi spark, e.

“Kumbaga, para mas itulak ang career ko na umayos siguro. Kasi, sa akin lang din yun.

"I mean, before na magsimula yung week ng Pasko, nagbalik-gym talaga ko.

“Huminto lang ako for now, kasi ang hirap ng Pasko. Kasama ko sina Mike Tan, Dominic Roco, Kevin Santos.

“Nag-text na nga ang trainer namin na, ‘Get ready for 2013, magbalik kayong lahat.’

“So, I’m doing something naman for myself.

“But actually, I’m not telling the network. Kasi, ginagawa ko ito para sa sarili ko.”

Alam ni Mark na marami ang nagsasabi na nabawasan ang kasikatan na meron na sana siya. Pero aminado naman siya na may naging pagkukulang din siya.

“Oo naman. Alam ko naman na may pagkukulang ako—and I’m just thankful na nandito pa rin ako at inaayos ko naman lahat.”



JENNYLYN MERCADO. Kung sakali at pagtambalin silang muli ng orihinal niyang ka-loveteam at ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado, okay ba sa kanya?

“Oo naman, bakit naman hindi?” sagot niya.

“May mga supporters pa rin kami ni Jen kaya kung sakaling magkaroon kami ng trabaho together, o ibalik ang tandem for another show, bakit naman po hindi?

“At saka, ang habol naman po namin, yung magandang role.”



YNNA ASISTIO. Sila naman ng girlfriend niyang si Ynna Asistio ay papuntang limang taon na raw ang relasyon.

Nangiti si Mark nang tanungin namin kung paano niya nagawa yun na limang taon na ang itinatagal ng kanilang relasyon.

“Hindi ko rin po alam, e!” natatawang sabi niya.

“Okay naman, okay naman po. Masaya naman po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa edad ni Mark na 25, at si Ynna naman ay 21, puwede na silang magpakasal. Pero ayon kay Mark, hindi pa handa si Ynna.

Paliwanag niya, “Siyempre po, ayoko namang magpakasal na hindi pa ako handa.

"Otherwise, kung kaya ko nang buhayin ang pamilya ko.”

Nakikita ba niyang si Ynna na nga ang babaeng pakakasalan niya?

“Well, sa nangyari sa amin ni Ynna, yes. Pero, hindi pa talaga, e—hindi pa namin napag-uusapan.

“Sa age ni Ynna, masyado pang maaga. At the same time, marami pang pangarap si Ynna—sa sarili niya, sa family niya, sa career niya.

"At ayoko naman siyempreng hadlangan kung ano pa ang gustong gawin ni Ynna.

“I support her kung anuman ang gusto niya sa buhay.

“Hindi naman ako nagmamadali at alam naman natin na kung ilang years pa at sobrang late na for me, hindi naman siguro aabot doon.”

Ang dami na rin nilang intrigang pinagdaanan ni Ynna, paano nila nagagawang hindi bumigay sa mga isyu at intriga sa kanila?

“Sa mga malalala?” natawang sabi rin niya.

“Well, siguro kasi, malaki rin kasi ang pang-unawa ni Ynna.

"At the same time, pinag-uusapan namin talaga kapag may problema kami.

“Kapag may isyu o intriga na lalabas sa TV o sa diyaryo, pinag-uusapan na namin agad.

“Kapag pinatagal pa ninyo, mas lalo kayong gugulo.

“At the same time, hindi ninyo madedepensahan ang side ng isa’t isa."

Yung selos sa pagitan nila, masasabi niya kayang napagdaanan na nila ito?

Sagot ni Mark, “Yung selos kasi, hindi mo naman matuturuan na huwag magselos.

“Pero siguro, magagawan mo lang ng paraan na mabawasan.

“Pero, hindi mo naman matuturuan na mawala lang yun sa buhay ninyong dalawa.

“It’s either ako or siya ang nagseselos. Both ways naman, gumagana ang selos.”



EXCHANGE GIFT. Wala naman daw naging birthday gift sa kanya si Ynna noong December 14, at kahit daw Christmas gift ay wala silang ibinigay sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Mark, “Wala e. Parang yun ang naging problema sa amin ngayon.

“Parang hirap kaming regaluhan ang isa’t isa.

"Kahit ako noong birthday niya, wala. Kahit ngayong Christmas.

“I don’t know why, parang nahihirapan kami.

“Pero kami naman ni Ynna, naging ugali namin na kahit walang okasyon, nagreregalo kami sa isa’t isa kapag walang okasyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN