Maja Salvador on rumored romance with Gerald Anderson: "Hindi ko masasagot ‘yan… siguro siya na lang ang tanungin ninyo."

Nauugnay ngayon ang pangalan ni Maja Salvador sa kapwa niya Kapamilya star na si Gerald Anderson. Ngunit nang tanungin kung may namamagitan na nga ba sa kanila ni Gerald ay hindi makapagbigay ng direktang sagot si Maja.


Usap-usapan ngayon ang diumano’y pagkakamabutihan ng Kapamilya stars na sina Maja Salvador at Gerald Anderson.

Lalo pang umigting ang haka-haka tungkol sa relasyon ng dalawa nang kumalat sa Internet ang larawan nila na magkasamang nag-dinner sa isang restaurant sa Misibis Bay.

Ang Misibis Bay ay matatagpuan sa Cagraray island sa Bacacay, Albay.

Sa thanksgiving at presscon ng Book 2 ng ABS-CBN primetime series na Ina Kapatid Anak sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, kagabi, January 8, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja.

Agad namin siyang inusisa tungkol sa balitang pagkakamabutihan nila ni Gerald.

Unang nilinaw ni Maja ang tungkol sa dinner nila ni Gerald sa isang restaurant sa Misibis Bay.

Saad niya, “Hindi kami nagde-date dun.

“Nandun ako dahil bridal shower ng aking pinsan, ng aking best cousin… kaya ako nandun.

“And siya [Gerald] din, nandun, kasama ng mga kaibigan niya.

“Hindi ko kailangang mag-explain, pero sige…

“May isa kaming pagsasama 24/7 In Love, Davao, so sa plane, napag-usapan namin ang Misibis. And nasabi ko na parang maganda dun, maganda yung activities dun.

“Kasi parang nagtatanong siya kung saan magagandang lugar, nasabi ko yun.

“Tapos nasabi niya, humingi siya ng number kung ano…

“Sabi ko, “Sige magbibigay ako ng number para ma-seek mo kung okay.’

“Tapos after nun, nagkita kami sa Italian Festival.

“Nasabi ko na, ‘Uy, pupunta ako sa Misibis with my cousin, bonding, kasi dun ang bridal shower, inayos ko.’

“Sabi niya, ‘Sige, ayusin ko din.’ Ganun lang.

“Same flight, sabay.”

Tinanong din ng PEP kay Maja ang bali-balita na madalas daw siyang nakikitang nanonood ng basketball games ni Gerald.

Sagot niya, “Kasi nga, mga cousins ko ang mga kasama ko.

“Aaminin ko, nagkayayaan sila ng mga pinsan ko. Nandun ang mga pinsan ko, e.

“Opo, nandun ako… pero yung liga, hindi.”

IS GERALD COURTING HER. Diretsahang tinanong si Maja kung nanliligaw ba sa kanya si Gerald, ngunit hindi siya nagbigay ng direktang kasagutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Hindi ko masasagot ‘yan… siguro siya na lang ang tanungin ninyo.

“Basta okay naman siya, kasi isa na rin siya sa naging kaibigan ko dahil kaibigan ni Enchong [Dee], kaibigan ni Rayver [Cruz].

“E, close ako kay Enchong, kay Rayver.”

Bukas naman kaya ang puso ni Maja na magmahal muli at si Gerald na kaya ang nagpapatibok dito ngayon?

“Ayokong sagutin ‘yan kasi, sa ngayon, parang nagugulat din ako kung bakit nangyayari ang mga bagay na ganito ngayon.

“Hindi pa ako masyadong ano dun,” sabi niya.

KIM CHIU. Kasama ni Maja sa Ina Kapatid Anak si Kim Chiu, ang ex-girlfriend ni Gerald.

Naging bukas ba si Maja kay Kim tungkol sa nababalitang espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila ni Gerald?

“Simula sa umpisa, alam ni Kim kung ano ang mga nangyayari… si Kim na lang ang tanungin ninyo,” tugon ni Maja.

Sa presscon ng kanilang teleserye kagabi ay naobserbahan ng ilan na halata raw ang pag-iiwasan at hindi pagpapansinan nina Maja at Kim.

Ano ang reaksiyon dito ni Maja?

“Okay kami, nagbatian kami, nagpansinan naman kami. Wala kayo sa kuwarto.”

Ano naman ang masasabi niya sa balitang in-unfollow na raw siya ni Kim sa Instagram?

“Siguro si Kim na lang ang sasagot niyan,” tugon niya.

Ayon kay Maja, maging si Kim ay inimbitahan niya na sumama sa kanya sa bridal shower ng pinsan niya sa Misibis Bay.

“Ay, invited siya, in-invite ko siya na mag-Misibis. Siyempre vacation mode, so siyempre kasama ang family.”



SARAH GERONIMO. Lumikha rin ng kontrobersiya ang mga binitiwang salita ni Sarah Geronimo sa huling interview nito kunsaan sinabi niyang nasaktan siya nang husto sa nangyari sa kanila ni Gerald.

Hindi raw kasi napanindigan ng young actor ang panliligaw nito sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa pagkakaugnay niya ngayon kay Gerald, hindi ba natatakot si Maja na baka masaktan lang siya sa huli gaya ng nangyari kina Kim at Sarah?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko masasagot ‘yan kasi wala ako sa posisyon kung nasaan sila noon… wala namang nagkakamabutihan,” tugon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN