Kim Chiu remains "good friends" with Xian Lim despite being closer

Sa dalas nilang magkasama bilang magkapareha sa ABS-CBN primetime series na Ina Kapatid Anak, nananatiling magkaibigan lang daw sina Kim Chiu at Xian Lim.


Sa kabila ng mga hinaharap na intriga, nagagawa pa ring sumaya ni Kim Chiu dahil sa pagkakaroon ng Book 2 ng pinagbibidahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Ina Kapatid Anak, dulot ng patuloy na pamamayagpag nito sa national ratings.

Aniya, “Thankful kami dahil gabi-gabi kaming sinusubaybayan ng mga tao.

“Ito nga ikalawang yugto na namin. Sana suportahan nila kami.

“Yun, we’re very thankful sa lahat ng viewers every night.”

Sa Lunes, Enero 14, ay mapapanood na ang tinaguriang “Gabi ng Katotohanan,” dahil sa malaking rebelasyon na magaganap sa teleserye kung saan malalaman na ng karakter ni Kim na si Celyn, na ang totoo niyang mga magulang ay sina Ariel Rivera at Janice de Belen.

Pero simula pa lang daw ito ng mas marami pang pasabog.

Sabi ni Kim, “Sa January 14 mabubunyag na ang katotohanan. Abangan po nila kung paano ko o paano harapin ni Celyn ang totoo na meron siyang nagdalawang nanay.

“And yung buhay na pinapangarap niya lang dati ay nakatira na siya doon.

“And doon iikot yung mundo niya, sa mundong pinapangarap niya noon na ngayon ay sa kanya na.”

Paano niya pinaghandaan ang mabigat na eksenang ito?

“Paulit-ulit ko siyang binabasa.

"Pinunit ko na sa script ko yung tatlong pages na yun. Tinanggal ko na siya at nilagay ko na siya sa bulsa ko buong araw.

“Paulit-ulit ko siyang binabasa para ma-deliver ko siya nang maayos.

"So, sana po abangan po nila yun.”


XIAN LIM. Kasama rin sa Ina Kapatid Anak ang napapabalitang manliligaw ngayon ni Kim na si Xian Lim.

Mas lalo bang naging intense ang friendship nila ni Xian dahil sa teleseryeng ito?

“Mas matagal lang po kaming nagkakasama ngayon,” tugon ng young actress.

Nauna nang inamin ni Kim na nakasama nila ng pamilya niya si Xian sa Subic vacation nila pagkatapos ng Pasko.

“Sinurprise niya ako nung pumunta siya ng Subic. And nandoon yung family ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pagiging close nila, sabi nila hanggang ngayon ay "good friends" pa rin lang daw sila.



WORKING WITH THE VETERANS. Isa sa mga ipinagmamalaki ni Kim sa teleserye nila ay ang pagkakataong makatrabaho ang magagaling na veteran at seasoned actors na sina Ronaldo Valdez, Eddie Gutierrez, Pilar Pilapil, Cherry Pie Picache, Janice de Belen, at Ariel Rivera.

Malaki raw ang naitutulong sa kanya ng mga ito, lalo na ni Cherry Pie sa tuwing magkaeksena sila.

Ginagampanan ni Cherry Pie ang role ni Teresa, na kinamulatang ina ni Celyn.

Saad ni Kim, “Sa akin po, siyempre si Mama Pie. Kasi para po siyang pangalawa kong direktor.

"Meron na po kaming direktor, pero para pa rin po siyang direktor.

"‘Anak, o eto, huwag mo na kayang sabihin ito. Kasi mas maganda kung dito ko na lang ibigay e.’ Parang mga ganun.

"Bawat eksena namin, nagtutulungan kami. Kaya yung mother-daughter na batuhan namin, medyo parang ang gandang pakinggan.

"Parang, ‘Anak, anak, o eto, pag-aralan mo mabuti yung script ha kasi moment natin ito.’ Ganyan-ganyan. ‘Moment mo ito. Ito na yung katotohanan.’

"So, yun paulit-ulit kong binabasa yung sript. Week 12, dinamdam ko, isinapuso ko.

"Sa lahat ng eksena, hindi siya nagpe-fail na mag-advise sa akin kaya ganun yung kinalabasan ng pag-arte ko sa TV,” pahayag ni Kim tungkol kay Cherry Pie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN