Ritz Azul reveals being warned about Kidlat co-star Baron Geisler: "Pero sa tingin ko, malabo pang magkaroon ng insidente kasi mabait sa akin si Baron."

Ritz Azul on Kidlat co-star Baron Geisler: "Alam ko tina-try niyang maging good. And nag-o-open up siya sa amin kung ano yung mga problema niya. Kaya kaming lahat, sobrang close na, kasi yung mga problema namin, nao-open namin sa isa’t isa. And si Derek, sobrang tinutulungan niya si Baron. Parang naging kuya niya si Derek.”


Bukod kay Derek Ramsay, katrabaho ni Ritz Azul sa TV5 "heroserye" na Kidlat si Baron Geisler.

Hindi naman itinago ng Kapatid Princess ang paghanga niya sa pagiging mahusay na aktor ni Baron.

“Si Baron, ang galing. Before pa noong napapanood ko siya, gusto ko na siyang makatrabaho,” sabi ni Ritz nang makausap siya ng PEP.

Sa made-for-TV movie ng Kidlat ay nakaeksena na ni Ritz si Baron, kung saan bilang part-time waitress ay natapunan niya ng inumin ang mayaman pero lumpong si Vincent Megaton, na ginagampanan ni Baron.

Kuwento nga ni Ritz, “Yung first scene ko na yun, sobrang kinakabahan ako dahil gusto ko siyang makasama talaga.

"Tapos first scene ko pa, natapunan ko siya ng baso na may tubig, sobrang kinabahan ako.

"Kaya yung reaksiyon ko talaga… yung kaba ko napunta doon sa reaksyon ko, kaya nakatulong din yung nerbiyos ko.

"At si Baron, talagang tina-try niyang maging mabuti.”

BARON’S ISSUES. Dahil nabanggit na rin lang ni Ritz na sinusubukan ni Baron na maging mabuti, natanong tuloy namin ang young actress kung aware ba siya sa mga issue kay Baron?

Lalo na nga’t noong isang buwan ay nasangkot na naman sa intriga si Baron na may kinalaman na naman sa problema nito sa pag-inom ng alak, matapos ang umano’y pambabastos nito sa iba pang Kapatid stars sa MVP Ball .

Sagot ni Ritz, “Oo, maraming nagsasabi sa akin na, ’Mag-ingat ka kay Baron,’ ganun-ganun.

"Pero sa set, okay naman, hindi naman niya kami binabastos.

"Alam ko tina-try niyang maging good. And nag-o-open up siya sa amin kung ano yung mga problema niya.

"Kaya kaming lahat, sobrang close na, kasi yung mga problema namin, nao-open namin sa isa’t isa.

"And si Derek, sobrang tinutulungan niya si Baron. Parang naging kuya niya si Derek.”

Pero kung sakaling may mangyaring insidente sa pagitan nila ni Baron, ano ang gagawin niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Depende, kasi hindi ko pa alam kung ano ang magiging reaksiyon ko talaga.

"Pero alam ko naman ang management mismo, ang buong staff, magre-react.

"So, ako, sa tingin ko… alam ko naman na hindi naman ako pababayaan ng TV5 at ng APT sa set, so sila na muna ang bahala doon.

"Pero sa tingin ko, malabo pang magkaroon ng insidente kasi mabait sa akin si Baron.”

EULA CABALLERO. Hindi na rin pinalagpas ng PEP na tanungin si Ritz tungkol sa isyu ng rivalry sa pagitan nila ng isa pang TV5 Princess na si Eula Caballero.

Totoo bang hindi sila okay at nagdededmahan sila pag nagkikita sila?

“No, hindi po iyan totoo,” depensa ni Ritz.

“Minsan nga sinorpresa pa nga niya ako sa bahay namin sa Sta. Rita, Pampanga para bigyan ako ng gift. December 31 nagpunta siya sa bahay.

"Nagulat talaga ako kasi sobrang surprise na from Manila to Pampanga nagpunta pa siya.

"Kasi nga may gift daw siya sa akin for Christmas, New Year, at saka sa birthday ko sa January 11.”

Ano ang regalo sa kanya ni Eula?

“Isang long-sleeved na top at saka doll shoes. Alam niya talaga yung favorite ko, e.”

Inamin ni Ritz na noong una ay hindi sila ganung ka-close, pero nagbago na raw ito ngayon.

“Nag-start na rin kaming maging magkaibigan talaga.

"Kasi before, hindi kami nag-o-open up. As friends lang talaga, magkatrabaho, ganun.

"Pero ngayon, nag-start na kami maging close talaga.

"Kasi nga, para i-visit ka niya from Manila to Pampanga, parang ibang bagay na iyon, thoughtful siya.”

Kaya pakiusap ni Ritz na huwag na silang intrigahin ni Eula dahil totoong magkaibigan daw sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN