Richard Gutierrez shows support for girlfriend Sarah Lahbati

Richard Gutierrez posted this message on his Instagram account: “@sarahlahbati conquering an uphill battle.. No matter what happens love,ill always be here behind you.”


Hindi na ba makakasama si Sarah Lahbati sa pagpu-promote ng pelikulang Seduction?

Isa ito sa mga naging katanungan sa press conference ng bagong pelikula ng Regal Entertainment noong Lunes, January 7.

Sa naturang press conference, tanging ang direktor ng pelikula na si Peque Gallaga at ang lead actor nito na si Richard Gutierrez lamang ang humarap sa entertainment media.

Hindi nakasama ang isa sa leading ladies ni Richard na si Solenn Heussaff dahil kasalukyan itong nagbabakasyon sa Argentina.

Subalit nabanggit naman na makakasama na si Solenn sa mga susunod na schedule ng promotion pagdating nito.

Hindi rin nakarating ang isa pang lead actress ng pelikula, ang girlfriend ni Richard na si Sarah Lahbati.

Marami rin ang nag-abang kung darating si Sarah sa press conference lalo na’t sa imbitasyon ay nabanggit ang pangalan ng young actress na dadalo.

Pagkakataon na sana kasi iyon upang tanungin si Sarah sa isyung kinasasangkutan niya laban sa GMA Network.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay naging mainit ang mga pahayag ni Sarah laban sa talent arm ng Kapuso Network, ang GMA Artist Center.

(CLICK HERE to read related article.)

Nang tanungin si Richard kung sila na lang ni Solenn ang magpu-promote ng pelikula, hindi niya ito diretsahang sinagot.

Sa halip, sabi niya, “In terms of promos, we still have to sit down and think what’s gonna happen.”

Dagdag pa niya, “But I’m very happy with the film. Kung pelikula at pelikula lang rin ang pag-uusapan, it’s a film that I’m really, really proud of—and everyone behind it is very proud of it as well.

“Sarah gave a good performance, Solenn gave a good performance, and we’re all proud of the movie.

“We will try to promote the movie as much as we can.

“We will try to invite the people to watch the movie as much as we can.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SUPPORT FOR SARAH. Sa nasabing press conference ay nakiusap ang Regal Entertainment matriarch na si Lily Monteverde na iwasang magtanong tunkol sa isyung kinasasangkutan ni Sarah at ng GMA Artist Center.

Dahil dito, hindi nahingan ng pahayag si Richard tungkol sa suportang ibinibigay niya sa kanyang girlfriend sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap nito..

Gayunman, inihayag ng 28-year-old actor ang kanyang supporta sa 19-year-old girlfriend niya sa kanyang personal account sa photo-sharing site na Instagram (richardgutz).

Sa caption ng solo picture ni Sarah na kanyang nai-post, nakasulat ang mensaheng ito:

“@sarahlahbati conquering an uphill battle.. No matter what happens love,ill always be here behind you.

“@sarahlahbati we know the truth is on our side! We stand by it!”

Hindi lamang si Richard ang nagpahayag ng suporta para kay Sarah.

Maging ang kapatid ng aktor na si Ruffa Gutierrez at ang kanilang ina at talent manager na si Annabelle Rama ay ipinakita ito sa pamamagitan ng pagpu-post ng mensahe sa Twitter.

Sabi ni Ruffa (@iloveruffag): "@SarahLahbati we’re behind you all the way Sarah!! Chin up and keep moving forward. Don’t let negative people bring you down."

Sa kabilang banda, nilinaw ni Annabelle (@annabellerama2) ang diumano’y pagwo-walkout ni Sarah sa taping ng Indio base sa kanyang nalalaman.

Sinabi niya saTwitter: “wala akong kinakampihan, pero naaawa lang ako kay Sarah, masyado pa siyang bata para sa ganitong klaseng gulo.”

Matapos ang sunud-sunod na Twitter posts nitong mga nakaraang araw hindi na muling nag-post tungkol sa isyu si Sarah.

Kaya naman may ilang nagtatanong kung nasa bansa pa ba siya o itinuloy na niya ang balak niyang bumalik na lamang sa Switzerland.

Ngunit ayon sa ilang malalapit na tao kay Sarah, nasa Pilipinas pa rin ang young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN