Bong Revilla on his first epic-series on GMA-7: “Eto ang peg ngayon sa paggawa sa telebisyon... Kaya sa kabilang istasyon, ’eto ang habulin ninyo."

Sa gulong namamagitan ngayon sa pagitan nina Sarah Lahbati at GMA-7 ay ito ang pahayag ni Senator Bong Revilla: “Gusto natin magkasundo lahat. Kaya kung pupuwede na lang… ang pinakamaganda niyan, magkapatawaran na lang both sides. Gusto ko ngang gumitna. Kung pupuwedeng gumitna ako, gigitna ako para ayusin. Dahil hindi… walang dapat pagtalunan.”


Pinalakpakan ng mga dumalo sa preview ng GMA-7 epic-serye na Indio sa Cinema 5 ng SM Megamall kagabi, January 9, ang ilang mga eksena rito.

Labis naman itong ikinatuwa ng bidang si Senator Bong Revilla.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay Bong pagkatapos ng preview, bakas ang pagmamalaki at saya sa kanyang mga salita sa bago niyang proyekto.

“Di daw makasagot,” nangiti niyang sabi sa sarili nang tanungin kung gaano kalaking budget ang kinailangan para mabuo nila ang Indio.

“Sabi ko nga, mga lima, anim na pelikula ‘yan… ng pinakamalaki kong pelikula.

"Di pa ipinapakita yung set namin ng mga Español. Di pa ipinapakita.

"So yun, pag nakita ninyo...” na ang ibig niyang sabihn ay mas lalo raw mamamangha ang viewers.

Sinasabing ito raw ang pinakamalaki at pinakamagastos na ginawang proyekto ng GMA-7. Totoo ba ito?

Sagot ng actor-politician, “Yun ang sabi ng GMA. Kayo na mismo humusga. Nakita ninyo naman.

“Happy ako at hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko.”

Paano siya napapayag gumawa ng isang series considering kung gaano rin siya ka-busy bilang isang pulitiko?

Tugon ni Bong, “I’m not getting any younger. Hangga’t puwede pa tayo, e, gawin natin.

"Sabi ko sa kanila, ‘Gusto kong gumawa ng teleserye. Pero gusto kong gumawa ng isang malaki, isang epic.’

“Tsaka epic proportions. Makikita mo talaga yung bigness.

"I will only do this once, e.

“Sabi ko, ‘Ngayon ko lang gagawin ito. Ngayon lang.’

“Tsaka puwedeng ito na yung huli na ano, di ba?”



SARAH LAHBATI. Kasama rin sa Indio ang controversial young actress ngayon na si Sarah Lahbati, na gumaganap bilang isang diwata at ina ni Indio (Bong).

Bago ang preview, may mga katanungan kung paano ipagpapatuloy ni Sarah ang kanyang character sa Indio, gayong may sigalot itong kinahaharap ngayon laban sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasagot na kung ano ang mangyayari sa papel ni Sarah sa Indio pagkatapos ng preview, pero natunugan ni Bong ang nais tukuyin ng media nang mabanggit ang pangalan ng young actress.

Aniya, “Sana maayos na lang yung problema na yun dahil unfair sa both sides—na para pagtalunan yung walang kabagay-bagay."

Naapektuhan din ba ang taping nila kaya gusto niyang maayos na ang lahat?

“Hindi naman. Hindi naman. Ayoko lang na may nag-aaway, hindi nagkakasundo.

“Gusto natin magkasundo lahat. Kaya kung pupuwede na lang… ang pinakamaganda niyan, magkapatawaran na lang both sides.

“Gusto ko ngang gumitna. Kung pupuwedeng gumitna ako, gigitna ako para ayusin. Dahil hindi… walang dapat pagtalunan.”

Nanghihinayang ba siya sa maaaring kahantungan ng sigalot, lalo na kay Sarah?

“Oo. Magaling na artista. Nakita ninyo, ang ganda ng role niya dito.

"Although, yun lang talaga yung role niya. Hanggang doon lang.

"Yung nanay ni Indio, namatay na siya.”



MORE THAN AN ACTION SERIES. Ano ang aabangan ng televiewers sa Indio?

“Siguro naman sa teaser e makikita ninyo na medyo kakaiba na rin. At marami pa tayong ipapakitang bago.”

Ano yung pinakamahirap na eksenang nagawa niya sa series, so far?

“Maraming breakdown scenes. Acting. Pang-acting talaga.

"Hindi siya… yung action, secondary na lang, e. More on the story, yung puso.

“Yung takbo ng istorya, dun siya talaga tatakbo, e.

"Kaya sabi ko, kailangan ko ng tulong ni Pareng Ipe [Phillip Salvador].

"Kaya tumutok din sa akin si Pareng Ipe. I’m very thankful to my friend.”



VERY PROUD WITH INDIO. Requirement ba talaga ni Bong na dapat malaki ang proyektong gagawin niya?

Sagot niya, “Kailangan. Kung gagawa tayo, something big that will mark in the history, di ba?

“Eto ang peg ngayon sa paggawa sa telebisyon. At least, maipagmamalaki ng GMA na, ‘Eto ngayon!’

"Kaya sa kabilang istasyon, eto ang habulin ninyo,” biro ni Bong sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yabang, ano? Puwede nating ipagyabang ang proyekto natin.



THREE LEADING LADIES. Sinu-sino ang leading ladies niya sa Indio?

“Si Rosa si Maxene Magalona. A, si Jennylyn Mercado, Rhian Ramos—tatlo.

"Walang kagana-gana si Indio!” tawa na naman ng aktor.

“Ang pogi-pogi niya!” halakhak uli ng lahat.

Kumusta si Jennylyn?

“Mas lalo siyang gumanda. Mas lalong gumaling na artista.”

How about Rhian?

“Lalong gumagaling. Mas magaling na artista siya ngayon. They’re all professionals.

“Makikita natin kasi iba ’tong… iba yung paggawa mo ng pelikula, iba yung paggawa mo ng telebisyon.

"Dito sa TV, paggawa mo pagka umaarte ka na, maraming nuances kasi mas babad ka sa camera talaga, e.

“So, mas maraming… mas makikita mo yung galing ng isang artista. At dito ko nakita yung galing ng bawat isa sa kanila."

Siya ba ang namili ng kanyang mga makakapareha?

“Hindi, ipinaubaya natin sa GMA,” sagot ni Bong.

So may romantic scenes siya sa Indio?

“Mero’n. Panoorin n’yo na lang. Romansahan kaagad. Sinipon tuloy ako!” natatawa niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN