Heart Evangelista on rumor linking ex-boyfriend Daniel Matsunaga to Kris Aquino: ’I’m happy for... kung saan siya masaya."

Heart Evangelista on her relationship with boyfriend Senator Chiz Escudero: "I could really be myself kasi when I started to date him, ang ano ko talaga, ayoko munang mag-boyfriend. So kung may manliligaw sa akin, hindi na ako magpapa-cute. Hindi na ako magpapanggap na ganyan ako, ganito ako. Accept me for who I am na. Kasi alam naman natin, in the beginning, kakayanin mo, pero in the end, babalik ka rin kung sino ako."


Hindi nakaiwas si Heart Evangelista sa mga tanong tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Daniel Matsunaga sa presscon ng Forever, ang afternoon drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan nila nina Gloria Romero at Geoff Eigenmann.

Ginanap ang presscon ngayong gabi, January 8. Magsisimula namang umere ang Forever sa January 14.

Tinanong si Heart tungkol sa reaksiyon nito sa mga balita na nag-uugnay kay Daniel at sa presidential sister na si Kris Aquino.

Guest co-host kasi ngayon si Daniel sa morning talk show ni Kris sa ABS-CBN na Kris TV.

Sagot ng aktres, “I’m happy for... kung saan siya masaya.

"Ewan ko sa kanya. Bahala siya," dugtong pa ni Heart nang sabihin ng kanyang mga kausap na weakness ni Daniel ang mga babae na February 14 ang kaarawan.

Pareho kasi sina Heart at Kris na Valentine’s day ang kaarawan.

“Good for him” ang reaksiyon ni Heart nang tuksuhin ito ng press na kung may senador siyang boyfriend, may presidential sister naman si Daniel.

HEART’S BOYFRIEND. Pero nagliliwanag ang mukha ni Heart sa tuwing mapag-uusapan ang kasintahan niyang si Senator Chiz Escudero.

Eight months na raw ang special relationship ng dalawa.

Kung si Heart ang tatanungin, si Chiz na ang gusto niya na makasama nang “forever.”

“Sana… ayoko na talaga, e [ng iba].

“In all fairness, sa lahat ng mga naging boyfriend ko, talagang ano siya… I really get along with him.

“Mahilig kasi ako na magkuwento, ganyan.

"Nagkakasundo talaga kami. Hindi pa kami nag-aaway.

“I’ve been dating him for eight months now.

“Siguro kaya siya nagwo-work para sa amin, mature siya and he’s super smart.

“Everything—we talk about life, experiences, everything.

“Siya lang ang naging honest ako about everything.

“I could really be myself kasi when I started to date him, ang ano ko talaga, ayoko munang mag-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kung may manliligaw sa akin, hindi na ako magpapa-cute. Hindi na ako magpapanggap na ganyan ako, ganito ako.

“Accept me for who I am na.

"Kasi alam naman natin, in the beginning, kakayanin mo, pero in the end, babalik ka rin kung sino ako.

“I was very clear about that.

"And siya naman, parang... conversation was so good and I learned so much with life—ang dami kong natutunan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN