Kim Chiu on rumored romance of Maja Salvador and Gerald Anderson: "Parang nalungkot lang ako kasi yung taong sinabihan ko nung time na down ako dun sa… yung parang kinain niya lang yung sinabi niya.”

Bagamat masaya raw si Kim Chiu sa anumang namamagitan sa kaibigan niyang si Maja Salvador at ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson, hindi maiwasang maghayag ng kanyang saloobin ni Kim. Aniya, “For me, I’m happy for them. Wala naman pong masama, pareho naman po silang single. Maging masaya na lang po tayo para sa kanilang dalawa. Nakakalungkot lang, kasi yung friendship, nasayang.”


Tila nahahawig na sa totoong buhay ang mga pangyayari sa ABS-CBN primetime teleseryeng Ina Kapatid Anak sa pagitan ng mga bida nitong sina Kim Chiu at Maja Salvador.

Ang mga karakter kasi nilang sina Celyn (Kim) at Margaux (Maja) ay nagkaroon ng away dahil sa lalaking pumapagitan sa kanilang dalawa—si Ethan, ginagampanan ni Enchong Dee.

Sa totoong buhay ay naiintriga ngayon ang magkaibigang sina Kim at Maja dahil sa pagkaka-link ni Maja sa ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.

Sa presscon ng Book 2 ng Ina Kapatid Anak kagabi, Enero 8, sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City, pasabog ang paghahayag ng saloobin ni Kim tungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan nina Maja at Gerald.

Sabi ni Kim, “For me, I’m happy for them.

“Wala naman pong masama, pareho naman po silang single.

“Maging masaya na lang po tayo para sa kanilang dalawa."

Pero dugtong niya, “Nakakalungkot lang, kasi yung friendship, nasayang.”

Hindi raw inakala ni Kim na posible palang ma-develop sa isa’t isa ang kanyang kaibigan at ex-boyfriend.

“Nagulat ako, e, and nabigla. Hindi ko ine-expect na mangyayari itong ganito.

“Di ba parang… bakit? I’m not… hindi naman ako bitter na kung anuman ang nangyayari sa kanila. But I’m happy for them.

“Parang nalungkot lang ako kasi yung taong [Maja] sinabihan ko nung time na down ako dun sa [kay Gerald]… yung parang kinain niya lang yung sinabi niya.”

MAJA ASKED FOR HER PERMISSION. Ibig sabihin ba nito ay may tensiyon sa pagitan nila ni Maja?

Sabi ni Kim, “No, we’re good, we’re okay.

“I don’t care… I don’t care about them. Bahala na siya.

“She knows Gerald… who Gerald is.”

Naging mahirap ba ang pagtatrabaho nila ni Maja sa Ina Kapatid Anak dahil sa isyung ito?

“Hindi naman po. We can work professionally and nagawa naman po namin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda naman yung mga eksena namin. So, it’s okay.”

Bilang magkaibigan sila, may ginawa bang effort si Maja para kausapin siya?

“She asked permission to me. And then I said, bakit kailangan pang magpaalam, e, wala na ako kay Gerald.

“Kaya medyo naaano lang ako na ang daming tao na nagtatanong sa akin about Gerald. Bakit?

“Di ba, parang ang tagal na, three years na? Ang dami pang babaeng dumaan after ko.”

TIRED OF QUESTIONS ABOUT GERALD. Hindi rin itinago ni Kim ang tila pagkairita niya sa patuloy na pag-uusisa ng mga tao at press sa kanya tungkol kay Gerald.

“Nakakapagod na po kasi yung tanong kayo nang tanong sa akin tungkol kay Gerald, e, ang dami na niya pong dinaanang babae, di ba? Hindi lang naman po ako.

“Bakit hindi n’yo po hingin yung opinyon ng ibang babae since marami naman po sila?” sabi ni Kim.

Bakit sa tingin niya tila hindi mapaghiwalay ang mga pangalan nila ni Gerald?

“Hindi ko po alam. Ang dami naman pong nakakaalam… it’s been magti-three years na [kaming hiwalay].

“And the press and the people kept on asking me if I’m okay, if I’m doing fine.

“Of course, I’m doing fine. Ang tagal ko nang naka-let go and ayoko nang magpakatanga.”

Inamin din ni Kim na hindi na sila naging close ulit ni Gerald pagkatapos ng kanilang breakup. Ito ay sa kabila ng muli silang nagtambal sa pelikulang 24/7 In Love.

“Kami ni Gerald… hindi kami naging close. We just did it for work,” sabi niya.

POSITIVE IN 2013. Ngayong 2013 na, ano ang gusto niyang baguhin o maging goal sa taong ito?

Sagot ni Kim, “Parang positivity, fearless, be happy, and then let’s just enjoy.

“And sa mga basher, tama na po. Let’s just be happy for the both of them [Maja at Gerald].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung nagmamahalan sila, kung anuman yung nararamdaman nila sa isa’t isa, maging masaya na lang po tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN