Heart Evangelista on boyfriend Senator Chiz Escudero: “That I’m with someone that’s mature and then ako rin nag-mature, nag-mellow down din ako. So it works.”

Naglahad ng saloobin si Heart Evangelista tungkol sa breakup niya sa Brapanese model-actor na si Daniel Matsunaga. Sabi ng Kapuso actress, “I went through a change—a drastic change. But it wasn’t bad... it was good actually... I felt good. I felt also the shift of being independent, being alone, treasuring your friends more.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart Evangelista sa presscon ng Forever noong Martes ng gabi, January 8, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ayon kay Heart, sa mga pelikulang The Notebook, Somewhere In Time, at Chances Are maaaring mai-relate ang kuwento ng pinagbibidahang afternoon soap.

Aniya, “Mahilig ako sa mga past life, mga ganyan, so I really liked the concept.

“So hindi ko na kailangang manood pa ng mga ibang movies."

Gaganap si Heart bilang batang Gloria Romero sa Forever kaya pinag-aralan daw niya ang mga galaw ng beteranang aktres.

“Pinag-aralan ko yung movements niya, na pinag-aaralan ko pa rin siya ngayon kasi nagpa-flashback...

“So minsan, hindi ko siya nakikita, titingnan ko muna, tapos gagayahin ko.

“So nangangapa pa ako sa part na yun, kasi siyempre yung sa akin, bata pa ako.

“Tapos, noong naging siya na, ang daming nangyari sa buhay niya, so nagbago na yung personality and everything.

“Mas naging wise, pati yung movements... so medyo pinag-aralan pero kailangan mas bata version.

“Medyo nahirapan ako ng konti doon.”

Ano ang naramdaman ni Heart nang sabihin ni Ms. Gloria na "perfect" siya sa role and “she’s very beautiful”?

“Oo nga, e! Nakakatuwa naman, overwhelming, of course.

“Hello! Its really nice of her to say that.

“Actually, it’s really nice that I have this soap with her.

"Kahit, di ba, parang bongga naman na panghapon na soap ito?”



PERIOD MOVIE. Hindi siya nahirapan playing a girl from the ’50s and a girl sa modernong panahon?

“Nahirapan ako ng konti noong sa ’50s kasi parang super-tame ka.

“Hindi ka naman din puwede na pag sinasabunutan ka, sinasampal ka, palaban ka.

“Kailangan, pag sinampal ka, iyak-iyak ka lang or something, so medyo nahirapan ako ng konti.

“Especially kasi, grabe yung first week, ang dami kong iniyak.

“Yung isang eksena ko doon, magang-maga ang mata ko. So nahirapan ako doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But you know, it’s different, di ba?

“Especially because it’s panghapon, it’s a challenge to make it really nice.

“It’s my second time sa hapon, pero matagal na rin, e... yung Langit Sa Piling Mo. Pero that’s ano, e, not really panghapon but before 24 Oras.”

First time ni Heart na gumanap ng 1950s na karakter.

“Pati dialogue, ingat... hindi puwede yung mga modern na words.”



SUPPORTIVE PARTNER. Ang kapareha ni Heart dito sa Forever ay si Geoff Eigenmann. Kumusta katrabaho si Geoff?

“Okay, very good! Kasi nga sanay na rin ako sa kanya kasi nakapag-work kami sa Legacy,” sabi ni Heart.

Hindi sila ang magkapareha doon.

“Hindi. Nagkaroon lang ng moment, tapos naging sila na ni Lovi [Poe].

“So, okay lang, kasi noong mga times na we were shooting Legacy, barkada-barkada.

“So kahit laru-laro lang, na-practice na namin na pag hindi memorized ang lines, nagsasaluhan kami.

“So dito sa Forever... like kahapon, nagka-migraine ako.

“Hindi ako masyadong maka-concentrate. Nagsasaluhan kami so I’m very relaxed with him.”

Walang awkwardness?

“Nothing,” sagot niya.

Sa mga kissing scenes?

“Ako, nao-awkward ako... ayoko nga!” sabay-tawa ni Heart.

Paano niya ino-overcome ito?

“Wala akong magagawa. Kailangan kong gawin, e, kaya gagawin ko.”

Umaalalay naman daw si Geoff sa intimate scenes nila.

“Alam naman niya na ayoko ng mga ano.

“Okay lang yung mga ganyan, you know... in private!” at muling tumawa ang aktres.



NO ISSUE. Okay lang sa kanya na afternoon soap ang Forever kahit na pang-primetime ang magnitude nito?

Sagot ni Heart, “Actually, that’s what made up for it.

"But you know, I’m so over that yung mga isyu-isyu na afternoon.

“At the end of the day, we all have bills to pay, I wanna work, I don’t care who’s on top, I don’t care.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“GMA gives me jobs, I’m so happy, so hindi ako masyadong choosy.

“Ang dami nang mga artista diyan para mabigyan pa ako ng lead, di ba? I’m still so very thankful.

“Tsaka, and of course, later on, na bonus na rin na, ‘Uy, in fairness, ha? Mas madaming nanonood ng afternoon.

“’And you reach different crowds, kasi yung crowd, walang tulog na sa gabi. So, it’s good for you, too!’

"And I’m like, ‘Oo nga ‘no?’

“So iyon. But really, come to think of it, I’m okay lang, I mean you know…

“And Miss Gloria Romero pa! Hello! So talagang na-balance siya, kaya happy ako.”



HOLIDAY RESOLUTIONS. Ano ang New Year’s Resolution ni Heart?

“Actually, wala naman. Kasi wala naman akong nasusundan na New Year’s Resolution.

“So, by this time, I know na reality.

“Pero siguro it would be, you know, just be more appreciative of life—what you have, what you don’t have.”

Dati ba hindi siya appreciative?

“Hindi. Siyempre, parang you still want this, you still want that.

“It’s not what I need—it’s what I want.

“So, I look at it differently now. I’m happy, I’m blessed.

“I have this, I don’t need that, I don’t need to buy this.”

Ano ang pinakamaganda at pinakapangit na nangyari kay Heart sa 2012?

“Actually, walang pangit kahit I went through a breakup.

“But I didn’t feel that I was going through a breakup!” at tumawa si Heart bilang pagtukoy sa hiwalayan nila ni Daniel Matsunaga.

Paliwanag niya, “I went through a change—a drastic change.

“But it wasn’t bad... it was good actually... I felt good.

“I felt also the shift of being independent, being alone, treasuring your friends more.

“Dati kasi, pag may boyfriend ako, hindi na ako magha-hang out sa friends ko kasi busy na ako dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Now, you know, I got to balance everything.

"Plus noong nagka-boyfriend na ako, my life is so balanced.

“Walang umo-OA ako dito, ganyan-ganyan—I feel so good now.

“Parang I’ve matured. I’m with someone mature, I’ve good conversation.”

Ang tinutukoy siyempre ni Heart ay ang bago niyang boyfriend na si Senator Chiz Escudero.



LIFE-CHANGING. What or who brought that change?

“Siguro ako din,” mabilis niyang sagot.

“I mean, even if you meet someone that’s good but you’re not ready, and you’re kalat-kalat, hindi rin magwo-work.

“So siguro, dumating rin ako sa point na nag-perfect timing. That I’m with someone that’s mature.

"And then, ako rin, nag-mature, nag-mellow down din ako. So it works.”

Is Senator Chiz the one?

“You know, you always want it to be the one,” sagot niya without mentioning a name.

“But maybe, this time around, I’m going to try harder than ever because he is really good to me... and he’s so nice, so sweet.

“He’s so nice... and you know what? In the beginning, I really didn’t think anything about it talaga.

“I mean, you know I admire him from before, but I was really... ang utak ko is, ’You know what, I think I’m just gonna be alone and independent—whatever.’

“But you know, he doesn’t even have a security, he drives his own car.

“He goes to my taping without anyone... He’s a normal person, he’s a normal person.

“Pumipila kami. Ako nga yung parang, ‘Ako nga hindi pumipila tapos itong taong ito pumipila?’

“Kunwari sa sinehan or kunwari anywhere that can give you VIP treatment, ‘Hindi ko kailangan.’

“Ganoon siya. Ayaw niya, nahihiya siya.”



REAL PERSON. Baka ganoon si Senator Chiz dahil na rin kay Heart mismo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, e. Parang ganoon siya talaga, e.

“Kahit yung security, parang dyusko, ako nga may security!” at natawa si Heart.

Never daw napalibutan ng mga security o bodyguards ang senador.

“Only when he goes to something... may isa siya or I don’t know.

"But really, we go to the mall. Ngayon, naggi-Greenbelt na siya.”

Si Heart pa raw ang nag-aalala sa seguridad ni Senator Chiz.

“Ako nga, sabi ko, ‘Aren’t you, ano?’ Di ba, parang...’

"Sabi niya, ‘Bakit, wala namang namatay na senator, a.’

“Gumaganoon siya. Sabi niya, ‘I’m not really a threat.’

“Sabi niya, ‘Why would I be a threat?’

“So he’s confident to walk around like that. It’s strange.”

Okay lang ba kay Heart na maraming may crush kay Senator Chiz?

“Ganoon ba? Hindi ko alam. A, talaga?” tanong niya.

“Okay lang, okay lang, cute nga, e.”

Hindi niya alam na maraming may crush kay Chiz.

“Hindi masyado. Clueless ako doon.

“Kasi he is so charming, alam mo? Aliw na aliw ako, charming siya... Super!”

Hindi raw nagbabawal si Senator Chiz sa career ni Heart tulad ng mga kissing scenes.

Cute daw tingnan kapag nagtatakip na lang daw ng mata ang senador kapag may eksena si Heart na kissing scenes or intimate scenes onscreen.

“Ang cute niya.”

Naaliw daw ang senador nang napanood si Heart sa Sosy Problems.

“Sabi niya, ‘You’re really funny, ha?’

“Sabi niya nakakatuwa daw.”

Masaya rin si Heart na may magandang reviews ang 2012 Metro Manila Film Festival entry nila na Sosy Problems.

“It was actually so fun doing the movie because we didn’t follow the script much, we did our own.

“I just enjoyed what I’m doing... what’s given to me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN